A/N: Ayyy ang bilis, epilouge na pala agad. Anyways, thank you for reading my longest story!
"Felip bilisan mo naman." Sabi ko dahil kita ko na 20 lang ang patakbo nya.
"Pag hindi mo binilisan ako ang mag d-drive." Banta ko at mukhang nadala naman sya dahil pinabilis nya nga ang patakbo ng kotse.
Sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko dun. Pero sana hindi naman kagaya ng iniisip ko. Sana hindi ganoon ka lala..
"Sapphire 'wag nalang kaya tayo tumuloy." Pag pipigil ni Felip sa akin nung makarating kami sa loob ng hotel.
"Pwede ba Felip tigilan mo ako. Mas lalo akong nag dududa dahil sa inaasal mo." Sabi ko at marahas na pinindot ang elevator button.
"Pero--"
"Pero ano?! Ano nanaman Felip?! Bakit mo ba ako pinipigilan ha? May tinatago ka ba? May pinagtatakpan ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"W-wala.."
"Eh yun naman pala eh. Tangina bakit ang tagal nitong bumukas?!"
Mukhang nagulat si Kelly dahil sa muli kong pagmumura. Eh paano ka ba naman hindi mapapamura eh ang tagal bumukas nung elevator kung kailang nag mamadali ako.
"Anong floor nga ulit?"
"4th floor.." sabi ni Felip habang nakatungo.
Dali dali akong pumunta sa hagdan para duon na dumaan. Hindi ko na pinakinggan pa ang tawag nila sa akin. Ang nasa isip ko lang ay si Mark. Tang'ina bakit kasi nag cr pa ako.
"4th floor, room 47." Paulit ulit kong sinabi.
Nang marating ko na ang fourth floor dali dali kong tiningnan ang mga room numbers.
'41'
'42'
'43'
'44'
'45'
'46'
"47.." I muttered.
Kinuha ko ang susi ng room at saka dahan dahan itong binuksan. Kahit kinakabahan ay pinihit ko parin ang door knob dahil gustong gusto kong malaman kung anong nangyayari.
Pero pagkapasok na pagkapasok ko palang nag simula ng mag unahang tumulo ang mga luha ko dahil sa nakikita ko.
"Mark.. ugh.. I love you.." Gail said.
"Gail ah, shit.."
Ramdam ko ay pinipiga ang puso ko dahil sa nasasaksihan ko.
Si Mark wala syang damit pang itaas samantalang si Gail naman ay konti nalang at matatangal na ang pang itaas nyang damit.
"Mga hayop kayo!" Sigaw ko sa kanila.
"Sapphire.." nag aalalang tawag sa akin ni Mark.
"No, it's not what you think it is Sapphire.." pag dedepensa pa nya.
Ramdam ko ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko. Ang sakit tangina.
"It's not what I think it is?!" I scoffed. "Kitang kita ko Mark hindi mo na kailangan pang pagtakpan ang sarili mo!" Bulyaw ko sa kanya.
"No, let me explain--"
"Let me explain?! Ah, let me explain. Sige, ano pang explanation ang kaya mong sabihin sa akin sa nakita ko?! Hubad ka, at sya rin, sa tingin mo anong magiging reaksyon ko?! Masaya?! Tangina. Sayo siguro masaya nga na ginagago mo ako pero sa akin, sobrang.... sakit."
BINABASA MO ANG
Learning How to Love In Hugh University
Teen FictionSapphire Cruz is called by her professors and classmates 'bitch', 'mataray', and 'teachers pet'. But what if, she switch school. School that doesn't recieve any sponsors, they only accept students that mislead their way. And also that school, teache...
