Chapter 45

5 1 0
                                        

"Mark gising na, nandito na tayo." I said at niyugyog sya.

"5 minutes.." malamya nyang sabi.

I sighed at hinintay nalang yung 5 minutes na yun.

Pero naka five minutes na at hindi parin sya nagigising.

"Mark, madilim na. Gumising ka na oh."

Pero habang niyuyugyog ko sya naramdaman ko na parang mainit sya. May lagnat ba sya?

"Mark may sakit kaba?" Nag aalala kong tanong pero hindi talaga sya makausap.

Kaya kinuha ko na ang cellphone nya luckily at walang lock. Tinawagan ko agad si Felip.

"Hello Mark? Saan ka ba pumunta? Ayos ka lang ba? Hello?"

"Si Sapphire to."

"Sapphire? Anong nangyari kay Mark?"

"May sakit ba to?"

"Wala, pero madali yang mag karoon ng sipon, lagnat o sumakit man ang ulo. Lalo na kapag umiyak yan. Bakit?"

"Mukhang may lagnat eh. Sunduin mo naman kami dito sa parking lot ng school."

"Anong nangyari? Uminom ba yan?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag, sa ngayon sunduin mo muna kami." Sabi ko at pinatay ang tawag.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na madali kang magkaroon ng sakit? Na ambon kanina eh. Basta ka lang tumakbo." Sabi ko habang tinitingnan sya.

"Anong nangyari?" Tanong ni Felip ng dumating sya.

"May lagnat ata."

Tiningnan agad ni Felip ang kundisyon nya at sinabi na masakit lang daw ang ulo nya.

"Masakit lang ang ulo nito. Madalas yang mag ka migraine." He faked his smile.

"Ganon ba? Sige tulungan na kitang ipasok yan sa--"

"Ako na lang, kaya ko naman. Pumasok ka na lang sa dorm nyo, baka magkasakit ka pa din." Sabi nya at umalis, pero bago sya umalis, may narinig akong sinabi sya kay Mark.

"Kailan mo ba sasabihin?" He whispered.

"Sabihin ang ano?" I said na nag patigil sa kanila.

"Wala, s-sabihin na m-madalas syang m-magka migraine. Hehe." Felip said nervously at umalis na.

"Weird. Ano kaya yun?" I said at umalis na.

"Shit, nakalimutan nila ang susi ni Mark." I said nung malapit na sa dorm. Kaya pumunta agad ako dun pero hindi ko sinasadya na marinig ang usapan nila.

"Kailan mo ba balak sabihin Mark?"

"Sabihin ang ano?" Mark asked.

"Yang sakit mo. Kailan mo ba sasabihin?" Felip yelled.

S-sakit?

Bigla ko nalang binuksan ang pinto at gulat na mukha nina Felip at Mark ang nakita ko.

"A-anong sakit? M-mark? A-anong sakit mo?!" I asked him while crying, pero umiwas lang sya ng tingin.

"F-felip.. a-anong sakit--"

"Lumabas kana." Mark said coldly.

"M-mark.."

"Wala akong sakit lumabas kana." He said in a monotone voice.

I wiped my tears at iniwan ang susi sa centre table.

"I'm sorry." I said at umalis na.

Dumiretso agad ako sa garden. Hindi ko kaya ang nararamdaman kong emosyon.

Learning How to Love In Hugh UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon