Adrian's POV
Nandito kami sa paborito naming lugar. Isang tahimik at mapayapang lugar. Halos kami lang dalawa ang pumupunta sa lugar na ito. Espesyal ito para sa amin dahil dito nagsimula ang storya namin. Dito ko sya nakilala. Dito naging kami. At dito namin balak magtayo ng bahay sa hinaharap kasabay ng pagbuo namin ng sarili naming pamilya. Sana matupad iyon.
Isang malawak itong lupain na napaka-presko. Maraming mga puno at halaman sa paligid. Malinis ito at may napakagandang tanawin. Pinapanuod namin ang paglubog ng araw habang nakahiga sa damuhan.
"Babe, what are you going to do if you found out that I'm leaving you?" Pagtatanong nya at ipinatong ang ulo nya sa dibdib ko.
"You know I won't let that happen. Never." Sinuklay ko ang mahaba at malambot niyang buhok gamit ang kamay ko.
"But what if I really need to leave you for your own sake?"
"What do you mean?"
"Like someone's going to hurt you if I won't leave you?" Napatingin ako sa kanya at dun ko nalamang nakatingin din pala siya sa akin.
"What are you talking about?"
"What if---
"Sshh. Stop that nonsense. I'm going to fight for you, for us, no matter what. So don't ever think of leaving me even for my own sake. I can handle myself so don't worry." I cut her sentence off.
"Thank you Adrian. Thank you."
"That's nothing. Mahal kita eh." Nakita ko ang isang malawak na ngiti mula sa kanyang mga labi. Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at pagkakataon ko naman para ngumiti hanggang langit.
Kahit na mga bata pa kami tulad ng sinasabi ng iba, mahal ko sya at mahal nya ako. Gagawin ko ang lahat wag lang siyang mawala sa akin. Hindi ko hahayaang hilahin siya ng iba mula sa aking mga bisig. Kahit pa kaligayahan at buhay ko ang kapalit, ibibigay ko, maging masaya at ligtas lang siya.
"I love you Adrian. I really do."
"I love you too, Babe." I said as I kissed her forehead.
Nagising ako mula sa isang masamang panaginip. Ang nakalipas na muling bumabalik. Sa tinagal ng panahon, hindi ko inakala na sariwang babalik parin sa akin ang mga alaala. Nakakaramdam parin ako ng kirot sa dibdib tuwing maalala ko. Sumilay ang ilang patak ng luha mula sa aking mga mata. Mula ng iniwan niya ako, nag-iba ako. Di na kagaya ng dati, naging walanghiya ako. Kung hindi dahil sa pag-alis niya, di ako magiging ganito. Bakit niya 'to ginawa sa'kin? Binigay at ginawa ko ang lahat. Lahat-lahat. Pero bakit? Bakit......
Lynx?
--
(A/N: I'm baaaack! Hahaha. Oo na, late update nanaman ako kaya sorry. At sorry nanaman, wala namang mababago diba? Late padin update ko. #WhoGoat Hahahaha. Jk. Sige, sana nagustuhan nyo 'tong update ko. Thank youuu.)
Vote.Comment.Share.
![](https://img.wattpad.com/cover/12141868-288-k450524.jpg)
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
Teen Fiction"Hindi ko alam kung bakit di ko maalis ang mga mata ko sa'yo. Lahat ng gusto kong sabihin hindi lumalabas ng tama. Nauubusan na ako ng salita, nagagawa mong paikutin ang ulo ko. Di ko na alam kung anong gagawin ko. May iba sa'yo, para sakin lahat ng...