Jasmine's POV
Leonardo. Leonardo. Leonardo. Bakit ka ba laging nasa panaginip ko? Sabi naman nila, di mo daw naman mapapanaginipan ang isang taong di mo kilala. Atleast nakita mo man lang sila ng kahit isang beses sa buhay mo. So, sino sya? Pero pano ko malalaman kung di ko naman makita-kita ang mukha nya? Hayscxz. Life nga naman.
"Hoy Jas!"
"Ay, Leonardo ka! Nagulat naman ako sa'yo!"
"Ano ba Jas, kanina pa ako daldal nang daldal dito, di ka pala nakikinig. Sang planeta ba lumipad yang utak mo ha? Parang ang layo ng narating ah."
"Sorry na okay? Sorry na. Naiisip ko lang si Leonardo." -Sabi ko. Si Cy 'tong kausap ko kanina pa. Nandito kami ngayon sa mall, Starbucks specifically. Saturday naman na eh, kaya okay lang gumala.
"Tama na nga muna yang kakaisip mo sa panaginip mo. Tulungan mo muna ako sa ibibigay na special quiz sakin. Di ko kasi talaga magets yung topic natin sa Science eh. Pano ba yung mga cosine cosine na yun?" -Pagmamakaawa nya. Pano ba naman kasi eh nagquiz kami sa Science last time tapos di sya naka-attend ng class kaya ayun, may special quiz daw na ibibigay si Ms. Mara. Okay lang naman sakin na turuan sya eh. Ang kaso lang, di ko din talaga masyadong gets yung topic na yun.
"Ano namang aasahan mo sakin dyan? Di ko din masyadong gets yan eh. Nagpatulong lang ako sa seatmate ko. Hehe." Hoy, wag ka, di ako nangopya ah. Nagpaturo lang ako kung pano i-solve. Haha. Ako na defensive. Ako na talaga.
"Pano na yan?" Mukhang nawawalan na talaga sya ng pag-asang makakapasa pa sya. Aigoo~
"AHA!" May naisip ako! Hahaha. This'll be fun.
"Ano yun? May naisip ka nang magtuturo sakin?"
"Oo!"
"Sino?"
"Si Ken!"
"ANO?!"
"Ay, makareact te? Eksaherada? Hahaha."
"Seryoso ka? Marunong ba yun?"
"Oo naman! Honor student kaya yun since makilala ko sya. Sure naman akong free sya ngayon dahil katext ko sya kagabi at nasabi nyang wala syang gagawin ngayon."
"Kahit sino na. Wag lang yun." Alam mo ba kung ba't ganyan maka-react ang Cyril Mendoza na ito? Haha. Eh kasi naman, parang balak syang pormahan ng boy bestfriend ko. Pero sa tingin ko ay nagbibiro-biro palang naman sya. Yung para bang kinukulit nya palang si Cy? Basta di nya pa nililigawan. Aba, dapat magpa-alam sya sa'kin no.
*dialing Ken Gwaps*
"Oh bestfriend, miss mo kagad ako? Parang kagabi lang magkatext pa tayo ah?"
"Edi wow. Hindi no. Kapal mo talaga. Tatanong ko lang sana kung pwede kang pumunta ng mall ngayon. Dito sa Starbucks."
"Bakit? Niyayaya mo ba akong makipagdate sa'yo? Tsk. Sabi na nga ba crush mo'ko eh."
"Ang yabang mo talaga! Asa ka pa! Papatulong lang. Kelangan kasi ni Cy ng magtuturo sa kanya sa Science kasi may special quiz na ibibigay sa kanya yung teacher namin. Eh alam mo namang mahina ako sa Science kaya di ko maturuan 'to kahit gustuhin ko. Ano okay lang ba?"
*toot.toot.toot.*
"Aba't!"
"Oh bakit?" Tanong ni Cy.
"Di ba pumayag? Sabi ko na eh. Tss." Sabi pa niya.
"Binaba nya agad eh. Hindi pa nga sya nasagot sa tanong ko eh." Nakita ko namang tumamlay ang mukha ni Cy. Mahalaga talaga ang grades nya para sa kanya eh.
"Hey. Ano ba yung kelangan mong aralin?" Nagulat kaming dalawa ni Cy. Ang bilis naman nya? Pano nangyari yun? Bigla ba namang sumulpot si Ken at sya nga ang nagtanong nyan. Aba, kaya siguro binabaan ako dahil nagmadali. Mukhang may gusto nga to kay Cy ah. Hahaha.
"Bilis mo ah. Kaya pala binabaan mo'ko ng tawag eh."
"Hehe." Sabi nya sabay kamot ng batok nya. Cute. Haha.
"Osige, iwan ko na muna kayo dyan. Maglilibot lang ako. Text mo nalang ako Cy pag tapos na kayo." Di ko na inintay pang makasagot sila at lumabas na ako ng Starbucks.
Haay, ano kayang magawa dito sa mall? Ayoko namang magshopping dahil ang dami nang binili sakin ni Mom na gamit. Kakain nalang ako. Hahaha.
Pumunta ako ng BonChon at bumili ng fish taco. Tagal ko nang nagce-crave dito eh. Ang sarap kasi talaga. Bumili na din ako ng Ko-Yo at umalis na. Habang nagiikot-ikot ako kumakain. Feel ko lang eh. Haha.
Wait, si Adrian ba yun? Nakita ko syang lumabas ng pet shop kasama ang isang babaeng sigurado akong hindi ang Mom na may dalang puppy at ang saya-saya nila. Naka-akbay pa si Adrian sa kanya. Hmmm. Sino kaya yun? Eh ano naman sakin? Tss.
Tutal naman eh wala na akong magawa dito sa mall, napagdesisyunan ko nang umuwi at itinext ko nalang si Cy na mauuna na ako at pakisabi nalang din kay Ken.
--
(A/N: Two updates for you guys. Lapit na Valentine's Day, sino date nyo? Ako, yung mga asawa kong Korean. Haha. Kkk. Okay, 'til next chapter guys. :D)
Vote.Comment.Share.
Mark sa side ------->

BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
Teen Fiction"Hindi ko alam kung bakit di ko maalis ang mga mata ko sa'yo. Lahat ng gusto kong sabihin hindi lumalabas ng tama. Nauubusan na ako ng salita, nagagawa mong paikutin ang ulo ko. Di ko na alam kung anong gagawin ko. May iba sa'yo, para sakin lahat ng...