Adrian's POV
Bwisit. Bakit sa lahat-lahat ng makikilala ni Jas, yung Austin na yun pa?
"Pare, tawag ka ni coach."
Anong meron sa kanila at bakit parang close na close sila ha?
"Pare."
Baka naman matagal na silang magkakilala? Putcha.
Teka nga. Ano naman bang pakialam ko? Tsk.
"PARE!"
"What?!" Tanong ko dun sa ka-teammate ko sa basketball.
Nakalimutan kong andito pa nga pala ako sa gym. May practice na kami kaagad ng basketball. At ako nanaman ang captain.
"Kanina pa kita kinakausap at kanina ka pa tinatawag ni Coach!" Kanina pa?
"Tss."
Jasmine's POV
"Such a slut!"
"Omg, pakilala mo naman ako sa kanila minsan!"
"Landi mo!"
"Friends na tayo please?!"
Yan yung ilan sa mga naririnig ko sa mga babaeng nadaanan ko kanina habang pauwi na ako. Mukhang kilala na ako ng lahat dahil dun sa dalawang lalaki. -_-
"Ay, may assignment pa nga pala tayo!" Narinig kong sabi ni Cy mula sa kusina. Nandito ako sa sala, nanunuod lang ng tv. Nandito pa si Cy sa bahay dahil bukas pa ang uwi parents namin. Remember?
"Ha? Anong assignment natin?" Lumabas sya galing kusina na may dalang tray na may cookies at juice.
"Yung sa Character Education. Yung assignment natin kahapon na bukas daw ipapasa." Sabi nya sabay upo sa sofa at kagat sa cookie na hawak nya.
"Ahh. Oo nga pala. Sige, kuhain ko lang yung notebook ko."
"Sige, pakuha nadin ng notebook ko sa taas ah? Tenkyuuuu. Hahaha!" Ginawa pa akong utusan.
Umakyat na ako sa kwarto ko at kinuha ang notebook namin ni Cy pati ballpens nadin. Pababa na ako ng biglang sumigaw si Cyril.
"JAAAS! Bilisan mo, bumaba ka dito daliiiiii!"
"Oo na! Pababa na nga! Bakit ba?" Nadatnan ko syang mukhang kinikilig dun sa pinapanuod nya sa tv kaya tinignan ko kung ano ba yun.
"Tignan mo oh!" Sabi pa nya.
"Is that..."
"Yes! That's fafa Tyleeer!"
"Sya nga! Ba't sya andyan?"
"Nakalimutan kong sabihin, model nga pala ng isang malaking clothing line si fafa Tyler. Hihihi." Sabi nya nang titig na titig padin sa tv.
"How come di ko yun alam?"
"Hello 'te! Ngayon ka lang yata nagbukas ng tv dahil sa kaka-fangirling mo dyan sa X.O. na yan eh!"
"EXO yun! EXO! Hindi X.O.! Tsaka nanunuod naman ako ng tv no! Paminsan nga lang."
"Whatever. Edi hindi mo nga talaga mapapanuod si fafa Tyler."
"Tigilan mo nga yang kaka-fafa mo dyan. Ang bakla pakinggan!"
"KJ mo talaga! Gawin na nga natin 'tong assignments natin."
"Mabuti pa nga!" Binuklat ko na yung notebook ko at binasa ang question na sasagutan.
"For you, what is love and how can you say that you're already feeling it?"
"Aba't! Tignan mo nga naman ang teacher natin! Pumapag-ibig!" I said.
"Hahaha! Nagpapabata ata! Hahaha!"
"Hello, this is Kylie Sanford, the owner of Blanc Clothing Line. I hope you'll support and buy our new products. I want to thank our best model and endorser, Tyler Austin. *the crowd cheers* I blah~ blah~ blah~" Narinig ko sa tv. Di pa nga pala napapatay. Kina Tita Kylie nagmo-model si Tyler?
"Si Tita Kylie ang may-ari ng clothing line na pinagmo-modelan ni Tyler?" Pagtatanong ko kay Cy nang may pagtataka.
"Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko nanaman. Dyan nga sya nagmo-model. Nadiscover sya sa school natin. Pero di naman talaga nya kailangan magtrabaho, gusto nya lang din."
"Bakit hindi si Adrian ang ginawa nilang model?"
Nagshrug si Cy at sinabing, "Ayaw ata ni Adrian. Masyado ding focused ang time niya sa basketball."
"Small world. Tyler, working for his rival's family business." Yeah. Rivals. Adrian and Tyler are rivals. Cy told me. Kaya pala nagulat yung students kanina na nagsama sa iisang table yung dalawang lalaki. First time in history daw yun. Kasi kahit anong puno ng canteen, never talaga sila nagsama sa iisang table. Ang tanong, bakit sila naging rivals?
--
(A/N: Hello powsxcz! :D Buhay pa ba ang readers nito? Paramdam naman kayo dyan oh! Kahit isang comment lang oh! Hahaha! Salamat sa matiyagang paghihintay mga mambabasa! (Lalim! Lol.) So, isiningit ko po dito yung EXO dahil miss ko na sila. HAHA. Anyway, that's all for now. Thank you po and God Bless! 'Til next update! Take care! Lavy'all! :3)
Vote.Comment.Share.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
Teen Fiction"Hindi ko alam kung bakit di ko maalis ang mga mata ko sa'yo. Lahat ng gusto kong sabihin hindi lumalabas ng tama. Nauubusan na ako ng salita, nagagawa mong paikutin ang ulo ko. Di ko na alam kung anong gagawin ko. May iba sa'yo, para sakin lahat ng...