CHAPTER 11

25 1 0
                                    

Jasmine's POV

Bakit kaya?

Baka dahil sa basketball? Hindi naman siguro. Mababaw masyado.

Baka dahil sa acads? Di rin.

Baka dahil sa parents nila? Hindi.

Baka naman dahil sa isang girl? Oh noes.

Ilan lang yan sa mga bumabagabag sa utak ko hanggang ngayon. Nacu-curios talaga ako eh. Masisisi nyo ba ako? Aminin nyo minsan nagiging chismosa din kayo! Tatanggi pa? K.

Ay, nga pala. Nanaginip nanaman ako kanina. About saan? Kay guy na walang mukha nanaman! Naisip ko nga syang bigyan ng name eh. Ano kaya? Ahuh! LEONARDO! Leonardo. Yan, yan ang ipapangalan ko sa kanya! Ang cute no? Hahaha.

Ang lakas ng sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pero ang lamig ng simoy ng hangin. Mga bulaklak at halamang nagsasayawan. Mga taong nagjo-jogging kasama ang kanilang mga aso. Mga kantang nagtutugtugan sa mga earphone na nakapalsak sa kanilang mga tenga. Mga magkakapitbahay na nagbabatian ng "Magandang Umaga." sa isa't-isa. Mga batang nage-exercise sa labas ng kanilang mga bahay. Ang halimuyak ng pagkain na niluluto sa mga bahay-bahay. Haaay, ang ganda ng araw.

*broom broom*

May motor na dumaan sa may tabi ko. Naglalakad na kasi ako papuntang school. Buhay nga naman. Ganito nalang ba lagi? Maglalakad ako papuntang school, tutunganga habang may klase, uuwi nang sobrang haggard, at kasama na dyan ang pag-uusapan ako sa buong campus. Ts--

*beep beep beep beep beeeeeep*

Ay drama mo Hasmin! Langya 'tong kotseng 'to! Di porket naka-Lamborghini Diablo sya dyan eh hahayaan ko lang 'to! Oo, alam ko yung sasakyan nya. Minsan na kasi akong nag-spazz ng mga Lamborghini eh, ganda kaya!

Dahan-dahan nyang binaba ang bintana ng driver's seat.

I knew it. -_-

"Hey Jas. Good Morning." Then he flashed his smile which I think ay ginagamit nya sa mga fangirls nya.

Oh Lord, ang ganda na po ng umaga ko eh. Bakit po umepal pa 'tong isang 'to? Oh, kilala nyo na? Sino pa nga ba?

"Good Morning, really? Good? Oh please, Adrian. Sinira mo na eh."

"Wag ka ngang ganyan, Jas. Malay mo naman, hindi ko nga mapaganda ang umaga mo ngayon, pero ako naman magpapaganda sa mga susunod na araw mo?" He said sabay wink. Yuck.

"Ang aga-aga ang corny mo. At adik ka ba? Umaga ko nga di mo mapaganda, araw-araw pa kaya?" Napangiti naman sya bigla sa sinabi ko. Aba? Masaya ba yun?

"Bakit? Gusto mo ba talagang pagandahin ko ang mga susunod na araw mo? Tell me." Lalo naman lumaki ang ngiti nya.

"DUH. *irap* Ano bang problema mo? Aga-aga nanggugulo ka. Bahala ka nga, baka malate pa'ko dahil sa'yo."

"Wait, tara sabay ka na sakin. Fifteen minutes nalang start na ng classes oh. Male-late ka talaga kung maglalakad ka."

"Tsk. Fine." Tutal wala na talaga akong choice, at ayoko namang malate eh sumakay na ako sa sasakyan nya.

Umupo ako sa passenger's seat, saktong pag-upo ko naman ay may naramdaman akong parang basa sa naupuan ko.

"Ano yon?" Bulong ko sa sarili ko.

"Anong ano yon?" Tanong naman ni Adrian. Narinig nya pala.

"Parang may basa."

"Huh? Anong basa?"

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon