CHAPTER 16

28 1 9
                                    

Adrian's POV

"I'm sorry Jas. I really am. Can you please accept my apology? Mianhaeyo." Panggagaya sa akin ni Jack. Sabay-sabay naman silang nagtawanan nina Jb at Mark.

"Isa pang pang-aasar tatamaan kayo saking tatlo, mga ugok."

"Uyyy, ba't napipikon si Adrian?" -Jb

"Kasi may gusto na nga talaga sya kay Candice! Hahahahaha!" Sabay na sabi at pagtawa nina Jack at Jb.

"Isa pa talaga, ibubuhol ko na yang mga dila nyo nang manahimik na kayo."

"Sabi ko nga mananahimik na ako eh." Sabay nanamang sabi ni Jack at Jb.

"Ginagaya mo ba ako?" Sabay nanaman sila. Hay nako, magsisimula nanaman ang bangayan ng dalawang 'to.

Nandito ngayon ang tatlong ugok na mga 'to sa bahay ko. Nagyaya silang gumimik pero sabi ko ayaw ko ngunit sadyang makulit sila, pumunta sila dito sa bahay at nagdala ng mga alak. Sabado ngayon kaya walang problema kung mag-inom kami. Wala rin naman si Mom dito sa bahay dahil umalis sya kasama si Dad. Mawawala daw muna sila ng ilang araw at nandito naman daw si Manang Beth, ang katulong namin noon na umalis at bumalik na ngayon, para gumawa ng gawaing bahay.

Halos magdadalawang linggo na din mula nang mangyari yun, mula nang mapatawad nya ako. Naging mabuting magkaibigan na rin kami simula noon. Pakiramdam ko nga eh nagkakatotoo na ang sinabi nila. Ang.... Aish, nevermind.

*kriiiiiing kriiiiiiing kriiiiiing*

Nang makita kong si Jas ang tumatawag, sinagot ko agad ito at pumunta sa terrace. Mabuti't hindi na ako napansin nila Jack dahil busy sila sa pagbabangayan nila.

"Hello Jas, napatawag ka?"

"Hello Ad, tatanong ko lang sana kung may assignment ka na sa Science?" Oo, Ad na ang tawag nya sakin, sabi nya kasi gusto nyang patas kami sa tawagan sa isa't-isa. Ang childish nya talaga minsan. Hahaha.

"Wala pa. Bakit, hirap ka nanaman ba? Ang hina mo talaga sa Science."

"Grabe ka sakin ha. Hoy, Mr. Adrian, hindi po ako mahina sa Science, nagkataon lang na mahirap ang Science para sakin. At gabi na ho kaya, bakit hindi mo pa nagagawa yung assignment? Ang tamad mo talaga."

"Madali na yun mamaya and besides, Saturday palang. May bukas pa."

"Ang hirap kaya!"

"Sabi na eh, hirap ka nanaman. Hahahaha."

"Ikaw na magaling sa Science!" Sigaw pa nya.

"Don't shout, nakakarindi."

"Oo na. Ang taray mo talaga."

"Tss. Want me to come over tomorrow? Sabay na tayong gumawa ng assignment."

"Talagaaaa? Pwedeeeee?"

"Oo nga. Nae-excite ka nanamang makita ako. Hay."

"Ang kapal mo! Sige, matutulog na ako. Text me nalang pag papunta ka na bukas."

"Sige. Good Night."

*toot toot*
--
Jasmine's POV

"Adrian's coming over tomorrow to help me sa assignment sa Science. Gusto mong sumabay gumawa samin?" I asked Cy. Nandito sya samin kasi gusto daw nya magsleep over dito ngayon.

"Naks. Close na talaga kayo ha. Sa amin nalang ako gagawa. Baka makaabala pa ako sa inyo eh." She said sabay wink.

"Abala ka dyan eh mag-aaral nga tayo?"

"Asus. Sige na, matulog na tayo. Baka magmukha ka pang panda bukas pag humarap ka kay Adrian nang may malalaking eyebags."

"Ewan ko sa'yo. Hahaha. Good Night Cyril."

"Good Night Jasmine."

---
(A/N: Hi guys! Jasmine-Adrian moments next chap! :) Wala pa akong maisip na combined name nila eh. Help me? Comment kayo pleaaaase. Thank you. Super maa-appreciate ko yun. Thanks ulit! :* Anyway, JB po sa media. :)

Plug ko lang po pala, kindly read and support the story "#Destiny" by AndreaBorinaga here's the link po: http://www.wattpad.com/121240129-destiny-kn

Thank youuuuuu. :*)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon