CHAPTER 3

207 14 0
                                    

Jasmine's POV

       "Hey! Babe! Don't leave me! Please! Babe, please don't leave me! *sniff* Please babe." Hinahabol ko sya. Nakikipag-break na sya sakin. Nanghihina na ako. Bakit? Bakit nya to ginagawa?

"Jas!" I heard a familiar voice called my name. He grabbed my wrist and stopped me from running. He faced me.

"Jas! Hayaan mo na sya! Andito ako para sayo. Hindi kita iiwan! Jas! Jas!"

-

"Jas!"

"Hoy Jas!"

Ughh! Ano ba yun?

"Jas!"

Heck! Nakatulog pala ako! Nanaginip nanaman ako? At may babe pa akong tinatawag dun? Eh wala nga akong lovelife e! Tsaka di ko na maalala face nung guy na pumigil sakin!

"WHAT?!"

"Jas! Kanina ka pa natutulog! Kung ano ano pa sinasabi mo!" Sabi ni Adrian. Kahit kelan talaga bastos to!

"Eh bakit ba huh?! Pakialam mo ba kung nakatulog ako? Eh ano naman sayo kung may mga sinasabi ako? Di ba pwedeng nananaginip lang? Ano ba problema mo ha?" Sigaw ko sa kanya. What's with him? Alam kong nasa school kami pero abalahin ako sa pagtulog? WHAT?! Nasa school pa nga pala ako!

"Eh kung di lang naman kasi ako nai-assign na partner mo sa project natin eh di talaga kita guguluhin! Tsaka, uwian na kaya. Nakakahiya naman sayo." Sagot naman nya.

WHAT THE HELL? WE'RE PARTNERS? Bakit ba kasi ako nakatulog?

But back to reality, napahiya naman ako dun! Eh kasi naman eh! Tsaka uwian na pala? Lechugas!

"Ano? Magpartner tayo? Anong project? AT UWIAN NA? Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit ngayon mo lang ako ginising?" Sigaw ko ulet sa kanya.

"Ako pa talaga sinisi mo? Kanina pa kita ginigising kaya lang tulog mantika ka at di kita magising-gising!" Sabi nya. Yabang! Tss!

"Whatever! Sabihin mo nalang kasi kung ano yung project natin!" sabi ko. Napahiya talaga ako kanina!

"Psh. Tulog kasi ng tulog!" narinig kong bulong pa nya.

"Ano? May sinasabi ka?" bubulong-bulong pa, rinig naman.

"Wala! Sabi ko tara na para makabili na tayo ng materials sa project!" Ani nya.

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon