Jasmine's POV
*Photography Club Booth*
"Excuse m--
*booooogsh!*
Ghaaad! May isang napakakisig na lalaki sa ibabaw ko! Parang cliche stories lang. Yung girl na may makakabanggang gwapong guy tas magiging sila in the end. Eto na ba yun? :') #Lundeeeh
"Miss, are you okay?" Sabi nya sa napakagwapong boses at tumayo saka inoffer ang kanyang kamay para maitayo ako.
"Uhh. Y-yeah."
"I'm sorry for that. Just tripped over something."
"I-it's okay." I said then smiled.
"Are you joining the Photography Club?" He asked.
"Yeah. You?"
"Same here."
"Kyaaaah! Ang gwapo talaga ni fafa Tyler! Homaygash. Homaygash. Oxygen puhleease." Narinig kong sigaw ng isang girl na nakatingin sa way namin na ikinatawa naman nitong si Mr. Gwapo.
"Hmp. Mas gusto ko padin si fafa Adrian. Ang cool kasi nyaa. *u*" Narinig kong sabi naman ng kasama nung sumigaw na girl kanina. Sikat pala talaga si Adrian dito. Tsk.
"Pati naman si fafa Tyler eh. Gentleman pa! Kyaaaah! Why so handsome fafa Tyler?" Sino ba yung Tyler?
"I'm Tyler Austin, by the way. You are?" Sabi nya sabay nag-abot ng kamay para makipag-shakehands. Geez, sya pala si Tyler? Gwapo talagaaa. Ang swerte ko naman ngayon! Bwahaha!
"I-I'm Jasmine Montefalco. Call me Jas."
"I see. Nice meeting you Jas. Tara na mag-register?" He said and flashed a bright smile na nagpa-irit nanaman sa babae kanina.
"Kyaaaah! Sino yung gurl? Ang swerte nya! Fafa Tyler is really such a cutieee!" Tapos nagtatalon-talon sya dun sa pwesto nya habang pinapalo yung kasama nya. Poor girl.
"Let's go?" Tanong ulit ni Mr. Gwa--este Tyler. Hihi.
"Uhh. Yeah." He's really handsome. Makinis, maputi, matangos ang ilong, pinkish lips, beautiful brown eyes, long eyelashes at halata sa suot nyang uniform ang ganda ng katawan nya.
Nag-register na kami at nang matapos ay kinailangan na naming maghiwalay ng landas.
"See you when I see you Jas!" May pagka-makulit din pala sya.
"Hahaha! See you when I see you too!"
Dumiretso na ako sa canteen dahil lunch time na namin at tinext ako ni Cy kanina na magkita daw kami dun para sabay na kami kumain. Pagdating ko, ang daming tao at halos sumabog na yung canteen sa sobrang dami. Syempre, may halong ka-OAyan. Haha! Nakita ko si Cy at may table na kami.
"Hey Jas! Balita?" Salubong na tanong sakin ni Cy.
"Bago ang kwento, kumain muna tayo. Gutom na'ko eh. Hihi."
"O'sige na nga!" Umorder na kami at nagsimula nang kumain ng matiwasay nang...
"Kyaaaaaaaaaaaaaah!" -Biglang sigawan ng girls sa canteen.
What's with the noise? Pagtingin ko naman sa pinto, nakasalubong ko ang mata nya. Adrian. Kaya pala nag-ingay ang mga babae. Kumindat sya pagkatapos ay dumiretso sya sa counter para malamang, umorder.
"Yaaaaah! Kinindatan nya ako! Em se kenekeleg!" Sigaw ng isang girl near our table.
"Anong ikaw? Ako kaya! Assuming ka!" Sigaw naman nung isa pang girl sa isang table. At nagkagulo-gulo na sila.
*Silence....
Ba't kaya sila napatahimik bigla eh kanina lang parang may World War III na ah?
Pagtingin ko sa gilid ko, nandun si Adrian!
"Pwedeng maki-share ng table?" Tanong nya sabay upo. Nagtanong pa. -___-
"Sure!" Sagot ni Cy.
"Kung sasabihin ko bang hindi, aalis ka?" I said.
"Hindi." He answered back. Nak ng. Inirapan ko nalang sya at kumain na.
"Kyaaaaaaaaaaaah!" Isang malakas na sigawan nanaman ang narinig ko. Langya, my ears.
Pagtingin ko sa pinto ng canteen, nakita ko si Tyler. Kaya pala. Kyaaah! Inikot nya ang tingin nya sa canteen at nakita nya kami sabay nag-wave and mouthed 'Hi.' Napangiti naman ako dun.
"Did you see that? He waved at meeeee. I so love him tologo." Said another girl near our table.
"No. He waved at me, stupid." Sabi naman ng isa pang girl.
"Oh Em Gee. Papunta si Tyler dito sa table natin!" Sabi nanaman ng isang girl. Paglingon ko, papalapit si Tyler sa malapit samin. Enedew? Hahaha.
"Here baby, share teye ng table oh. Meleweg dete." A girl again sabay tulak sa isa nyang kasama sa table para mapaupo si Tyler. Obsessed much ateng?
Napangiti naman si Tyler at nagpatuloy sa paglalakad hanggang tumigil sya sa table.......NAMIN!
"Pwede makishare ng table? Puno na kasi yung iba eh." Tyler said. Mahihimatay na ata ako.
"Sure!" Karaka-raka at agad-agad kong sagot sa kanya with a smile. Bale ang pwesto namin ay ganto:
Cyril
Adrian Tyler
Ako
Umupo naman na si Tyler at pagtingin ko sa dalawa ko pang kasama, si Cy, confused. Si Adrian naman mukhang galit. Problema neto?
"Let's eat?" Tanong ko sa kanila at kumain na ulit kami.
"Is this for real? Adrian and Tyler in one table?" -G1
"Hell yeah." -G2
"I'm gonna report this to Jade!" -G1. Oh no. Yun yung fan girl ni Adrian!
"Just don't mind them Jas." Sabay na sabi nina Adrian at Tyler sakin sabay hawak nila sa tig-isa kong kamay.
"Damn it." Bulong pa Adrian, rinig ko naman. Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaking ito.
~~
(A/N: Eto na po muna. Ubos na ata laman ng utak ko. Tambak assignments at projects eh. Mianhae. Sorry na oh? Thanks for reading. :* Ingat kayooo~)
P.S. Tyler Austin at the side ---->
Vote.Comment.Share.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
Teen Fiction"Hindi ko alam kung bakit di ko maalis ang mga mata ko sa'yo. Lahat ng gusto kong sabihin hindi lumalabas ng tama. Nauubusan na ako ng salita, nagagawa mong paikutin ang ulo ko. Di ko na alam kung anong gagawin ko. May iba sa'yo, para sakin lahat ng...