Jasmine's POV
*krrrrrriiiinggggggg*
"Ugh! Ang weird and creepy nanaman ng panaginip ko!" -sabi ko sa sarili ko.
Yung panaginip ko kasi, muntik na akong maaksidente and I am...brokenhearted?! But I'm not really brokenhearted. Tapos, may lalaking nagligtas sakin? Who is he? Bakit di ko maalala yung mukha nya?
Weird.
By the way, I'm Jasmine Montefalco.
Hmmm. Time check, 7:00 am. WHAT THE HECK?! Ganun na ba talaga kabilis oras ngayon? 7:30 time namin! Gotta move faster! Fourteen palang naman ako kaya mabilis pa akong kumilos. Haha.
So ayun nga, sobrang nagmamadali akong magprepare for school and wore my new school uniform dahil bagong lipat lang ako. First day pa naman! Good thing malapit lang yung Sanford Academy sa bahay namin!
*fast forward*
Phew! Buti di ako nalate! Hinanap ko na kung san yung line ng section ko. Then ayun, pumila na din ako. After ng Flag Ceremony, we went straight to our class room.
Katabi ko yung kababata kong si Cyril na dahilan kung ba't ako nagpalipat. Parehas kaming 3rd year at parehas din kaming Section A. Mamaya pa siguro ia-asign yung seating arrangement namin.
"Good Morning Class!" bati samin nung teacher na pumasok sa room.
"I'm Ms. Isabel and I'm going to be your adviser for this year. Let's start the class by introducing yourselves one by one." Aniya pa. At nagsimula na nga kaming magpakilala hanggang sa lahat ay natapos na.
Seating arrangement naman, I'm sooo bored. *yaaaaawn*
"Cyril dun ka. *points the chair* tapos si Jasmine sa tabi mo. Blah~ blah~ blah~" Bakit kaya may empty chair sa tabi ko? May absent ba kaagad kaming classmate? Extra seat lang ba to? Oh, well. Let it be.
"Miss, take care of yourself next time. Walang taong palaging nandyan para iligtas ka."
Ugh! Yung panaginip ko kanina, ayan nanaman. Those were the exact lines that myterious guy told me in my dream. And it keeps on bugging the hell out of me. Bakit ba? Maybe because it's mysterious? Yeah, dahil mysterious nga siguro.
-
Dumating na din yung recess time namin. Nandito kami sa canteen at nakain na.
"Jas, something wrong?" tanong sakin ni Cy. Siguro napansin nya na kanina pa malalim yung iniisip ko.
"Wala naman Cy, I just had a weird dream." I replied.
"Hmm. Ano nangyari sa panaginip mo?" Tanong nya ulit. Then, I told her everything about my dream.
"You didn't saw his face?" Tanong nya.
"Yeah." I answered and heaved a deep sigh.
"Hmmm. I wonder kung sino kaya yung guy na yun?" tanong nya.
"I do too." I replied back.
*rrrriiiiiiiingggggg*
Pumasok na kami sa room pagkatapos nung bell.
*fast forward*
Mabilis lang natapos yung day namin. Wala din naman masyadong nangyari. Kaya eto, uuwi na ako. Nilakad ko nalang tutal malapit lang naman yung village namin sa school.
When I got home, naabutan ko si Mom na nagluluto for dinner.
"Hi Mom." Sabi ko tapos nagbeso sa kanya.
"Hello nak. Kakain na tayo maya-maya. Magpalit ka na muna ng damit at tatawagin nalang kita pag luto na ang food."
"Okay Mom. Kasabay na po ba natin si Dad sa pagkain?"
"Ah, hindi anak. Gagabihin nanaman daw sya ng uwi dahil alam mo naman, busy sya sa company natin." Lagi naman syang busy sa company namin eh. Ano pa nga ba?
"Sige po Mom. Akyat na po ako."
"Sige anak."
Pag-akyat ko, nilagay ko muna yung bag ko sa study table and changed my clothes. Humiga ako sandali sa kama ko and naisip ko ulit yung dream ko. Haaay, sino kaya yung guy na yun?
--
Tapos na kami magdinner ni Mom and nandito nako sa kwarto ko. Nakapag-wash up na ako and ready nang matulog. Good Night.
![](https://img.wattpad.com/cover/12141868-288-k450524.jpg)
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
Teen Fiction"Hindi ko alam kung bakit di ko maalis ang mga mata ko sa'yo. Lahat ng gusto kong sabihin hindi lumalabas ng tama. Nauubusan na ako ng salita, nagagawa mong paikutin ang ulo ko. Di ko na alam kung anong gagawin ko. May iba sa'yo, para sakin lahat ng...