CHAPTER 15

14 0 0
                                    

Jasmine's POV

Hayscxz. Bilis ng oras. Monday nanaman. Nakakatamad pang pumasok. Kainis. Pero di bale na, makikita ko na ulit si Cy at maiintriga ko na sya sa nangyari nung Saturday. Hahahaha. Di ko padin kasi sya nakakausap simula nun. Busy siguro talaga sya mag-aral.

Pagpasok ko ng school, parang ang peaceful. Mukhang nakalimutan na nila yung scene last week. Tahimik lang yung iba at yung iba ay tuloy lang sa pag-uusap kapag nadaan ako. Thank God!

-------

"Good Morning Class."

"Good Morning Ms. Isabel."

Mukhang absent ang arrogante kong seatmate ah. Buti naman at matatahimik ako kahit panandalian lang. Kinalabit ko si Cy at pasimpleng bumulong sa kanya.

"Ba't kaya absent ang magaling na Adrian?"

"Ewan. Yieee, miss mo na agad? Last time I checked galit ka sa kanya dahil sa ginawa nyang prank sa'yo ah."

"Tigilan mo nga ako Cy. Kayo nga ni Ken." Napatigil naman sya at panandaliang namula.

"Hahaha. Yieeeeee. Kayo haaa. Ang bestfriend ko at ang kababata kong bestfriend ko na din. Ayyiiiee."

"Ano ba." Umiwas siya ng tingin at namula ang tenga nya. Hahaha.

"Ms. Mendoza and Ms. Montefalco, wanna share something to the class?" Patay.

"No Ma'am. We're sorry." Sabi ni Cy.

-------

Malapit nang matapos ang araw na'to, 5 minutes nalang at uwian na. A day free from Adrian. A day free from that jerk. Saraaap.

Pinalabas na agad kami ng room nang magtime na. Infairness ha. Madalas kasi ang dami pang sinasabi bago lumabas ng room eh.

Naglalakad na ako papalabas ng school dahil as usual, lakad ako pauwi, kahit may mga sasakyan kami, mas gusto ko pading maglakad palagi. Exercise nadin. Biglang tumunog yung parang bell na ewan ng school. Yung parang sa mga mall? Yung pag may iaannounce? Basta yun. Tumunog sya indicating na may iaannounce ang principal.

"Miss Jasmine Montefalco, kindly proceed to the gymnasium right now. Thank you."

Ako? Hala, bakit? Nakakatakot pa yung boses ng principal, well palagi naman eh pero kahit na! I'm doomed.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Di kasi ako sanay na napapatawag ng ganito.

Nagmamadali akong tumakbo papuntang gym. Yung mga nakakasalubong ko eh nakangiti pa sakin at parang masayang-masaya pa sila. Yung totoo, nang-aasar ba talaga sila?

Pagdating ko sa gym, normal lang na naglalaro yung varsity ng basketball ng school at nagpa-practice ng sayaw yung cheerdancers. Parang wala lang inannounce yung principal. Pinagti-tripan ba ako ng principal namin? Ano ba yan!

Biglang may tumugtog na "Sorry, Sorry" ng SuJu sa gym at para bang nagtransform yung mga basketball players dahil sinasayaw nila yung kanta. Nakisabay din sa pagsayaw yung mga cheerdancers at ako lang ba o nakangiti talaga sila sakin? Nakita ko ding nakisayaw yung ibang tao sa gym. Like what's happening in here?

May isang lalaki ang kumalbit sakin at binigyan ako ng isang white rose.

"Kuya kanino--

Di ko pa sya tapos tanungin nang bigla syang tumakbo at nakisayaw sa mga tao.

"Hi Ate! Eto po oh, may nagpapabigay." Sabi ng isang batang lalaki sa harapan ko. Inabutan nya ako ng isang maliit na papel na may letter S na nakasulat. Gaya nung lalaki kanina, tumakbo rin sya bigla.

May kumalbit sakin mula sa likod at pagharap ko ay isa syang babae na may hawak na white rose.

"Hey girl, you are so damn lucky." Sabi pa nya bago umalis.

Isang batang babae naman ang nag-abot sa akin ng maliit ulit na papel na may letter O.

Paulit-ulit na ganito pa ang nangyari hanggang sa magkaroon ako ng limang white roses at lima ring papel na may nakalagay na iba't-ibang letter sa bawat isa na bumubuo ng salitang sorry ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagbigay nito sa akin.

Nang malapit nang matapos ang kanta, biglang nagkaroon ng paghawi ang mga sumasayaw at lumabas ang isang lalaki sa gitna. Ang gwapo-gwapo nya sa suot nya ngayon. Tumutugtog na ang huling chorus ng kanta at sumayaw sya kasabay ng iba pa. Pagkatapos ng kanta, may nag-abot sa kanya ng boquet ng white roses at naglakad sya papunta sa akin.

Napanganga nalang ako sa nangyayari. Hindi ito kapani-paniwala. Sya ba talaga yan?

"I'm sorry Jas. I really am. Can you please accept my apology? Mianhaeyo." Ani nya at inabot sa akin ang boquet. Omo, nag-korean sya! Ang cute cute. Hahaha. (Mianhaeyo- I'm sorry.)

"Uhh, okay? I'm accepting your apology. Gwaenchana." Syempre pinatawad ko na sya. A for effort kaya 'tong ginawa nya. (Gwaenchana-It's okay.)

"Talaga? YES!" Sabi nya at bumaling sa mga tao sa gym.

"Thank you guys! Salamat sa inyo!" Maligaya nyang sabi sa mga ito.

"Tara." Hinila nya ako palabas ng gym.

"Teka Adrian, saan tayo pupunta?" Tanong ko. Lumingon sya sa akin at nginitian lang ako. Di sya sumagot sa tinanong ko. -_-

Nakarating kami ng school garden.

"Thank you Jas."

"Huh? Thank you for what?"

"For accepting my apology."

"Nah, I should be the one thanking you, for this."

"So, friends?" He said, smiling at iniabot ang kamay nya sa akin. I accepted that at nakipag-shake hands sa kanya.

~
Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at nilagay lahat ng roses at papers na natanggap ko kanina sa tabi ni Rian. Grabe, buti wala pa si Mom dito sa bahay kundi naintriga na ako nun.

Tila hindi parin mag-sink in sa utak ko lahat ng nangyari at sinabi ko kanina. Nakatitig lang ako sa kisame habang pine-playback ang mga nangyari sa utak ko. Napangiti ako ng di inaasahan. Nakaramdam ako bigla ng kakaibang pakiramdam. Para bang may mga gumagalaw sa tyan ko. Natatae ba ako? Hindi eh. Eto ba yung sinasabi nilang butterflies in your stomach? No, no. That's so impossible. Hindi ako magkakagusto sa arroganteng yun no. Pero infairness, mukha syang maamong aso kanina at parang di gumagawa ng mga kalokohan ha. But no, di parin ako magkakagusto sa kanya, ever.

I hope.

~
(A/N: Happy 3K reads guys! :) Thank youuuu. Gomawo! Sana ituloy nyo parin ang pagbabasa sa story ko. Thank you ulit. Saranghaeyo guys!)

VOTE.COMMENT.SHARE.

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon