Jasmine's POV
"Aaaaaaaah! Aray. Dahan-dahan lang naman Jas."
"Wag ka kasing malikot!"
"Di mo naman kasi kailangang diinan! Be gentle!"
"Tsk. Oo na."
"Teka, first time mo ba 'tong gawin?"
"Hindi ba halata?"
"Aray! Halatang-halata nga."
Psh. Pinagpapawisan nako dito. Ba't ba ang init? Bukas naman ang aircon namin sa sala eh. Idagdag mo pa 'tong ginagawa kong nakakakaba. First time ko nga kasi eh. Baka di pa maganda ang kalabasan nito. Baka ma-infect pa!
"Ahhhhhhhh!" Pagsigaw pa nya.
"Ayan, tapos na. Okay na ba?"
"Oo. Salamat. Marunong ka naman pala kahit papano eh."
"Tingin mo di namin 'to pinag-aaralan?"
"Sus. Parang paggamot lang ng sugat eh."
"Pagdasal mo lang na hindi ma-infect lalo yang sugat mo sa ulo."
"Ba't naman kasi pinalo mo ako kagad sa ulo eh?"
"Sorry na nga diba? Akala ko kasi kung sinong masamang loob eh."
"Ako? Isang napaka-gwapong Kenneth Reyes, masamang loob? Lul." Conceited. -____-
"Woo. Lakas ng hangin! Babagyo ata. Dyan ka na nga, kukuha nalang ako ng snacks. Nakakahiya din naman kasi sa NAPAKA-GWAPONG KENNETH REYES eh. *rolls eyes*" At dumiretso na ako sa kusina.
Sya nga pala si Kenneth Reyes, boy bestfriend ko since 1st year na ngayon ko lang ulit nakita dahil nawalan kami ng connection simula nung lumipat ako ng school at nagpalit ng phone number. Inaamin kong gwapo naman talaga sya at habulin ng chicks noon pa man, rich kid, talented at sporty pa. Full package kumbaga. Kaya ganyan ka-conceited yan eh. Buti nga walang nanunugod sakin dating fans nya dahil bestfriend ko nga yan.
Kumuha nalang ako ng chips, sandwiches tsaka juice sa kitchen at bumalik sa sala para sa magaling kong bestfriend.
"Ey sir, eto na po food nyo." -Ani ko.
"Sige, pakipatong nalang sa table at pakidagdagan pa ng yelo yung juice ko." Aba't! Feel na feel! Ang ganda pa ng upo nya sa sofa!
"Kapaaaaaal!"
"Hahaha! Ikaw naman, di mabiro."
"Ba't mo nga pala naisipang sundan ako pauwi huh?"
"Wala, gusto lang kitang kamustahin. Di mo ba ako namiss? -3-" Pout pa more. Kaya minsan naiisip kong bakla 'tong isang 'to eh.
"Di mo ba ako namiss?" Panggagaya ko sa tono ng sinabi nya with some sound of sarcasm.
"Namiss. ^____________^" Iba talaga trip neto. Sarcastic na nga oh. Duh!
*ding dong*
Oh, that must be Cy.
"Hey, I'll just take a look at it." Pagpapaalam ko na ikinatango nya naman.
Pagbukas ko ng gate.....
WALANG TAO?!
Asan na si Cyril? Baka may mga nanti-trip nanamang bata sa doorbells dito sa village. Haaay, makabalik na nga lang sa loob.
"Hi Jas. =)" WTF?!!!
"Pano ka nakapasok dito?!" Si Cy, nasa loob na ng bahay!
"Through the window." She said innocently sabay turo sa bintana naming nakabukas at hinahangin pa ang kurtina.
"At kelan ka pa naging member ng Akyat Bahay Gang?"
"Ngayon lang. Hahaha. Ang tagal mo kasi buksan yung gate eh. By the way, who is he?" Aniya at itinuro si Kenneth. Andyan pa nga pala sya!
"Hello." Bati nya kay Cy with his usual smile.
"Nga pala Cy, meet Kenneth, my bestfriend since 1st year. Kenneth, meet Cyril, my childhood friend."
"Nice to meet you Cyril. ;)" Ani Kenneth na may kasamang kindat at nakipag-shake hands. Pa-cute talaga 'to sa girls.
"Yeah. Nice to meet you too." Cy replied at inignore lang ang kindat ni Ken. Bwahaha. An evil smile formed my lips. At napa-kunot naman ang noo ni Ken sabay ngiti ulit. Cy threw me a Why-is-he-here-look? At binalik ko naman sa kanya yun ng I'll-explain-to-you-later-look. Mabuti't nagkaintindihan naman kami. Hahaha!
"Hey, it's getting late. Una na ako but I'll get your number first before I leave." Sabi nya sabay bato sakin ng Iphone6 nya. Rich kid! Pabato-bato nalang ng Iphone6. -___-
*fast forward*
"Yiiiieeee. Hahaha."
"Stop teasing me, Jas."
"Cy, namumula ka oh. Hahaha."
Kasalukuyan kong inaasar si Cy kay Ken habang naglalakad kami papuntang school. Papano kasi, patulog na kami nang biglang magtext si Ken na hinihingi ang number ni Cy at nagpapa-hi pa.
"Jas, stop overreacting."
"Masama na bang kiligin ngayon ha Cy? Ha? Ha?"
"Sinong kinikilig?" O_O Si Adrian yan na biglang sumulpot sa tabi namin ni Cy or should I say tabi KO. Nasa school na pala kami at ramdam ko nanaman ang mga tingin ng mga babae/fangirls ni Adrian samin.
"Si Jas daw. Hahaha!" -Si Cy na nakaligtas sa pang-aasar ko na ngayon ay ibinabalik na sa akin ang panti-trip ko sa kanya. 'Payback time, Jasmine Montefalco.' Sa tingin ko yan ang nasa isip nya ngayon.
"Sino ang malas na lalaki? Hahaha!" Tanong naman nitong si Adrian.
"Ikaw." Ani Cy at itinuro si Adrian. Sus-- WHAAAAAAAAAAAT?!
"What the eff Cy? Stop making false stories." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Mukhang tagumpay sa revenge nya itong baliw na 'to ah. At si Adrian naman, ayun di maintindihan ang mukha. Parang di nya alam kung sinong paniniwalaan samin ni Cy.
*rrrriiiiiiiiiiingggggg!*
Yan ang tinatawag na saved by the bell! Ngayon na gaganapin yung club registrations kaya vacant kami maghapon. Papasok nalang kami sa room for attendance.
--
"Anong club sasalihan mo Jas?" Cy asked me habang naglalakad-lakad kami sa school ground.
"Syempre photography club!" I answered back.
"Ahh. Sayang naman di tayo magkasama." Akala mo naman di na kami magkikita pa. Arte!
"Di ka pa ba nagsasawa sa mukha ko? Pwes, ako sawang sawa na sa mukha mo. Bwahaha!"
*pak!*
"Aray! Ba't ka ba nambabatok?!" Napaka-sadista talaga netong si Cy, ang lakas mambatok!
"Seryoso kasi!"
"Tsk. Oo na. Ano bang club sasalihan mo?"
"Dance Club."
"Talagaaaa?"
"OA na. Kakasabi ko lang diba? Uulitin ko pa ulit?"
"Whatever. O'sya, tara nang maghiwalay ng landas at magre-register na ako sa Photography Club."
"Ge. Kitakits later."
*Photography Club Booth*
"Excuse m--
*boooooogsh!*
--
(A/N: Hello pooo! :D Sa wakas, nakapag-update na po ulit ako! Sorry po sa napakatagal na update. Sorry po talagaaa. Hope you'll understand. Ano po reactions nyo sa update ko? Lame po ba? Sorry ulit. Anyways, tenkyu for reading. Ingaaaaat~)
P.S. Kenneth Reyes sa sideee ------->
Vote.Comment.Share.

BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
Teen Fiction"Hindi ko alam kung bakit di ko maalis ang mga mata ko sa'yo. Lahat ng gusto kong sabihin hindi lumalabas ng tama. Nauubusan na ako ng salita, nagagawa mong paikutin ang ulo ko. Di ko na alam kung anong gagawin ko. May iba sa'yo, para sakin lahat ng...