CHAPTER 8.1

127 5 0
                                    

Jasmine's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang school, ang tahimik ng paligid. Wala pang masyadong sasakyang dumadaan dahil maaga pa. Ang peaceful. Ang sarap sa pakiramdam. Hmmmm.

"Arf! Arf!" Nakita ko yung puppy sa gitna ng kalsada. Sooo cute! Pinuntahan ko sya dun para kuhanin. Mahirap na, baka masagasaan pa 'to. Kawawa naman. Kaya lang pagtingala ko...

MAY KOTSEE!!!


Waaaah! Super lapit na samin nung kotse but I can't move. Dapat ngayon ay tumatakbo na ako papuntang gilid ng kalsada but I can't! It's as if my feet are glued to the ground. Ang lapit na talaga! Parang 5 inches away nalang yung kotse! I can also hear the beeping of the car but I can't really move! Baka may problema sa preno ang kotseng to kaya di makatigil. Sa sobrang lapit na talaga sakin nun, napapikit nalang ako.

*craaaaaaasssshhhhhh*

"Ouch." Daing ko. Ang sakit ng ulo at katawan ko. Pagmulat ko ng mata ko, ang liwanag. Sobrang liwanag! Ang sakit sa mata! Nang biglang dumilim. May isang matipunong katawan ng lalaki ang nasa harapan ko.

"Miss are you alright? Mag-ingat ka sa susunod." Sabi nya sakin. Dahil napayuko ako sa liwanag kanina, unti-unti kong iniaangat ang ulo ko ngayon. Ang lalaking ito, he's wearing shorts then black sando. I can see from here the same fire tattoo on the upper part of his left arm which I always see in my dreams. The guy who always saves me in my dreams. Malapit ko nang makita ang mukha nya. Konti nalang. Kon-------

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggggg!!!*

"What the eff?! A weird dream again? That guy! Ano ba talaga itsura nya? Ba't laging di ko nakikita mukha nya?" Yung guy na yun. Sya din yung dati.

"Jaaaaaaaaaas! Bumaba ka na dito, breakfast's ready!" Sigaw ni Mom sa baba.

"Opo!" Sigaw ko pabalik. Kaya ayun, I did all my routines like maligo, mag-uniform etc.

------

"Okay po. Mauna na po ako. Bye Mom, Dad." Papasok na ako sa school. Sinabi sakin nina Mom and Dad na di sila makakauwi later pati bukas meaning the day after tomorrow pa sila uuwi for some business matters. And Cy will be coming over to look at me. Yeah, ginawa nila akong bata. -_- Di din kasi kami nagha-hire ng maids kaya wala akong kasama. At kasama ng parents ko ang parents ni Cy sa pag-alis kaya pumayag na din naman sya magstay dito sa bahay.

"Ingat anak. Shu-shunga shunga ka pa naman minsan." Oo, ganyan paminsan ang nanay ko. Kalog din to eh.

"Salamat Mom ha." Sabi ko with sarcasm in my tone. And I left our house.

Nga pala, Tuesday na ngayon. Pinasa na namin kahapon yung project. And guess what? We got the highest and perfect score! Yeah, cheers to that! May silbi din pala si Adrian kahit papano. Yung teddy bear na bigay nya, nilagay ko sa side table sa kwarto ko. I named it Rian. About the kiss thingy? Nagulat talaga ako dun! But everytime I ask Adrian about it, he would just be like "Bakit, gusto mo pa ba? Wag dito, masyadong public." Arrogant. Kaya di ko na ulit sya tinatanong. Well, it's no big deal anyways. Sa forehead lang naman eh, parang he gives respect diba? Pero, di ko padin alam kung bakit nya ginawa yun. Ayoko din namang mag-assume.

"Hi Jas!"

"Ay anak ng palakang kinabayo!"

"Hahaha! Ang cute mo pala magulat! Hahaha!"

"Shut up, Adrian. Bakit ka ba nanggugulat?" Di ko na namalayan, nasa tapat na pala ako ng gate ng school at nasa tabi ko na si Adrian.

"Di ko naman akalaing magugulat ka eh. Hahaha! Anak ng palakang kinabayo? What kind of creature is that? Haha."

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon