Adrian's POV
"Pare ang tindi mo talaga! Hahaha." Pang-aasar sakin ni Jack, ang pinakamaloko sa tropa.
"Nilagyan mo talaga ng pinturang pula yung sasakyan mo Adrian? Sayang naman yun. Lamborghini pa naman." Sabi ni Jb. Ang chinitong pinaka-slow sa lahat. Hahaha.
"G*gu. Malamang hindi. B*bo nito. Syempre may tela syang ginamit na pinaglagyan ng pintura." Sabi naman ni Mark. Ang pinakaplayboy daw samin.
"Tss. Shut up. Di naman kayo nakakatulong." Sabi ko. Ang pinakagwapo sa tropa. Ang pinakahabulin ng chicks. Ang leader. Ang pinakamagaling. Ang pinaka... Basta pinakagwapo. Hahaha.
Nandito kami sa gym ng school. Natambay lang. Uwian na naman eh. Yung mga mata nga ng mga babae dito di na maalis ang tingin samin eh. Sus. Tagal-tagal na naming napasok dito di pa nasanay.
Yung pangyayari kaninang umaga ang pinag-uusapan namin. Yung kay Jas. Nag-iisip nga ako kung pano magso-sorry. Etong tatlong ugok naman, kung ano-ano sinasabi. -_-
"Eh kung haranahin mo kaya pare?" Pagsa-suggest ni Jb.
"T*nga. Magso-sorry lang sya di manliligaw. Eh kung kantahan mo kaya sya ng 'Sorry Na'" Sabi ni Jack.
"B*bo mo pala eh. Tulad lang naman yung harana at kantahan ah." -Jb
"T*nga. Magkaiba yun. Yung harana, may kasamang gitara. Yung kantahan, pwedeng wala na." -Jack.
"Oo nga no." -Jb.
Tch. Parehas palang b*bo 'tong mga 'to eh. Ewan ko ba kung pano ko sila naging kaibigan.
"Bahala nga kayong dalawang mag-usap dyan. Mark, sa tingin mo?" Tanong ko kay Mark. Paglingon ko, nakikipaglandian na sya sa isang babae. Aish. Makauwi na nga. Mukhang wala akong mapapala dito.
Habang naglalakad ako papuntang parking lot, may tatlong babae ang sumulpot sa harapan ko.
"Hi Babe."
"Hi Honey."
"Hi Choco munchkins." Sunod-sunod na sabi nila with a flirty tone at nag-beautiful eyes pa silang tatlo. Tch. Kelan pa'ko nagka-babe, honey, at choco what? Di ko nga sila kilala eh.
"Tss." Sabi ko at nilampasan lang sila. Pero humabol sila at hinarangan pa ang daanan ko. Desperates.
"What now?" Tanong ko sa kanila.
"Di mo ba kami kilala?" Sabi nung tumawag sa'king babe sabay hawak sa dibdib ko.
"Obviously I don't." Sabi ko at tinanggal ang kamay nya sakin.
"But we're your girlfriends." Sabi naman nung tumawag sa'king honey sabay kapit sa braso ko.
"I don't even know you so how would you be my girlfriend?" Gaya ng ginawa ko kanina, tinanggal ko din ang hawak nya sa akin.
"Ang suplado mo naman Choco munchkins." Sabi nung isa sabay hawak sa leeg ko na parang hahalikan pa ako. Pesteng mga babaeng 'to.
"Fvck.Off." Sabi ko sa kanya at mukhang natakot naman sya kaya napaatras sya. Ayoko talaga sa malalanding babae. Tch.
"But..." Sabay-sabay nilang sabi.
"Go.Away." I said with authority in my tone. Umalis naman sila bigla sa harapan ko.
"Adrian!" Nilingon ko yung tumawag sakin at nakita ko sina Mark. Lumapit sila sa'kin.
"Pare, ang tinik mo talaga. Tatlong babae agad ang girlfriend mo." -Jack
"Onga. At mukhang magkakatropa pa sila." -Jb
"Sabi ko na di ako ang pinakaplayboy satin eh." -Mark
"They're not my girlfriends okay? They wish."
"Don't english me, I'm panic." Pagbibiro ni Jack.
"Ganda ng grammar mo Jack ah." Sabi ni Jb na halatang hindi nagets ang joke ni Jack. Slow.
"Teka, di mo ba kilala yung mga babaeng yun?" Tanong ni Mark.
"Hindi."
"Wait, parang natatandaan ko sila." -Jb
"May natatandaan ka pa pala?" -Jack.
"Tch." -Jb
"Onga, they look familiar." -Mark
"Aha! Sila yung palaging nangungulit satin na ipabigay yung mga regalo at letters nila para kay Adrian!" -Jb
"Sila ata yung pinakaleader ng fans club ni Adrian e." -Mark
"Tumatalas na memory mo Jb ah. Good for you. Hahaha." -Jack na wala paring tigil sa pang-aasar kay Jb.
"Sino ba yun?" -Ako
"Yung isa, Joan ata?" -Jb
"Yung isa pa, Jade ata." -Jack
"Yung natira, Jen ata pangalan." -Mark
"Tss."
"Mukhang nagka-tama na talaga si Adrian kay Jasmine ah." -Jb
"Oo nga pare. Ayaw nang tumingin sa iba e." -Mark
"Pag-ibig na kaya~" Pagkanta pa ni Jack. At sabay-sabay silang nagtawanan.
"Bahala na nga kayo dyan." Sabi ko at naglakad na ulit papuntang kotse ko.
"Inlove ka na ba talaga kay Jasmine pare?" Tanong pa ni Mark.
"Tinamaan na!" Panggagatong pa ni Jack kay Mark.
"Sya na ba ang ipapalit mo kay-- asdfghkjf." Dahil sa sinabi ni Jb ay napalingon akong muli sa kanila. Nakita kong tinatakpan ni Mark at Jack ang bibig ni Jb. I gave them my death glare. Why'd they still have to bring up the past? Sinabing ayoko nang balikan yun eh.
Tuluyan na'kong sumakay sa kotse ko. Bago yun, narinig ko pang nagsisihan yung tatlong ugok sa kadaldalan nila. Tss.
--
Vote.Comment.Share.
Jack sa side ------->
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
Teen Fiction"Hindi ko alam kung bakit di ko maalis ang mga mata ko sa'yo. Lahat ng gusto kong sabihin hindi lumalabas ng tama. Nauubusan na ako ng salita, nagagawa mong paikutin ang ulo ko. Di ko na alam kung anong gagawin ko. May iba sa'yo, para sakin lahat ng...