Six

41.9K 1.1K 66
                                    

Kakamot-kamot sa ulong lumabas si Kai mula sa pinagtataguan niya. Lumapit siya kay Isaac na nakaupo sa lamesa at nakahalukipkip. Tinignan niya iyong lamesa at iniisip ang nasaksihan niya kani-kanina lang.

"Did you enjoyed the show?" tanong ni Isaac sa isang nakakalokong tono.

Tumikhim si Kai para pagtakpan ang pagkapahiya. "P-Paano mo nalaman na nandito ako?"

Ngumisi si Isaac at pinaglaruan ang ibabang labi nito. "I can smell your scent."

Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa sinabi nito. "Seryoso kasi, Isaac."

Tumawa si Isaac at tumayo na. Lumapit ito sakanya at pinaukitan siya. "I saw your head peeking behind that wall." sabi nito sabay turo sa kaninang pinagtataguan niya.

Lumunok siya at tumikhim muli. "Hindi ko sinasadya iyong ginawa ko."

Umismid si Isaac at hinarap siya. Humalukipkip ito at tumaas ang mga kilay. "Really? Hindi mo sinasadyang panuorin ang pakikipag-sex ko kay Margarette? Yeah, hindi nga sinasadya." he said sarcastically.

Huminga si Kai ng malalim. "Oo na, eh na-curious ako eh. Tsaka, grabe naman kayo. Sa likod talaga ng gym?"

"It adds up on the excitement." Lumapit sakanya si Isaac at pinaglaruan ang pula niyang buhok. Nilapit nito ang bibig sa may gilid ng tenga niya at tsaka bumulong. "Hmm, Do you wanna try it with me, Kai? I like to see you on top of that table, screaming my name. Fuck, just imagining you screaming my name just gives me a hard-on."

Napasinghap siya at malakas na tinulak si Isaac palayo sakanya. Galit na tinignan niya ang lalaki habang ito'y tawa ng tawa sa naging reaksyon niya. Napanganga siya sa lumalabas sa bibig nito. How can he say those things bluntly to her? Hindi ba 'to nahihiya? Siya nga, naririnig niya lang ang mga salitang iyon, namumula na ang mga pisngi niya.

"Wala ba talagang filter iyang bibig mo, Ford?! Ang bastos mo talaga! Isusumbong kita sa disciplinary officer!" sigaw niya rito.

Tinawanan lang siya ni Isaac na para ba'ng isang malaking kalokohan ang sinabi niya. "C'mon Dimaano, alam naman natin na walang maniniwala sa'yo. Just accept my offer and I'll promise you na higit pa sa langit ang ipaparamdam ko sa'yo."

Napalunok siya sa tono ng boses ni Isaac. Nakakatakot, nakakapanindig balahibo. Mariin ngunit nakakaakit. Nilalandi nanaman siya nito.

She shook her head unbelievably. She can't believe this guy. Hindi ba talaga kaya mabuhay ng mga ito hangga't hindi ginagawa ang sex? Kailangan talaga gawin iyon kung saan lang sila atakihin ng libog? Grabe.

Ngumiti siya ng sarkastiko kay Isaac. "Sa mga nakikita at naririnig ko tungkol sa'yo Isaac, hinding-hindi mo kaya iparamdam sa'kin ang langit. Higit pa kaya doon? Diyan ka na nga."

Buong loob na tinalikuran niya si Isaac na napatameme niya sa sinabi niya. Hindi niya alam kung ano ang pinaplabo ni Isaac o kung nagbibiro lang ba talaga ito at siya ang paborito nitong biruin, pero kung anuman iyon, isa lang ang sisiguraduhin niya...she will never fall for his traps.

------

Hinihintay ni Kai ang mga kaibigang sina Lei at Bogart sa tapat ng SCU. Tinext niya kanina si Lei at sinabing pumapayag na siyang sumama sa 'raket' na sinasabi ng mga ito.

Naisip niya na wala namang masama kung susubukan. Tutal, ang sabi nina Lei, magbebenta lang naman ng bahay. Kung magawa man nila, 'di maganda pero kung hindi, ayos lang rin. Gusto nalang rin niya tapusin na ang problema niya kay Isaac at sa nasirang kotse nito. Ayaw niya nang mainvolve pa kay Isaac. Naisip rin niyang kakainin ng trabaho niya ang konting oras nalang niya para sa pag-aaral dahil halos buong oras niya ay ginugugol niya sa pagsisilbi sa Uncle at Auntie niya.

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon