Nineteen

39.3K 1.1K 61
                                    

"You're still not going to talk to me?"


Pangatlong tanong na iyon ni Isaac kay Kai at patuloy parin niya itong iniignora. Basta lang siya nakatingin sa labas ng bintana ng kotse at tahimik lang. Ayaw niyang kausapin si Isaac. Matapos ng ginawa nito kanina sakanya? Aba, buti nga hindi niya ito sinuntok dahil naisip niya na nasa teritoryo siya nito at tsaka sayang ang outfit niya, 'di bagay manuntok.

Narinig niyang bumuntong-hininga si Isaac sa tabi niya. "It's just a kiss, Kai."

Biglang nag-init ang pisngi niya kasabay ng pag-init ng dugo niya sa sinabi nito. Matalim na tinignan niya si Isaac, at nang makita nito ang itsura niya ay agad nitong binawi ang sinabi.


"Okay, it's not just a kiss, but look, I'm not sorry for kissing you. Gusto ko iyon." pag-amin nito na lalong ikinainit ng pisngi niya.

Kung tutuusin, it was just a smack, at medyo sa gilid lang ng labi niya ang natamaan ng halik nito.


At bakit mukha ka pang dismayado?


She shook her head mentally. Hindi siya dismayado, she was just explaining to herself what happened. Hindi naman siya galit eh. She was just...surprised. Hindi niya in-expect na hahalikan siya ni Isaac...even if it's just on the side of the lips. Pero kahit na, malapit na iyon mismo sa labi niya.


"Kai,please...talk to me." pagsusumamo ni Isaac sakanya.

Napabuntong-hininga nalang siya sa huli. "Okay na. Huwag mo nalang uulitin."


"I'm not sure about that." Isaac murmured.

"Isaac naman eh!" naiinis na sabi niya. Ayaw niyang awayin ito lalo na't may party silang dadaluhan.

"Can we talk about that later?" nakangiwing tanong ni Isaac.

Bumuga nalang siya ng hininga. Nandito narin pala sila sa venue.

"Fine." pagbigag niya.

Nang makalabas sila ni Isaac, agad na kinuha nito ang kamay niya at inilagay sa braso nito. Hindi naman na siya nagreklamo dahil mukhang ganoon talaga kapag sosyalan ang party. Iniisip niya, bakit ba siya nandito? Hindi nga niya alam kung ano ang magaganap sa party. Kaya naman minabuti niyang tanungin si Isaac na bumabati sa mga nadadaanan nilang kakilala.


"Ano'ng klaseng charity ball 'to?" bulong niya rito.


Kumuha ito ng dalawang cocktail drink sa dumaang waiter at ibinigay sakanya ang isa.


"It's a ball held by the A House of Love Foundation. Kumukupkop sila ng mga batang may mga talento na wala ng mga pamilya. You should see the children mamaya, magpeperform sila. Lahat ng dumalo dito ay mga sponsors. Mamaya magkakaroon ng auction and all proceeds will be given to the foundation."

Tumango-tango siya habang nagpapaaliwanag si Isaac. Maya-maya lang ay nakita sila ni Mrs. Ford.


"There you are! Kai, you look so wonderful! Ang ganda talaga ng gown sa'yo." puri nito sakanya at tsaka siya niyakap.


"Good evening po, tita." bati niya.

"Mommy, saan ang table na'tin?" tanong ni Isaac.

"Oh yes, yes, doon tayo." turo ni Mrs. Ford sa isang table na nasa may malapit sa stage.

Nauna na itong maglakad at sumunod na lamang sila. Hindi nakaligtas sakanya ang paghawak ni Isaac sa ibabang bahagi ng likod niya. She can perfectly feel the warmth of his hand against her skin because of her bare back exposed.


Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon