Malakas na hinampas ni Kai ang lamesa na naging dahilan kung bakit nagulat ang nga barkada niyang sina Lei at Bogart. Matalim na tinignan niya si Lei dahil naaalala nanaman niya ang ginawang pang-iiwan nito sakanya nang makaharap niya si Isaac noong isang araw.
Hindi biro ang naging engkwentro nila, dahil kahit na mukha siyang matapang ay ubod ng lakas ang kaba niya noon. Aba, 'di biro ang kotse nito. Tiyak na kahit na magtrabaho pa siya ng ilang taon, 'di ata sasapat pambayad sa kotse. Badtrip naman kasi 'tong si Randolph, eh! Ang usapan nila, papagasolinahan lang, aba't ang gago, pinangkarera ang kotse kaya ayan nabangga tuloy!
"Nasaan na ba iyang si Randolph?! Lintik naman eh, ako naiipit dito!" histerya niya sa harap ng mga kaibigan. Wala siyang pakealam kung pinagtitinginan sila dito sa may canteen dahil sa lakas ng boses niya. Naiinis siya! Ang walanghiyang Randolph! Dumekwat at hindi mahagilap!
"Pumunta nga ako kanina sa bahay nila, at ang sabi nga nung landlady, umuwi nga raw sa probinsya," sagot ni Lei.
Padabog na napaupo siya at sinabunutan ang sarili. Paano na iyan? Hindi niya alam kung saan hahagilapin si Randolph! Hindi naman siya matanong ng mga personal na bagay sa mga barkada niya.
"Patay ako nito eh."
"Pakiusapan mo nalang iyong may-ari ng kotse. Si Ford iyon 'di ba? Marami naman sigurong kotse iyon, eh pati nga apelyido eh tunog kotse," katwiran ni Bogart. Nakatikim ito sakanya ng malakas na batok. Wala talagang saysay kausap ito.
"Tama naman si Bogart, Kai. Mayaman naman iyon." pagsang-ayon ni Lei.
Napabuntong-hininga siya. "Hindi ganoon ang kalakaran mga kaibigan. Kahit saang anggulo mo tignan, nasira parin natin ang kotse nung Isaac, kahit mayaman iyon, manghihinayang parin iyon sa pera."
Sabay-sabay silang tatlong napabuntong-hininga nang matanto talaga ang bigat ng kanilang problema. Nakuha ang atensyon nila nang biglang umingay ang canteen. Pagkalingon niya, 'di na siya nang mamataan ang barkada ng Student Council President nilang si Dami. Panigurado, ito ang pinagbubulungan ngayon ng mga estudyante dahil sa balitang may bago itong nililigawan.
Ibinalik na niya ang tingin sa mga kaibigan at nagpaalam na dahil magsisimula na pala ang klase niya. Nang makalabas sa canteen ay agad niyang tinungo ang CHE building. Kumukuha siya ng kursong HRM at nasa ikahuling taon na siya. Kailangan niyang mag-ensayo sa pagfe-flaring dahil may individual presentation at kailangan niya pang bumuo ng sariling routine.
Napabagal ang lakad niya nang matanaw si Isaac sa harap ng building ng CHE. Nakahilig ang kamay nito sa pader at kausap ang isang babae na nakasandal naman. Nakita niya kung paano haplusin ng daliri ni Isaac ang pisngi nung babae na kung kiligin naman ay obvious na obvious.
Nagulat siya ng biglang hatakin nung babae ang batok ni Isaac para siilin ng halik. Grabe! Hindi man lang pumili ng matinong lugar. Paano kung makita sila ng disciplinary officer? Masyado naman silang PDA. Hindi nalang kumuha ng motel, at least dun pwede pa silang mahiga.
Napailing nalang siya at nilagpasan ang dalawang malalandi at didiretso nalang sana sa classroom niya nang bigla niyang marinig ang boses ni Isaac.
"Dimaano!"
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon si Isaac na palapit na sakanya. Bakas parin ang lipstick nito sa gilid ng labi, pero tila ba'y wala itong pakealam kung mukha itong na-rape. Pansin rin niya ang pasa nito sa may pisngi. Naalala niya, sinuntok nga pala niya 'to.
Lumapit ito sakanya at humalukipkip sa harap niya. "Eighty thousand pesos."
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Ano'ng eighty thousand pesos ang pinagsasasabi ng manyak na 'to? Seryoso naman ang mukha nito, mukha lang katawa-tawa dahil sa gulo-gulo nitong buhok at lipstick sa gilid ng labi.
BINABASA MO ANG
Tell Me How To Love [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya alam kung paano magmahal? He grew up with love surrounding him, while she experienced the exact opposite. She is not capable of loving and she...