Pumalatak si Isaac nang bumahing muli si Kai sa tabi niya. Iyan na nga ba ang sinasabi niya rito kanina pa, mukhang nagsisimula na itong magkasipon. Nag-request siya sa dumaang waiter ng tuwalya dahil maski siya ay basa rin kaya hindi niya maibibigay ang coat niya.
Nang isipan niyang bumalik kay Kai, nasa isip niya ay kausapin ito at ipaintindi na hindi siya nagloloko, na seryoso siya sa sinasabi niya. Matagal na niyang naamin sa sarili niya na gusto niya ang babae at nitong mga nakaraang linggo, napagtanto niya na hindi nalang basta gusto ang nararamdaman niya kundi pagmamahal na.
He even seeked help from his parents. Actually, mommy pa nga niya ang nag-suggest na gipitin si Kai nang walang kawala. He can still remember her mom's words.
"If you love her, why are you keeping your distance?" tanong ng Mommy niya.
"Iyon ang gusto niya. I just gave it to her. Ayaw niya talaga sa'kin." malungkot na sagot niya.
"But you love her." saad ng Daddy niya.
He couldn't speak. He was stunned by what his father said. Paano nito nasabing mahal na niya si Kai? Love? Is this really love? Nagsalubong ang mga kilay niya. He's trying to figure out if he's really inlove. Kahit kailang, hindi pa siya na-iinlove. He's inlove with his mother and sister. But they're in a different case.
Yes, he dates - a lot. Yes, he's having all the fun he can get with his girlfriends. Kapag pumapasok siya sa isang relasyon, he always consider the possibilty of falling for that person, to have that connection. But it never came. It's always been lust, not love.
Inaamin niya na noong una, he likes Kai for the chase. She piqued his curiosity. The way she dress, daig pa ang tomboy. The way she talks, akala mo tambay sa kanto. Then, she bruised his ego. She resisted him. That really got him interested.
But he had a glimpse of her life. He started caring, getting jealous and crazy. That's when he told himself that he really like Kai. But love?
"You really lover her, ano?" nangingiting sabi ng Mommy niya.
"I don't...I..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya dahil hindi niya alam kung ano ba ang gusto niyang sabihin.
"Gusto mo ba siyang mawala sa'yo?" tanong ng Daddy niya.
Umiling siya bilang sagot. Kahit na iniiwasan siya ni Kai, lagi parin siyang tumatanaw mula sa malayo para lang masilayan ito.
"Lagi mo ba siyang iniisip?" tanong naman ng Mommy niya.
Tumango siya. Fuck, maski sa panaginip hindi siya pinapatahimik ni Kai. Kahit nga sa panunuod niya sa tv, madalas mukha nito ang nakikita niya.
"You're inlove, bro." Napalingon siya nang bigla siyang tapikin sa balikat ng kambal niyang si Dami. He needs to think further. He just can't admit that he's really inlove just because everyone's saying it to him.
He needs to realize it himself. But for sure, he's crazy about Kai.
"Ganoon ba ang nararamdaman mo kay Chiara?" tukoy niya sa ex nito.
"Mas matindi. Mas nakakabaliw. Kung pwede nga lang sana na buntisin si Chiara, ginawa ko na. Pero nangako ako sa Mama nito na hayaan muna. Kahit masakit, ginawa ko."
BINABASA MO ANG
Tell Me How To Love [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya alam kung paano magmahal? He grew up with love surrounding him, while she experienced the exact opposite. She is not capable of loving and she...