Twenty-four

35K 989 60
                                    

"R-Randolph..."

Nakapamulsang lumapit sakanya ang lalaki. Gusto niyang umatras pero hindi niya magawa. Ang dating mahabang buhok nito ay tinabas na. Pansin din niya ang pangangayayat nito at ang pagdagdag ng mga hikaw sa tenga at labi nito.

"Kamusta ka na? Sabi ko na nga ba, ikaw iyong nakita ko na lumabas sa library." nakangiting sabi nito.

"A-Ayos lang. Ano'ng ginagawa mo dito?"

Matagal na niyang hindi nakikita si Randolph. Barkada din niya ito kasama nina Lei at Bogart, pero nawala ito nang mabangga nito ang kotse ni Isaac. Natatandaan pa niya noon na galit na galit siya rito dahil siya ang nagbabayad sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Ang balita niya ay umuwi si Randolph sa probinsya nito. Pero bakit ito bumalik?

"Inayos ko lang iyong records ko dito. Sa Nueva Ecija na kasi ako mag-aaral." paliwanag nito. "Ikaw, kamusta ka na?"

Kusang tumaas ang kilay niya. "Matapos mong takasan iyong binangga mong kotse, ito ayos lang naman." sarkastikong tugon niya.

Napangiwi si Randolph at napakamot sa batok nito. "Pasensya ka na talaga Kai, natakot lang talaga ako."

Huminga siya ng malalim. Ano pa nga ba'ng magagawa niya? Tapos naman na. Bayad na siya. Ayos na ang kotse ni Isaac. Kung tutuusin, kung hindi tumakas si Randolph, marahil siguro'y walang sila ni Isaac. Pero hindi niya sinasabing tama pa rin ang ginawa ni Randolph.

May busina siyang narinig na nanggagaling sa may quadrangle na kahanay lang ng hallway. Bumaba doon iyong driver nila Isaac at nilapitan siya.

"Ma'am, pumasok na po ako kasi kanina pa po ako sa main gate." magalang na sabi nito sakanya.

"Naku, pasensya na po. Naabala ko pa po kayo."

Ngumiti ng tipid sakanya iyong driver. "Ayos lang po ma'am. Tara na po?"

Tumango siya at nilingon si Randolph. "Mauuna na ako."

"Sosyal ka na ah. May driver ka pa."

Hindi na niya pinansin ang sinabi ni Randolph at sumunod na sa driver na pinagbuksan siya ng pinto. Nang paalis na ang kotse, hindi niya napigilang lingunin si Randolph. Nakatingin parin ito sa kotseng lulan siya at may ngisi sa labi. Nagulat siya nang sumaludo pa ito sa gawi niya kaya mabilis siyang tumalikod. Ginapangan na naman siya ng kaba sa dibdib. Bakit may pakiramdam siyang may itinatago si Randolph? Parang may kakaiba itong kinikilos.

---------

"Bigyan mo pa kami ng palugit. Sisiguraduhin namin na magbabayad na kami sa katapusan. Huwag lang ngayon."

Narinig niya ang Auntie Cora niya na may kausap sa may gate. Palabas na siya sana dahil papasok na siya nang mapatigil dahil sa narinig nga ang boses ng tiya.

"Siguraduhin mo lang, Cora. Hindi ninyo gustong makita magalit ako." rinig niya sagot ng kausap ng tiya niya. Nakakatakot ang tono nito. Tipong kayang gumawa ng masama.

Nang marinig ang tunog ng kotse, lumabas na siya at nagpaalam sa Auntie pero pinigilan siya nito sa braso.

"May pera ka ba diyan? Pahiram nga." sabi nito sakanya.

Bumuntong-hininga siya at kinuha ang wallet, dudukot na sana siya nang biglang hablutin iyon ng Auntie niya at kinuha lahat ng pera niya sa waller na halagang dalawang libo na lamang.

"Ito lang? Kulang pa ito sa pambayad ko sa utang!" galit na sabi ng Auntie niya.

"Nabayad ko na sa kuryente at tubih iyong sweldo ko, Auntie." katwiran niya.

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon