Twenty-eight

31.9K 806 22
                                    

Ang gagwapo at ang gaganda ng mga gumaganap sa 2nd generation. Pinaga-add ako sa fb. :D Add niyo sila guys! You can find them in my fb group: YGDara Stories Wattpad

-----

"We need to find that Randolph kung totoo nga'ng nakita mo siya bago mo ma-receive itong text na ito."

Nakayuko lang si Kai habang nakikinig kay Don - ang kapatid ni Mr. Reynolds. Ito ngayon ang kumakausap sakanya dahil nasa kabilang kwarto si Mr. Reynolds kausap ang kinuha nilang private inverstigator.

"You need to change your number." sabi nito pagkatapos.

"Kailangan ba talaga? I mean, baka naman hindi na ulit magtetext iyon."

Ayaw niyang magpalit ng number dahil unang-una, sayang ang mga contacts niya lalo na iyong may nakakaalam ng numer niya tulad na lamang ng mga dating pinagtatrabahuhan niya. Pangalawa, magtataka ang mga tao sa paligid niya, lalong-lalo na si Isaac. Kung tutuusin, madali lang naman lumusot pero ayaw na niyang dagdagan pa ang kasalanan niya. Sapat nang itinatago niya mula kay Isaac ang nangyayaring ito dahil ayaw niyang madamay ang nobyo sa gulo niya dahil sigurado siya na makikialam ito sa oras na malaman niya na may banta sa buhay niya.


"You were threatened Kai! Hindi natin pwedeng isawalang-bahala iyon. Hindi ka na pwedeng mawala pa sa'min."

Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Don. Ano'ng ibig sabihin nito? Mawawala siya ulit?

"Ano'ng-"

"Don!"

Sabay silang napalingon ni Don kay Mr. Reynolds, kasama nito ang assistant nitong si Arthur at iyong private investigator.


"Kuya, hindi ko sinasadya." sabi ni Don sa mababang tono.

Masama lang ang tingin ni Mr. Reynolds sa kapatid pero sa huli'y huminga nalang ito ng malalim at tumango. Naglakad ito patungo sa kinauupuan nila at tinignan siya ng lalaki.

"Wala paring lead kung nasaan sila Lei at Bogart, pati iyong si Randolph. Kai, hihigpitan ko ang security mo. It's dangerous out there, kailangan talaga natin mag-ingat. Lalo ka na."


Nagbuga siya ng hininga at sinandal ang ulo sa upuan. Nakatitig lang siya sa kisame habang nag-iisip. Natatakot siya, aaminin niya. Sino ba naman kasing hindi? Buhay na ang pinag-uusapan dito. Siguro dati, babalewalain niya ito, pero iba na ngayon. May Isaac na, may mga kaibigan siyang nagmamalasakit sakanya. Natatakot siya dahil mahal niya ang mga taong nasa paligid niya ngayon. Those people woke up her heart.


"Basta hindi ito malalaman ni Isaac. Ayokong madamay siya." iyon lang ang sinabi niya at agad pumayag ang magkapatid na Reynolds.

Inihatid siya ni Don sa bahay niya pagkatapos nilang magplano kung ano'ng mga hakbang ang gagawin nila.

"Mag-ingat ka, Kai. Tawagan mo ako o si Kuya kapag may nangyari. Naiintindihan mo?" utos nito sakanya.

Tumango siya sa sinabi nito at kumaway nalang bago ito nag-drive paalis. Ewan ba niya, alam niya sa sarili na ayaw na ayaw niyang dinidiktahan siya, hindi siya basta bastang napapasunod sa gusto ng ibang tao. Ayaw niya ng mga ganoon. Pero pagdating sa magkapatid na Reynolds, nakikita nalang niya ang sarili na tumatango sa mga gusto ng mga ito. Magaan ang loob niya sa mga ito. Marahil siguro'y alam niyang mababait ang magkapatid.


"Ilang beses ko ba'ng makikita na hinahatid ka ng ibang lalaki?"

"Isaac, ano'ng ginagawa mo dito?"

Lumapit sakanya ang seryosong si Isaac. Umiigting ang panga nito at halos lumabas na ang ugat sa pulso nito dahil sa mahigpit na pagbola ng mga kamao.


"Tell me, Kai... may iba pa ba?"

Nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa akusasyon ni Isaac sakanya. How dare he accused her for cheating? Siya pa? Pinigil niya ang sarili para tuluyang magalit.

"Umuwi ka nalang kung aakusahan mo lang ako."

"Fuck shit! I am just asking you!"

"You're not asking me! You're accusing me! Nasaan na iyong tiwalang sinasabi mo? Joke lang ba iyon, ha? Tangina, Isaac! Of all people, ikaw pa talaga ang magbibintang sa'kin na nagloloko? The last time I checked, ikaw ang babaero sa'tin!"

The moment na lumabas sa bibig niya ang mga katagang iyon, bigla siyang nagsisi. All of the problems have just piled up and let her exploded.

"Isaac... I- I'm sorry."

Hurt was visible in his eyes. May malungkot na ngiti sa labi nito. "I only love one girl besides my family and that's you, Kai. But damn, it fucking hurts lalo na sa bibig mo nanggaling iyan. Funny how easily you changed the blame from you to me. Tinatawagan kita para sana ayaing mag-date pero unattended."


Napakagat siya sa labi nang magsimulang kumibot iyon. Napayuko siya at mahinang sumagot.


"Nagpalit ako ng number.."

Tumawa ng pagak si Isaac at nakita ko ang paghilamos nito sa sariling mukha gamit ang kamay. "Okay, Kai. Okay. Hindi na ako magtatanong, dahil baka mapatay mo na ako sa susunod mong sagot."


"Isaac!" habol niya sa nobyo nang simula itong maglakad papunta sa kotse nito.


"Go inside, Kai. Malamig na at medyo umaambon na, baka magkasakit ka." sabi nito.


Mas lalo siyang na-guilty sa ipinapakita ni Isaac sakanya. Kahit galit ito, nag-aalala parin ito sakanya. Gusto niyang sabihin kung sino ang magkapatid na Reynolds at kung bakit sila madalas magkita, pero sa tuwing naiisip niya na pwedeng ikapahamak ni Isaac ay umuurong siya at pinipiling huwag nalang sabihin. Problema niya iyon at ayaw niyang idamay si Isaac.


"Okay ba tayo?" nag-aalangang tanong niya.

"No." diretsong sagot nito na ikinayuko niya. "But I know we will." malungkot na ngiti ang ipinakita nito sakanya at hinalikan siya sa noo bago tuluyang umalis.


Pagpasok sa bahay, hindi niya pinansin ang pagsigaw sakanya ng Auntie niya at padabog na pumasok sa kwarto niya at iniiyak ang nangyari kanina.

"Kai! Ano ba! May sulat ka oh! Kuhanin mo nga!" sigaw ng Auntie niya sabay katok ng malakas sa pinto niya.

Tumayo siya at binuksan ang pinto niya. "Kani-Kanino ho galing?" sisigok na tanong niya.

Pinaningkitan siya ng mata ng Auntie niya at binato ang sulat sakanya na agad niyang nasalo. "Aba, malay ko. Alam ko naman din ang katagang 'Mind your own business'. Ano'ng iniinarte mo diyan?" nakataas-kilay na tanong nito.

Umiling siya. "Wala po."

Kung alam niya lang na nagtatanong lang ito dahil gusto nitong makiusisa sa buhay niya, baka sabihin pa niya ang problema niya.

Agad na pinunasan niya ang luha niya at binuksan ang sulat. Agad niya iyong binitawan nang mabasa ang sulat.

Agad niyang tinawagan sina Don at King Reynolds at bukas ng umaga ay pupuntahan siya ng mga ito.

Muli niyang tinignan ang sulat na kulay pula ang mga letra at alam niyang may bakas ng dugo ang papel.

Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa'kin. Malapit na. Magkikita na tayo muli.

----------
VOTE AND COMMENT!
FOLLOW ME @kendeyss

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon