Nasa isang meeting si Isaac kasama ang magkapatid na Reynolds na sina Don at King. Kasama rin niya sa meeting ang daddy niya at ang ilan pang architects at engineers na kabilang sa project na pinamamahalaan niya.
Inabot na sila ng alas diyes ng gabi nang matapos ang closed door meeting. Nauna nang lumabas ang iba pa nilang kasama, habang naiwan siya, ang magkapatid na Reynolds at ang kanyang secretary.
"That's odd. Bakit cannot be reached siya?" rinig niyang sabi ni Don sa kuya nitong si King.
"Try it again." utos ni King habang may pinpirmahan na papeles na hinihintay niya.
Don tried to call again pero sa huli'y napamura ito. "Wala talaga. Cannot be reached."
"Tawagan mo si Manang sa bahay." utos muli ni King.
Nakatingin lang siya sa phone niya at ten-thirty na ng gabi. Gusto niya ng umuwi at matulog. He had a long day. Ang dami niyang iniisip. Itong project, ang bahay niya, tapos dumagdag pa si Kai. Napahilot siya sa sentido niya nang maalala nanaman ang pag-uusap nila ng dalaga kanina. He didn't mean to hurt her in any way, pero nakapagsabi siya ng mga salitang hindi niya na mababawi. Masakit parin kasi pala kahit na umamin itong mahal parin siya nito. At kahit pa na alam niya sa sarili niyang may nararamdaman parin siya kay Kai, hindi niya magawang kalimutan nalang ang pag-iwan nito sakanya. Nagagalit parin siya.
"Shit! Wala pa daw doon si Kai."
Napatingin siya kay Don nang biglang tumaas ang boses nito. He started pacing back and forth and continues dialling on his phone. Ilang mura pa ang lumabas sa bibig nito at 'di mapakaling paikot-ikit sa loob ng kwarto.
Tinignan niya si King na kunot-noong nakatingin kay Don. "Saan naman pupunta si Kai?" tanong nito marahil sa kanyang sarili. Then, King looked at him. "Do you know where she is?"
Don stopped from pacing and looked at him. Nakakunot na din ang noo nito. "Oo nga. Magkasama kayo kanina, hindi ba?"
"And how did you know that?" his voice was formal and void of ang emotions. But deep inside, his brain is starting to think where could Kai be.
"She tells us everything, Ford. Excited siyang umalis kanina dahil nga daw may meeting kayong dalawa. Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong muli ni Don Hakim sakanya.
Umiling siya. "Nagkita kami kanina, pero mga past one ay naghiwalay na kami. I was busy in the office the whole day at 'di na kami nagkita."
Natigilan ang magkapatid. Walang nagsasalita sa mga ito. Siguro dahil nag-iisip din ang mga ito. Tumikhim siya. "Why don't you call her friends?"
Kunot-noong tinignan siya ni King. "She doesn't have any friends here. Bahay at trabaho lang siya. Sometimes, she dines out with Theo but I doubt that she's with Theo right now."
Lumalim ang kunot ng noo niya nang marinig ang pangalang Theo. Sino naman iyon? "Who's Theo?" hindi niya na napigilang itanong.
"Her long time suitor." ngisi ni Don. "Look, uuwi na kami. Kung may mabalitaan ka man kung nasaan si Kai, pakisabi sa'min." pahabol pa nito bago tuluyang umalis.
Hanggang sa makauwi ay hindi parin maiwasang alalahanin ni Isaac iyong Theo na iyon. Sus, suitor his ass! Ito kaya iyong kasama ni Kai nung nakita niya ito sa restaurant nila Calix? From what he remembers, hindi naman gwapo iyong lalaki. Ang patpatin nga! Tsaka mukhang hindi naman gagawa ng matino.
"Fuck this!" mura niya at ginulo ang buhok. Bakit ba niya iyon iniisip?! Nakakainis kasi eh!
It's already 1am pero nandito parin siya sa sala. Nakabukas ang tv niya pero hindi naman siya nanunuod. Hindi siya makatulog. He's worries about Kai, damn it! He tried calling Kai pero unattended parin ang phone nito.
BINABASA MO ANG
Tell Me How To Love [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya alam kung paano magmahal? He grew up with love surrounding him, while she experienced the exact opposite. She is not capable of loving and she...