Thirty-one

32.3K 808 26
                                    

Kumirot ang ulo ni Kai nang maalimpungatan siya. Ramdam niya na may mga tao sa paligid niya kaya pinili niyang manatiling nakapikit. Nakatali ang mga kamay niya pero malaya ang mga paa niya. Ano ba naman itong nangyayari sakanya? Gusto niyang maiyak at sumigaw ng tulong pero alam niyang walang kwenta ang mga iyon.


"Nandiyan na ba siya?" Isang pamilyar na boses ang narinig niya.

"Kanina pa." sagot ng isa pang boses na kilalang-kilala niya.

Maya-maya lang ang narinig niya ang mga tunog ng paglalakad ng mga ito papunta sakanya. Habang palapit ng palapit ang mga ito, dumadagundong naman ang dibdib niya.

Napahiyaw siya nang bigla hinatak ang buhok niya, dahilan upang ibuka na niya ang mga mata. Nang makita niya ang mga tao sa paligid niya, nangilid ang mga luha niya.


"Auntie.." mahinang sambit niya habang hindi makapaniwalang tinititigan ang Auntie niya na siyang may hila-hila ng buhok niya.

Sa likod ng Auntie niya ay doon nakita niya ang Uncle niya na humihithit ng sigarilyo. Matalim ang titig nito sakanya. Pero mas lalong hindi siya makapaniwala sa dalawang taong pumasok at nakangisi sakanya.

"B-Bogart... R-Randolph.."

Gulong-gulo ang isip niya. Paanong nakalabas ng kulungan si Bogart? Kasama ba ng mga ito si Lei? Si Randolph... akala niya nagbalik lang talaga ito. Hindi niya akalaing magagawa nito ito sakanya. Hindi niya akalaing magagawa ng mga taong ito sakanya.


"Bakit?" Isang tanong lang ang lumabas sa bibig niya pero sapat na iyon para ilabas ang lahat ng tanong na nasa utak niya. Lumaki ang ngisi ni Randolph sakanya habang seryoso naman ang itsura ni Bogart na nakatitig sakanya.


"Bakit? Tingin mo, bakit ka kaya namin kinuha Kai?" makahulugang tanong ni Randolph. Mas lalo itong lumapit sakanya. Humila ito ng upuan at itinapat sakanya at tsaka umupo roon.

Umiiling-iling siya dahil hindi niya maisip na kayang gawin ito ng mga itinuring niyang kaibigan at pamilya.


"Kekwentuhan kita pero dapat makinig kang mabuti." sabi ni Randolph.

Kahit gustong-gusto niyang sipain si Randolph, hinayaan niya ito sa gustong gawin. Kailangan niyang patagalin ang pag-uusap nila habang nag-iisip siya ng paraan para makatakas. Umalis narin ang Auntie niya sa gilid niya at tinabihan nito ang Uncle niya sa may likod.

"Once upon a time, may isang royal family na nagbabakasyon sa isang isla. Masayang-masaya ang mga ito dahil magkakasama sila. Isang araw, habang kumakain ang mga ito ng tanghalian, biglang may sumugod na mga masasamang tao. Kinuha ng mga ito ang hari't reyna, pati na ang dalawang prinsipe, peo ang munting prinsesa ay mabilis na nakapagtago dahilan upang hindi ito mahuli. Kalaunan, kinupkop ng isang mag-asawa ang prinsesa. Hanggang sa lumaki ang prinsesa at naging magandang dalaga, maraming naging kaibigan ito. Pero, nawala ang mga iyon nang pagtaksilan nito ang mga kaibigan. Okay lang naman sa prinsesa kasi may gwapo itong nobyo, tapos natagpuan na rin siya sa wakas ng dalawang prinsipeng kapatid nito. And they live happily ever after."


Hindi maintindihan ni Kai kung ano ang pinupunto ng kwento ni Randolph. Maraming bagay ang hindi niya maintindihan. Alam niyang siya ang 'prinsesang' tinutukoy sa istorya. Kailangan pa niyang patagalin ito sa pagsasalita. Kanina habang nagkekwento ito, naluwagan na niya ang pagkakatali sa kamay niya. Kailangan nalang niya makahanap ng tiyempo para makawala.


"Ano ba'ng pinagsasasabi mo?" matapang na sagot niya.

Malakas na tumawa si Randolph habang napangisi nama si Bogart. Mas lalo siyang kinabahan ng lumapit si Bogart sakanya at hinaplos ang pisngi niya. Mabilis na iniwas niya ang mukha sa kamay nito. Napaigik siya ng pisilin nito ang magkabilang pisngi niya gamit ang isang kamay.


Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon