Huminga ng malalim si Duchess Kai bago lumabas sa kanyang kotse. Muli niya tinignan ang repleksyon sa salamin ng kotse niya. Halos dalawang linggo siya nakipagnegosasyon sa mga Ford. Daniel Milliscent Ford to be exact. Kasama nito sina Calix Santillan at Adam Martin.Akala niya noong nagkita sila ay makikita niya si Isaac. Pero palaging ang tatlong ito ang kasama lagi sa meeting. Disappointed siya, yes. Excited pa naman siya na magkita sila muli ni Isaac kahit na kinakabahan siya.
Kilala naman siya nina Dami,Calix at Adam. Hindi naman sila close dahil hindi naman sila madalas makasalamuna noong college pa sila. Awkward nung una, lalo na sakanila ni Dami dahil nga sa nangyaring trahedya noon sakanila ni Isaac, pero mukha namang nakalimutan na nito iyon at mas piniling mag-move one nalang din.
At ngayon nga, pupunta ang mga Ford sa bahay nila para sa contract signing at dinner na inihanda ng mga Kuya niya. Mahalaga itong partnership na ito dahil dalawa sa pinakamalakas na chain of hotels ang Ford Hotels at ang The Royal hotels na pagmamay-ari nila.
Malaking balita rin ito dahil mas lalong malaking threat sa iba pang kompanya ang partnership na ito. Ididiscuss din over dinner ang mga plano pang projects na isasagawa sa bagong partnership.
Wala dapat maging mali dahil milyong-milyong halaga ang ilalabas na pera para sa mga nakalatag mg projects.
Pero parang kinakabahan ata siya. Ito sigurado na siya, siguradong nandito na si Isaac sa loob ng bahay nila. Nahuli siya sa pagdating dahil nanggaling muli siya sa Cebu last week upang asikasuhin ang itatayo nilang hotel doon, at ngayon lang siya nakauwi. Sa airport na nga siya nagbihis. Simpleng white satin spaghetti strap blouse ang suot niya at isang hanggang tuhod na peach fitted skirt. Nag-flats nalang siya at itinali sa isang bun ang kulay brown na niyang buhok. Nagpowder at lipgloss nalang rin siya. Tanging pearl earrings at relo ang alahas niya.
Huminga siya muli ng malalim at nilakasan ang loob at pumasok na sa bahay. Narinig niya ang tawanan sa may bandang kusina. Sinalubong siya ng isang maid nila.
"Nandiyan na sila?" tanong niya habang binibigay sa katulong ang dala niyang maleta na tanging dala niya papuntang Cebu.
"Opo, ma'am. Sabi ng kuya niyo, diretso nalang daw po kayo sa loob."
Tumango siya at dumiretso na sa kusina. Natigil ang tawanan nang pumasok siya. Pumunta siya sa mga kapatid niya at isa-isa itong hinalikan. Napansin niyang naroon sina Dami, Michelle, ang mag-asawang Ford, Adam at Calix. Gusto niyang magtanong kung nasaan si Isaac, pero pinigilan niya ang sarili.
"Good evening po, I'm sorry I'm late. Medyo traffic." nahihiyang sabi niya.
"It's okay, hija. Kararating lang din namin." nakangiting sabi ni Mr. Dylan Ford, ang ama nina Isaac.
Lumapit siya sa mga ito isa-isa at hinalikan sa pisngi. Huli niyang nilapitan ang mommy nila Isaac na si Tita Mitch. Nag-aalinlangan pa siya pero agad tumayo si Tita Mitch at niyakap siya ng mahigpit. "It's good to see you again, Kai. I missed you!"
Nangilid ang mga luha niya sa gilid ng kanyang mga mata. Natatandaan pa niya noon na sinasamahan niya si Tita Mitch sa mga charity events nito, pagkatapos ay yayayain siya nitong kumain sa may karinderya sa kanto at magkekwentuhan nalang sila hanggang sa wala na silang mapagkwentuhan. Madalas ay pinapapunta siya nito sa bahay para lang may makasama ito.
Tita Mitch is the mother she yearned for. Masaya siya na okay sila.
"Oh, bakit ka naiiyak?" natatawang puna nito tapos ay ito pa ang pumawi sa mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Tell Me How To Love [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya alam kung paano magmahal? He grew up with love surrounding him, while she experienced the exact opposite. She is not capable of loving and she...