Thirty

41.6K 982 112
                                    

Paggising ni Kai ay nakadama kaagad siya ng uhaw, kaya kahit kalahati palang ng diwa niya ang gising, lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina para kumuha ng maiiinom. Papikit-pikit pa siya habang inuubos ang isang basong tubig nang biglang may lumabas sa kabilang kwarto na ikinalaki ng gulat niya.

Agad niyang tinignan ang itsura niya at tanging damit ni Isaac ang suot niya.

"Oh! Kai, ikaw pala iyan." gulat na saad ni Dami nang makita siya nito sa may kusina.

Tinubuan siya ng hiya sa katawan. Ano nalang iisipin ni Dami sakanya? Nakita siya nitong nasa sariling kusina na suot lamang ang tshirt ng kambal nito. Though, wala naman sa mukha ni Dami ang pang-aakusa, still, nakakahiya parin.

"Ahm, ano, nakitulog lang talaga ako. Walang nangyari." nahihirapan niyang paliwanag kay Dami na nakatayo lang sa harap niya at inaayos ang relo nito. Bagong ligo at bihis na ito para pumasok.


Pasimple niyang tinatakpan ang sarili nang tignan siya ni Dami. "Hey, wala naman akong sinasabi. Besides, I'm kind of used to it- shit! Sorry, Kai! Ano... I have to go."

Tinignan niya lang ang nagmamadaling pigura ni Dami na palabas na ng unit. Na-estatwa siya sa kinatatayuan. Napag-isip siya sa sinabi ni Dami. Hindi naman nito sinasadya iyon. Alam naman niya sa sarili ang pinasok niya. Oo, siguro nga dati mahilig talagang mag-uwi ng babae si Isaac, pero noon naman siguro iyon 'di ba? Tapos na. Pinagkakatiwalaan niya si Isaac at pinagkakatiwalaan niya na mahal talaga siya nito. Hinding-hindi siya lolokohin ni Isaac.

Huminga siya ng malalim at pumasok na muli sa kwarto ni Isaac. Naabutan niya itong nagsusuot na ng tshirt.

"Pwede mo ba akong ihatid pauwi?" tanong niya.

"Oo naman. Ihahatid talaga kita, tapos hihintayin narin kita para sabay na tayong pumasok."


Sinikop niya ang mga damit niya na nakatupi sa may upuan at naglakad papasok sa banyo. "Huwag mo na ako hintayin, tanghali pa pasok ko 'di ba? Baka ma-late ka pa."

"Oo nga, ano. Pasok ka nalang ng maaga." nakangiting sabi ni Isaac sakanya. Kapag ganito ang hitsura nito, alam niyang nang-aakit nanaman ito. Napangiti narin siya.

"At ano naman ang gagawin ko doon? Isa pa, madami pa akong gagawin sa bahay. Magkita nalang tayo pag uwian."

Matapos niyang magbihis, inihatid nga siya ni Isaac sa bahay. Nagkasundo silang magkita nalang pag uwian na dahil wala silang parehong schedule sa araw na ito.

Pagdating niya sa bahay sangkatutak na kalat nanaman ang iniligpit niya. Pagkatapos ay tsaka palang siya naligo at nag-ayos para sa pagpasok. Palabas na sana siya ng harangin siya ng Uncle Miguel niya.

"May pera ka ba diyan? Bigyan mo na ako kahit dalawang libo lang." sabi nito sa gilid niya habang hinihithit nito ang sigarilyo nito.


Kumuyom ang kamao niya. Ito nanaman sila. Manghihingi ng pera na akala mo'y may patago sakanya. "Wala po akong pera, Uncle."

Napa-igik siya nang haltakin nito ang braso niya at mas diniinan ang pagkakakapit doon.

"Ano'ng walang pera?! Hoy, Kai. May nobyo kang mayaman, may dalawa pang lalaki na mayaman ang sumundo sa'yo noong nakaraan, dalawang libo lang ang hinihingi ko sa'yo!"

Naamoy niya ang alak sa hininga ng Uncle niya. Alam niyang lasing ito kaya nagtimpi pa siya ng kaunti. Inaalala nalang niya na kaunting buwan nalang, makakalaya na siya sa impyernong ito.


"Uncle, nasasaktan ako."


"Talagang masasaktan ka sa'king puta ka! Ano?!"

Hinatak pa siya palapit ng Uncle niya. Ramdam na niya ang hininga nito sa leeg niya na ikinadidiri niya. Nagtutubig na ang mga mata niya dahil sa galit na nararamdaman niya.


Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon