Tahimik lang na binabaybay nina Kai at Isaac ang daang pauwi. Kalalabas lang ni Kai sa ospital at nagprisinta si Isaac na ihahatid siya. Hindi narin siya tumanggi dahil ayaw narin niya makipagtalo pa kay Isaac.
Nag-iba ang kung anuman ang nasa pagitan nila ni Isaac magmula nang umamin ito na may gusto sakanya. Magmula noon, laging nasa ospital si Isaac at binabantayan siya. The days that she've spent in the hospital, she saw Isaac's other side. Iyong maalaga, maaalalahanin at strikto. Daig pa nito ang magulang sa ginagawa sakanya.
Nang liniko na ni Isaac ang kotse sa may kanto nila, bumalik ang kaba niya. Halos isang linggo siya naka-confine sa ospital, tiyak na palalayasin na siya ng Uncle at Auntie niya. Hindi narin siya magtataka kung mangyari man iyon, pero nagdarasal talaga siya ng himala na sana pakinggan ng Uncle at Auntie niya ang paliwanag niya.
Pinaloob ni Isaac ang kamay niya sa kamay nito at pinisil na tila ba'y binibigyan siya ng lakas. Sandaling tinignan niya ang mga kamay nila tapos ay inalis rin kaagad. Nakita niyang umangat ang gilid ng labi ni Isaac at nauna na itong bumaba sa kotse.
Sa lalim ng pag-iisip niya, hindi tuloy niya namalayan na nandito na pala sila sa tapat ng bahay. Bumuga siya ng hangin at lumabas narin ng kotse. Bahala na. Kung palalayasin siya, edi palayasin. Maghahanap nalang siguro siya ng bed space at trabaho. Tutal, konting buwan nalang at makakatapos narin siya.
"Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sa'yo?" nag-aalalang tanong sakanya ni Isaac.
Tumango siya. "Okay lang."
Buhat-buhat ni Isaac ang isang maliit na sling bag lang na may lamang iilang damit na ang lalaki rin ang may bili. Nagpupumilit kasi itong kuhanan siya ng damit sa bahay, pero todo tanggi siya. Siguro'y nahalata nito na ayaw talaga niyang ipasabi sa Uncle at Auntie niya ang nangyari kaya naman lahat ng kailangan niya mapa-damit o toothbrush man iyan ay binili sakanya ni Isaac. Wala naman sila naging problema sa bayarin sa ospital dahil bago pa man umalis si Arthur at Mr. Reynolds, binayaran na nila ang bills niya.
Huminga siya ng malalim at pumasok na sa bahay gamit ang duplicate key niya. Para siyang dagang pumupuslit sa ginagawa niya.
Pagkapasok palang niya sa may sala ay nabungaran na kaagad niya si Uncle Miguel na naninigarilyo habang hawak ang telepono. Nanlaki ang mata nito at bigla nalang siya nilapitan at hinaklit sa braso.
"Punyeta! Saan ka galing na walang hiya ka?! Lucy! Lucy! Nandito na siya!" sigaw nito.
Napa-igik siya nang mapadiin ang pagkakahawak sakanya ni Uncle Miguel sa braso. Maya-maya lang ay narinig niya ang malalakas na yabag na hula niya'y galing sa Auntie Lucy niya.
Isang malakas na sampal ang binigay sakanya ng Auntie niya pagkakitang-pagkakita sakanya. "Ang lakas ng loob mo! Saan ka galing ha?! Letse kang bata ka! Wala ka ng binigay sa'min kundi sakit ng ulo!"
Hinablot ni Auntie Lucy ang buhok niya at ginawa ito para iangat ang mukha niya. "Ano?! Sumagot ka!"
Nanatili lang siyang tahimik at walang emosyon sa mukha. Sanay na siya. Wala pa nga ito sa mga naranasan niya noong bata pa siya.
Itinaas muli ni Auntie Lucy ang kamay nito. Pumikit siya at hinintay nalang ang pagdapo ng palad nito sa pisngi niya pero hindi iyon dumating. Pagdilat niya ay pigil pigil na ni Isaac ang kamay ni Auntie Lucy.
"Huwag niyo po siyang sasaktan." seryoso nitong sabi. Tinignan nito ang Uncle Miguel niya pababa sa kamay nitong hawak parin ang braso niya. "Bitawan niyo po si Kai. Nasasaktan siya." sabi nito sa Uncle niya.
Binitawan naman siya ng Uncle niya. Kinuha ni Isaac ang kamay niya at inilagay siya sa likod nito. Narinig niya ang pagtawa ng Auntie niya.
"Aba! Kaya ka ba nawala ng isang linggo dahil lumandi ka?" direktang sabi ng Auntie niya sakanya.
BINABASA MO ANG
Tell Me How To Love [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya alam kung paano magmahal? He grew up with love surrounding him, while she experienced the exact opposite. She is not capable of loving and she...