Twenty-seven

33.8K 837 9
                                    

Sorry guys sa matagal na update. Ang hirap ng isang graduating student. Haha. Lalo na ang thesis. Hindi ko alam kung papaano sisimulan ang pagpoprogram nun. Hahahaha. Salamat sa mga nakakaintindi sa'kin. Huhu.

You can join my fb group: YGDARA Stories Wattpad. Nandoon ang mga accounts ng characters sa mga stories ko! Add niyo nalang sila. Salamat sa mga masisipag kong OP's and Admins!

-------

Nanatiling nakatayo lang si Kai sa harap ng bahay nila. Hindi niya sigurado kung papasok ba siya sa loob. Natatakot siya sa maaring gawin ng mga tao sa loob. Baka saktan nanaman siya, o kaya'y kunin nanaman sakanya ang kwintas na bigay sakanya ni Isaac.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya nang maalala nanaman ang pag-uusap nila ni Isaac kanina. Sa totoo lang ay hindi naman ata sila nag-usap. Nang magpaliwanag siya kung ano'ng nangyari sakanya ng buong araw ay sinigurado lang nito na okay siya tapos ay nilandi nalang siya nito buong gabi.

Mahabang pilitan pa nga ang nangyari para lang ihatid siya nito pauwi muli. Ang gusto kasing mangyari ni Isaac ay doon na sa unit nito siya magpalipas ng gabi. Siyempre, hindi siya pumayag dahil unang-una, mali iyon at pangalawa gusto niyang mag-isip kung papaano itatago kay Isaac ang napag-usapan nila nina Mr. Reynolds.

Napapikit siya ng mariin at bumuga nalang ng hangin. Bahala na nga. Pinindot na niya ang doorbell at naghintay ng kung sino ang magbubukas sakanya. Ilang beses pa siyang nag-doorbell at sigaw kaagad ng Auntie Cora niya ang bumungad sakanya.

"Tangina namang babae ka! Ano'ng oras na! Hindi ba may susi ka?!" asik nito sakanya habang papunta ito ng gate.

"Naiwan ko ho lahat ng gamit ko sa loob kanina." paliwanag niya.

Malakas na pumalatak ito at padabog na binuksan ang gate. "Tatanga ka kasi! Leche! I-lock mo ang pinto tapos linisin mo muna lahat ng kalat sa loob bago ka matulog!" sigaw nito sakanya bago ito muling pumasok sa loob ng bahay.

Tulad ng sabi nito, ni-lock na niya ang gate at pagkapasok sa loob ay bumungad sakanya ang mga balat ng chichirya, mga natapong alak at mga upos na sigarilyo. Tambak din ang mga hugasin at may iilang baso na basag at nagkalat sa sahig. Mukhang nagkasiyahan ang Auntie at Uncle niya kasama ng mga kaibigan nito.

Ano pa nga ba? Siguro'y masaya ang mga ito na may nakuhang pera galing kay Mr. Reynolds. Alam niyang malaking halaga ang ibinigay nito para hindi na magreklamo pa sina Auntie.

Nagsimula siyang maglinis ng mga kalat at halos maga-alas dos na siya ng matapos. Kinuha niya ang phone niya at chinarge iyon sa gilid ng kama niya. Lumabas sa screen kung ilang missed calls at texts ang galing kay Isaac. Inilapag niya ang phone at dumiretso sa CR para maglinis ng sarili.

Pagkabalik niya, saktong tumunog ang phone niya. Kinuha niya iyon at nakitang nagtext si Mr. Reynolds sakanya.

Tomorrow, magsisimula nang magkaroon ka ng mga bodyguards. As promised, discrete lang ang pagbabantay nila sa'yo. Mag-iingat ka, Kai. Please be safe. Goodnight.

Hindi na siya nagreply pa dahil tuluyan na siyang kinain ng antok.

---

Kinabukasan, pagpasok ni Kai sa SCU, lagi siya palinga-linga dahil hinahanap niya ang mga bodyguards na kinuha nina Mr. Reynolds para sakanya. Ewan ba niya, nagiging paranoid narin siguro siya.

"Kai!"

Napasigaw siya nang bigla nalang may tumawag at humawak pa sa balikat niya. Pagkalingon niya ay nakita niya ang mukha ni Elisha.

"Ikaw pala iyan."

"Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong nito.

Umiling siya. "Wala. Bakit pala?"

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon