Whoo. OJT na ko sa Monday. Kakaba. Haha. Admin daw ako sa MIS. Hindi ko alam kung ano iyon :D Thank you sa patience ninyo! As promised, Ito na ako! Tatadtarin ko na kayo ng updates. Pero di masyadong marami. Hahaha.
---------
"Personal assistant? Para sa mommy niya? Ano naman kaya nasa isip nung malanding iyon?!"
Walang pakealam si Kai kung pinagtitinginan na siya ng ibang estudyante sa loob ng library. Matapos nilang mag-usap ni Isaac ay dumiretso siya sa library. Dapat ay uuwi na siya eh, pero hindi naman siya tatantanan ng Auntie niya tungkol kay Isaac.
Ginulo niya ang kanyang buhok at piniling lumabas nalang. Lalo lang siya mababaliw kung nasa isang tahimik na lugar lang siya. Gusto niyang tumanggi kay Isaac pero hindi niya kaya. Unang-una, siya ang may atraso dito, pangalawa, natatakot siya na baka totohanin nito ang banta sakanya. Hindi mahirap para rito na gawin iyon dahil mayaman ang pamilya nito.
Nang palabas na siya ng SCU ay napansin niyang may isang lalaking nakatayo sa kabilang daan na nakatingin sakanya. Nangunot ang noo niya ay parang pamilyar sakanya ang lalaki. Hindi niya matukoy kung tama ba ang pagkakilala niya kaya akmang lalapit pa siya sana nang biglang nawala na ang lalaki.
Luminga-linga siya sa paligid para hanapin ito pero parang bulang naglaho na lamang ang lalaki. She wasn't sure who the man is. Masyado malayo ito sakanya, pero alam niya na kilala niya ang lalaki.
Sa sobrang pag-iisip sa lalaking misteryoso ay biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Nang lingunin niya kung sino iyon, isang babaeng medyo chubby at naka-uniform na hawig sa uniform ng HRM.
Hindi siya sumagot dito dahil baka mali lang ang rinig niya ay hindi pala siya ang tinatawag ng cute na babae, 'edi siya pa ang napahiya. Pero nang tumigil ito sa harap niya at ngumiti na naging dahilan kung bakit lumabas ang malalalim na dimples nito, alam niyang siya nga ang sadya nito.
"Sino ka?" walang gatol na tanong niya sa babae.
The cute chubby girl extended her hand to her. "Hi! I'm Vera, kaibigan ako ni Isaac."
Nang marinig ang pangalan ni Isaac ay kusang tumaas ang kilay niya. Tinignan niya ang kamay nung Vera at nagtatalo ang isip niya kung kakamayan ba niya ito o ano. Seriously, bakit ba lahat ng may kaugnayan kay Isaac ay lumalapit sakanya?
Nagulat nalang si Kai nang biglang kunin ni Vera ang kamay niya at pinagkamay ang mga ito. "I'm a Culinary Arts student, two years ahead ka sa'kin, but I'm taking advanced classes so most likely, parang third year narin ako kasi halod juniors narin ang kaklase ko."
Hindi alam ni Kai kung ano'ng gagawin niya. She just smiled awkwardly at Vera. Hindi naman niya pwedeng sabihing, 'Eh, ano'ng pake ko? Hindi naman tayo close. Ang daldal mo.' Hindi niya pwedeng barahin ito. Eh baka ipa-blacklist na siya sa buonh SCU dahil binara niya ang kaibigan ni Isaac.
"Uhm...ano'ng kailangan mo sa'kin...po?" alinlangang tanong niya.
Tumawa naman si Vera at pabirong pinalo siya sa braso. Medyo masakit iyon kaya naman ay pasimpleng hinimas niya iyon. Kung hindi lang 'to kaibigan ni Isaac, baka nahampas na niya ang mukha nito. Makapalo naman kasi akala mo ay close sila. Hindi ba nito napapansin na awkward ang atmosphere sa pagitan nila?
"Well, we have this big event and I'm just wondering kung pwede ka ba namin kunin as our bartender? Sige na please! Project kasi namin iyon. Kailangang ipasa namin iyon."
"Bakit ako? Iba nalang, miss. Madami akong gagawin."
Vera pouted her lips. Aminin niyang cute nga ang babaeng ito, pero nakakapagduda lang kung bakit siya ang pinapakiusapan nito.
"Sige na, please. Si Isaac ang nagsabing the best ka. So, I really looked for you. Sige na naman oh, ako kasi natoka sa drinks and desserts, I don't want to disappoint my groupmates." she said it with her puppy dog eyes.
Huminga siya ng malalim. Nakakaawa man at sa loob niya ay gusto niyang tanggapin ang alok nito pero hindi parin. She will stand her ground. Anyone who has something to do with Isaac should be avoided as soon as possible.
Bumuntong-hininga siya at umiling. She smiled sympathetically at Vera who looks like she had her heart broken. "Sorry talaga, pero hindi talaga ako pwede. Iba nalang."
Pagkatapos nun ay umalis na siya at hindi na muling lumingon pa sa likod. Hihintayin lang talaga niya matapos iyong pagiging assistant niya sa Mommy ni Isaac, swear, hindi na siya makikihalubilo sa mundo ni Isaac because she will never fit into his big world.
--------
Saturday morning, hindi na nagulat si Kai nang mamataan si Isaac sa dining area nila na masayang nakikipag-usap sa Auntie Cora niya.
"Oh, Kai, hija. Bumaba ka na! Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo." nakangiting bati sakanya ng Auntie niya.
Gusto niyang umirap rito dahil sa ka-plastikang pinapakita nito sa harap ni Isaac. "Hindi ko siya boyfriend." pagtatama niya.
Inakbayan siya ng Auntie niya at napangiwi nalang siya nang maramdaman ang mahigpit na pagpisil niyo sa balikat niya. Ang mahahabang kuko nito na kaunting bumaon sa balikat niya.
"Mapagbiro ka talaga, Kai." natatawang sabi nito. Niyakap pa siya nito pero ang totoo ay bumulong lang ito. "Umayos kang lintek ka." mariing utos nito. Pagkatapos ay tumayo na ito at nginitian si Isaac bago pumasok sa kusina.
Nang tignan niya si Isaac ay matamang pinagmamasdan siya nito sa isang seryosong ekspresyon. Kinabahan siya sa reaksyon nito. Nakahalata na ito sa tratuhan nila ng Auntie niya? Binawi niya kaagad ang tingin niya at sumimsim lang sa kape na nasa harap niya.
"Tara na." kaswal na aya niya rito at nauna na siyang umalis. Narinig pa niya si Isaac na magalang na nagpaalam sa Auntie niya. Umiling nalang siya at minabuting hintayin na lamang ito sa kotse.
Maya-maya lang ay lumabas na si Isaac. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Kahit sa simpleng blue shirt, white shorts at plain sandals ay mapapalingon talaga kahit sino kapag napadaan ito.
"Get in." utos nito nang dumaan ito sa harap niya. Naunang pumasok na sa loob ng kotse si Isaac at ini-start na ang kotse. Mabilis namang tumalima siya at pumasok narin sa loob.
Ito ang unang araw niya bilang assistant ng Mommy nito. Sa totoo lang, iyon lang ang alam niya. Ni wala man lang briefing na naganap kung ano'ng eksaktong trabaho niya sa Mommy nito. Hindi narin siya nagtanong dahil as much as possible ay ayaw niyang kausapin si Isaac.
Nagulat si Kai nang maramdaman ang kamay ni Isaac sa balikat niya. His thumb stroking her skin. Tinignan niya ito pero diretso lang ang tingin nito sa daan. Bumilis ang paghinga niya. The way his thumb stroking her skin is so comforting. Nawawala ang sakit ng pagbaon ng kuko ng Auntie niya kanina.
Nangunot bigla ang noo niya sa naisip. Tinignan niya muli si Isaac na nakapokus ang atensyon sa pagda-drive pero patuloy parin sa paghaplos sa may balikat niya. Alam nito! Alam nito na sinaktan siya ng Auntie niya.
She immediately avoided her shoulder from his touch. Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang napatingin sa kanya si Isaac but she ignored him. Sa huli'y, bumuntong hininga nalang ito at tahimik na nag-drive nalang.
She doesn't want his pity. Sapat na ang mga panahong sobrang kinakaawaan niya ang sarili noon. Hindi na niya kailangan ng karagdagang awa pa. Ayaw niyang nag-aalala sakanya si Isaac. Kung pag-aalala nga ang tawag sa ginawa nito. No. Ayaw niya. Dahil kapag hinayaan niya ito, masanay siya. At kapag nasanay siya, baka masaktan lang siya kapag nawala ang nakasanayan niya. And she doesn't want another hole in her heart.
----------
VOTE AND COMMENT. :)FOLLOW ME @kendeyss
(Instagram and Twitter)
BINABASA MO ANG
Tell Me How To Love [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya alam kung paano magmahal? He grew up with love surrounding him, while she experienced the exact opposite. She is not capable of loving and she...