Love by mistake

158 5 1
                                    

Kakaiba ang nararamdaman ko habang nakapikit ang mga mata at dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Kanina pa ako gising ngunit hindi ko makuhang idilat ang mga mata ko dahil ni-fi-feel ko pa ang katahimikan ng lugar na kinaroroonan ko. 'Di ko nga alam kung nasa'n ako e basta ang alam ko ngalay na ako sa pwesto ko.

Sinubukan ko tumagilid, nagbabaka sakaling guminhawa ng kaunti ang pakiramdam ko pero bakit parang hindi ako makagalaw? Bakit parang pakiramdam ko ay naka-tayo ako? Pero paano naman nangyari iyon e naka-higa naman ako kung matulog? 

Sinubukan ko ulit gumalaw pero hindi talaga kaya napag-desisyonan ko nang imulat ang mga mata at sumalubong sa akin ang magagandang bituin. Matutuwa na sana ako ng mapansin ko ang taling naka-pulupot sa katawan ko!

Dumagundong ng malakas ang tibok ng puso ko, para akong nakipag-habulan kay kamatayan dahil sa sobrang bilis ng tibok niyon. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at pilit ko ring sinasabi sa isip ko na panaginip lang ito hanggang sa bumababa ang tingin ko- hindi sa katawan ko kundi sa ibaba ng paanan ko. 

Mula sa kinatatayuan ko kitangkita ko kung gaano kalayo ang paa ko sa lupa. Para ako mahihimatay na ewan dahil sa sobrang kaba. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapadasal ng mabilis dahil sa sobrang nerbyos.

Panginoon ko, iligtas niyo po ako sa kung sino mang hudas baraba--

Isang tunog ng 'di kilalang sasakyang pang-himpapawid ang umugong sa may taas ko at sa kalkulasyon ko ay lumagpas ang dugo ko sa ulo ko kung kaninong pag-mumukha ang naka-silip at may-hawak ng joystick ng chopper.

"Hey Mavis, how are you?!" Ang hudas ay gumamit pa talaga ng megaphone habang nakangising nakatingin sa akin.

"Tang'ina mo, Ezra!" Galit na mura ko sa kanya. Nginisihan niya lamang ako dahil siguro hindi niya narinig ang sinabi ko. Gusto ko siyang pakyuhan ng malupet kaso hayop na buhay 'to nakagapos ako.

"Gago ka, Ezra 'pag ako naka-alis rito isasangag talaga kitang hudas ka!" 

Wala naman ako ginagawang masama pero bakit ba nangyayari ang kamalasang ito sa akin? Nag-umpisa lang naman 'to nang bigla na lamang niya akong napansin. Mahabaging langit utang na loob kunin niyo na ho ang Boss ko alam kong kailangan niyo ng bagong myembro sa langit kaya parang awa niyo na kuhanin niyo na si Ezra. Kahit sa impyerno siya mapunta kahit saan okay lang basta huwag ko na lang siya makita utang na loob.

"Mavis, maganda ba ang view?!" Hindi ko alam kung nananadya ba siyang mang-asar o ano. 

"Tang'ina mo ka!" HIndi ko talaga mapigilan ang sarii kong hindi siya murahin dahil sa pinag-halo-halong inis, galit at takot. Anak naman kasi ng pucha e.

"Oo, alam kong maganda ang view rito we're in the Paris, of course, magandang lugar ang Paris lalo na ngayong nasa tuktok ka ng Eiffel Tower." Halos malaglag ang panga ko ng marinig ng sinabi niya.

Eiffel tower? Paris? Ang hudas dinala ako sa France para igapos?

"Walangya ka bakit mo ako ginapos rito? Nababaliw ka na ba?!" Kung pwede ko lang siyang talunin ay ginawa ko na ang problema nga lang ay ang lintek na lubid na nakapalibot sa katawan ko, hindi ko man masasabing mahigpit iyon, hindi ko rin masasabing maluwag dahil kahit anong galaw ko ay hindi talaga ako maka-galaw.

Nakaka-lokong umangat ang gilid ng kanyang labi bago itinapat muli ang megaphone sa kanyang bibig at nagsalita.

"Actually I brought you here to ask you out on a date." Naanlilisik ang mga matang tiningala ko siya.

"A date? All of these for a date? Damn it you could have just asked me!" Galit na bulyaw ko sa kanya. Kahit hindi kami magkarinigan ay tuloy lang kami sa pag-uusap na paranng naiintindihan namin ang isa't-isa.

"Duh isn't it obvious? I don't know how." Nakuha pa niya ako irapan, Aba't ang hudyo.

"Get me out of here!" Inis na sabi ko sa kanya ng hindi talaga ako makagalaw.

"I won't unless you agree to have a date with me." 

"And how do you think that I would agree to date you?"

"Because," Ezra licked his lower lip. "You can't escape that knot without me helping you and as for me to help you, you have to agree to have a date with me."

Kinindatan niya pa ako wala naman akong nagawa kundi ang mapanganga nalang sa kanya at inasta niya. Sinong sira-ulong magtatali ng babae sa tuktok ng Eiffel Tower para lang yayain itong makipag-date sa kanya? Wala, siya lang. Walang hiyang si Ezra lang. 

"Damn you get me out of here first!" Mapapa-english ka talaga ng malupet lalo na kung ninenerbyos ka dahil nasa tuktok ka ng isang mataas na Tower.

"Na-ah. Pumayag ka muna." Ngisi  niya. 

Kahit nag-aalinlangan akong pumayag dahil nga iba rin ang kulo sa utak ng taong ito ay pumayag narin ako. 

"K fine! Let's have a freaking date!"

Ezra smirked playfully before leaving the cockpit of the chopper.

Kinakabahan naman akong napasigaw dahil sa ginawa niya. Sira-ulo talaga.

"Nababaliw ka na ba!" 

"What did I do?" Inosenteng tanong niya.

"Bumalik ka sa cockpit baka lumaglag yung chopper na sira-ulo ka!" 

Ezra rolled his eyes then comb his hair using his long fingers.

"Duh, it's auto-pilot." Pangiwing-sabi niya. Sa totoo lang gusto ko siyang sapakin dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko pero 'wag nalang dahil mabait ako. Hinayaan ko siya sa kabaliwang binabalak niya sa buhay niya ang mahalaga sa akin ngayon ay ang maka-alis sa pwesto ko ngayon.

"A-anong gagawin mo?" Utal na tanong ko sa kanya ng makitang parang nag-hahanda siya sa pag-talon mula sa pinto ng chopper na ilang metro ang layo sa akin. 

"Duh i'll jump isn't it obvious." Umikot na naman ang mata niya sa ere na parang napaka-tanga kong tao dahil hindi ko pa nahulaan ang gagawin niya kahit halata naman na tatalon siya.

"Don't Duh-duh me you stupid noodle lousy bitch!" Sa sobrang inis ko hindi ko na mapigilang tadtarin siya ng sunod sunod na mura. Curse his annoying gestures for making me this mad.

"Whatever." Nag-kibit balikat lang siya saka biglang tumalon ako naman ay sa sobrang gulat ay halos mapa-ihi na sa suot kong pang-ibaba.

"Nababaliw ka na talaga!" I hissed at him, lalo akong nabwisit sa kanya ng para wala lang sa kanya ang pag-talon ng gano'n kataas at kalayo. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya ng chill na chill niyang pinagpagan ang suot na Tuxedo na parang nadumihan iyon dahil sa pag-talon niya.

"What?" He asked innocently.

"You're really crazy," I said under my deep breath. He just smiled cheekily and say,

"Yeah, I know. You make me feel that way, My babi..." Doon na nag-simulang mag-iba ang ikot ng magulo kong mundo. Doon nag-simulang tumibok ng malakas ang matagal ko nang natutulog na puso. 

Masarap sa pakiradam ang nararamdaman kong ito ngunit natatakot akong harapin sa kung ano ang magiging kabayaran ng tumitibok kong puso sa madayang tadhana. Natatakot akong harapin ang isang bagay na alam kong malapit nang dumating. Natatakot akong... tuluyang magising ang puso ko at mahulog ng hindi inaasahan sa isang hudyo.

Natatakot akong mag-kamali dahil lang nagmahal ako ng totoo... 


---------------------------------------------------------------------------------------------------------

ETO NA! Apologies for the late update. Busy lang awaitt HAHA

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon