Love by mistake

88 1 4
                                    

LOVE BY MISTAKE


CHAPTER 20




Tahimik lang kami ni Ezra sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho siya papunta sa apartment ko. Simula kanina pagkaalis ni Kuya hindi na niya ako kinausap. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa aming dalawa. Parang kahit na magkatabi kami sa frontseat ng kanyang sasakyan ay may malaking pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa. Nararamdaman ko ang pag-iwas niya dahil sa tuwing ako ay tumitingin sa kanya nag-iiwas siya ng tingin sa akin at titikhim. Seryoso rin ang tingin niya at panay ang buga ng buntong hininga. I didn't mean to assume pero sa inaasta niya nakikita kong unti unti ay... napapagod na siya. Nawawala ang suyo sa mga mata niya ng tingnan niya ako wala rin ang tamis ng ngiti niya ng ngitian niya ako.



Bago palang kaming dalawa pero perang napapagod na siya. Parang unti unti ko nang nararamdaman ang lamig niya. Ewan ko ba pero parang ayokong mapagod siya para sa aming dalawa. Lahat naman siguro ay ayaw nilang mapagod ang mga partner nila sa kanila pero tong sa akin ay hindi ko alam kung pagiging garapal dahil bukod sa ayokong mapagod siya ay gusto ko ring akin lang siya. I want him only for me.



I know it's toxic to lock your partner in your arms real tight but I don't want to let him go. I want him tattooed in my skin. I want him to stay. But how can I make him stay when he's this cold. Ayokong...mawala siya. Nilingon ko si Ezra. Malalim ang tingin niya sa kalsada at hindi manlang ako nililingon katulad noon. Pinagmasdan ko siyang maigi. Mula sa buhok, noo, ilong at labi niya kahit ang matangos niyang adams apple ay binigyan ko ng pansin. Sinundan ko rin ng tingin kahit ang mga ugat niya sa kamay. Okay pa ba kami?



"Patawad..." Bigla ay aniya.



Sa isang salita pa lang ay nag-init na kaagad ang ilalim ng mata ko. Ilang beses ako lumunok. Hindi parin siya tumitingin sa akin.



"Maraming mga bagay ang pinagsisisihan ko pero ang bagay na nangyari kanina ay..." Nakita kong lumunok siya.



"...ang pinaka pinagsisisihan ko kaya patawad."



"It's driving me crazy seeing the woman I only love in another man's arms." Dagdag pa niya. Hinagod ng kanyang kamay ang buhok niya bago iyon ginulo. Dapat na ba akong matakot? Saan ba pupunta ang sinasabi niyang ito? Matatapos na ba ang lahat? Mawawala na ba siya sa akin?



Marami akong tanong. Maraming mga tanong na hindi ko maitanong. Marami akong tanong na siya lang ang makakasagot ngunit wala akong lakas ng loob. Natatabunan ng lungkot ang lakas ng loob ko. Nakakapanghina na kung ang lahat ng ito ay matatapos lang ng dahil sa isang malabong pag-uusap.

Nakakaduwag ang salita niya. It's just words but those words were like some sharp knife tearing my heart apart.



"So I'm sorry for my sudden decision, my babi..." Natahimik kami ng sabihin niya iyon. Ako hinihintay ang kadugtong ng sasabihin niya at siya... na hindi ko alam kung pinag-iisipan ba ang sasabihin niya o ano. Itinabi niya ang pajero sa gilid ng kalsada. Hindi niya ako nilingon. Diretso ang tingin niya sa kalsada. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. Umaasa akong mali ang hinala kong sasabihin niya. Umaasa akong maganda ang sasabihin niya pero...



"Mavis... let's cool off."



Apat na salita pero parang nanghina ako. Inaasahan ko na pero hindi ganito. Gusto kong sampalin ang sarili ko ng ilang beses para paniwalain ang sarili kong panaginip lang ito na... hindi niya talaga ako papakawalan. Na hindi siya humihiling sa akin na magpalamig. Habang patagal ng patagal akong naka-titig sa kanya unti unti kong nari-realize na totoo ang lahat ng ito at hindi panaginip lang. Totoong humihiling siya sa akin na magpalamig muna. Totoong mawawala siya sa akin. Nandoon na naman sa isip ko ang mga tanong. Bakit? Ano bang mali? Anong bang nangyayari? Nanubig ang mata ko.



Nakatitig ako sa kanya habang tinatanong ang sarili ko kung anong naging mali? It's really painful to look at him pero hindi ko mapigilan. Kapag ba pumayag ako sa cool off na hinihiling niya magiging maayos ba ang lahat? Akin pa rin ba siya? Pero hindi ko kayang itanong sa kanya iyon. Alam kong kung nahihirapan ako ay mas nahihirapan siya.



Alam kong mangyayari ito pero hindi ko inaasahan naganito kaaga. Na ganito kabilis. Parang kahapon lang nang sinagot ko siya. Parang kalian lang ay ang sweet sweet niya. Really, even sweet things can cause you pain. Isang beses niya akong nilingon. Nang magtama ang mata namin ay ginawa ko ang lahat para huwag tumulo ang aking mga luha. Pero hindi ko mapigilan. Buong katawan ko ang nasasaktan. Nakita kong sinundan ng mata niya ang pagtulo ng luha ko. Nag-iwas siya ng tingin.



"Please wipe your tears. I can't afford to wipe those now." Nabasag ang boses niya ng sabihin niya ang panghuling salita. Nagsunod sunod ang pagtulo ng luha ko. Sa aking kahihiyan ay pinunasan ko iyon at nag-iwas ng tingin sa kanya. Inalo ko ang sarili ko at ng tumahan ako ay muli ko siyang nilingon. Tumango tango ako.



"Let's cool off, Ezra." Let's fix this, Ezra.



I secretly beg for him to fix this with me. Pero hindi lahat ng pinagmamakaawa ay pagbibigyan. Some begs were meant to ignore. Some things meant to ignore including pride and love. Mas mahihirapan kung magmamakaawa para sa pag-ibig. If it's real love you don't have to beg for it, it'll come to the right place and to the right time... to the right person. And for me... its only Ezra. My right place. My right time. My right person. Alam kong maayos pa namin ito. Hindi pa kami break we're just cooling off. Kailangan lang naming magpalamig at mag-isip.



Tumango tango si Ezra at binuhay ang makina ng sasakyan. It's just cool off. Kumbinsi ko sa sarili ko. Hindi rin magtatagal ang pagiisip na ito. We're strong and our love is not that fragile well overcome it. We just needed time. That's all I'm holding for now. The time. I'll wait for him. For just the time being I will let him think. Hihintayin ko siya hanggang makakaisip siya. It's better than blured relationship.


Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon