Love by mistake

135 2 0
                                    

"Let it go..." 

Pinipigilan ko ang sarili kong matawa sa tuwing naririnig kong sinasabayan ni Ezra si Elsa sa pagkanta ng Let it go. Halatang sinasabayan niya lang ang lyrics dahil may mga pagkakataong hindi niya na alam kung ano ang sunod na sasabihin. 

Nakakatawa na nakakahiya dahil sa tuwing lilingon ako ay puro bata ang nasa paligid namin. Hanep din dahil naka-formal dress ako at si Ezra naman ay naka polo shirt habang  nanonood ng Frozen. 

"Sing with me, babi. Let it go... let it go!" Hindi ko alam kung gaano kakapal ang mukha ni Ezra dahil sinadya niyang nilakasan ang wala sa tono niya pagkanta sa loob mismo ng sinehan. Yup makapal nga talaga ang mukha niya. Hindi na pala dapat nakakapag-taka. 

"Huwag ka ngang maingay." Saway ko sa kanya dahil sa mga batang ngumingiwi sa tuwing naririnig ang wala sa tono niyang pagkanta.

Pero imbes na makinig sa akin ay ngumiti lang ng malapad si Ezra saka ipinagpatuloy an pagkanta. Wala naman akong nagawa kundi ang pagmasdan siya habang malapad ang ngiting kumakanta. Oo, wala siya sa tono ngunit kahit na ganoon ay natutuwa parin ako para sa kanya. 

I never knew that the once Demon in my life can make me smile like this by his simple embarrassing stunts. Nakakatuwa kung gaano siya kakulit ngayon. Talagang hyper na hyper at parang hindi nauubusan ng energy. Para siyang bata at hindi isang twenty-eight years old na young businessman na matagal nang naburno sa loob ng opisina- katulad ng pagkakakilala ko sa kanya sa loob ng halos limang taon.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang itinayo. Napatungo ako dahil nahihiya ako sa mga batang nakamasid sa akin. Marahan niyang ibinaba ang kamay sa bewang ko saka ginalaw iyon sa tyempo na parang nagsasayaw.

"W-what are you doing?" 

"Dancing with my queen." He said while smiling cheekily.

Inikot niya ako saka niyakap. The warmth of his embrace makes me feel calm. Saka ko lamang naalalang may kasama nga pala kaming mga bata ng mistulang kinikilig ang ungol ng mga bata sa amin.

"YIEEEEEEEEE!"

"Woi stop na nakikita ng mga bata." Saway ko sa kanya.

"So?" 

"Anong so? Bad influence ka talaga." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka naiiling na umupo. Kahit madilim ay nakita ko kung paano humaba ang nguso niya.

"You like making me bitin, huh?" Napangisi naman ako sa kakonyohan niya.

"You like being conyo, huh?" Balik tanong ko sa kanya sa paraang ginagaya rin ang pang-uuyam sa huling salita. 

"Ewan ko sayong babae ka," Sabi niya na tila naiinis. Nilingon ko siya saka nakangiting tinawag ang pangalan niya, galit nga siguro siya dahil hindi manlang niya ako nilingon at nakatutok lang ang mata sa screen.

Nagtampo nga talaga ang damuho. Isip-isip ko. Hinayaan ko nalang si Ezra sa gusto niya at nanood nalang din. 

Wala pa namang ilang minuto ng tigilan ko siyang kulitin ay naramdaman ko muli ang pag-galaw ng kamay niya. Hindi gaya ng inaasahan ko hindi sa legs ko nagtungo ang kamay niya. Hindi rin siya umakbay dahil inabot niya lang ang kamay kong nakapatong sa hita ko saka pinag-laruan iyon.

"You, woman... is makin' me crazy." Aniya habang pinaglalaruan ang daliri ko.

"Paanong crazy?" Nangingiting tanong ko. 

"Ganito oh," Sabi niya saka umastang naduduling habang nakalabas ang mahaba  niyang dila, agad naman akong napahalakhak sa gesture niya. Aminado akong cute siya sa ginawa niya, ito yata iyong side niya na hindi alam ng iba at parang ako palang ang nakakakita. Ewan ko pero pakiramdam ko ay gano'n na nga.

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon