Love by mistake

367 4 0
                                    


“Maria Maviell Saphronia Monte Alegre, come to my office now!” Napapikit na lamang ako ng marinig ang galit ngunit malamig na boses ng aking amo. So pag galet kailangan full name, boss?

Nilingon ko ang antipatiko kong amo na ngayon ay naglalakad na pabalik sa kaniyang opisina na parang hindi isinigaw ang buong pangalan ko sa harap mismo ng mga empleyado niya. Magaling! Patay ako nito!

Hinawakan ni Missy ang balikat ko at sinabing, “Huwag kang mag- alala Mavis ipagdarasal ka namin.”

“Oo nga Mavis! Sumalangit nawa ang malandi mong kaluluwa!” Si Nicholas. At sinasabi ko na naman sa inyo ito na naman.

“Everybody?!”

“CONDOLENCE MAVIS! YOUR SOUL MAY REST IN PEACE!” Oh diba? Nakaka- touch diba? Kung may ganito kang kasama araw- araw baka timang kana kapag nag- resign ka.

Hindi ko na sila sinagot at dumeretso nalang sa opisina ng amo ko. Pagkapasok na pagkapasok ko palang...

“Why in the damn hell you're not answering my fvcking calls and messages Ms. Monte Alegre!?” Galit ang tono niya ngunit nananatiling malamig ang boses niya. Wala parin 'yong emosyon at parang nyebe. Medyo nagtaka lang ako dahil parang napaka- big deal ng hindi ko pag- sagot sa mga tawag niya e dati ko na namang hindi parati sinasagot ang tawag niya.

Hmmp paniguradong kaya lang siya ganito dahil may nakita akong ginawa niya!

“And since when did you care Mr. Lincoln?” Malamig rin ang tono ko't walang emosyon katulad niya. May mga pag- uusap talaga kaming parehas kaming walang emosyon o dikaya naman ay parehas malamig, meron namang makulit ako samantalang siya ay tahimik, meron ding parehas kaming pilosopo at meron namang professional. Pero ngayon malamig kaming parehas. Ma- pride kaming parehas ngunit kumpara sa kanya mas mababa ang sa akin. Alam ko kung kailan dapat sumuko at magpatuloy samantalang siya ay unang talo pa lamang ay kaagad nang sumusuko.

We're too opposite to each other. Iba ang lahat sa amin. Ang mga bagay na gusto naming ginagawa, ang mga paburitong pagkain, ang mga paburitong mga bagay, kulay, brand ng mga kagamitan at higit sa lahat magkaibang magkaiba kami ng ugali. I'm contented and he is not. But who cares? We don't know each other. Ang tanging alam lang namin sa isa't isa ay ako ang secretary niya at siya naman ang boss ko. Simple platonic relationship. Wala akong nararamdaman para sa kanya at ganun rin sa akin.

“Damn it...” Pakinig kong bulong niya.

“Anything you want to say boss.” I looked at his eyes cold and icy. Hirap na hirap akong basahin ang mga emosyon sa kaniyang mga mata. Bukod kasi sa maitim iyon ay matatalim pa. Parang palagi kang may nagawang mali kung titig siya kaya hindi mo kakayaning makipag- titigan sa kaniya. Pero ngayon kaya ko.

Diretso ang titig ko sa kanya at hindi kumukurap samantalang siya naman ay iginagala ang mata sa buong katawan ko, mula ulo hanggang paa, mula sa bawat hibla ng buhok ko hanggang sa makintab na dulo ng doll shoes ko. Meganon? Pag- nabara kailangan i- head- to- foot? Meganon boss?

He sighed. Ay waw parang problemadong problemado sa akin boss ah? Kasalanan ko?

“About yesterday--” Pinutol ko ang iba pang sasabihin niya. Jusko Yyung ungol mo boss hindi ako pinatulog walangya ka! 'Yan ang gusto kong isigaw sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili ko. Kalma bes baka pugutan ka niyan ng ulo!

Alam ko na to e! Napaghandaan ko na 'to kanina pa!

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon