Love by mistake

507 11 2
                                    

Alas dos ng umaga. Gising ako't parang timang na nakatulala sa kisame ng kwarto ko. Iniisip ko kung papasok ba ako ngayong araw o liliban? Kung magpapakita ba ako sa boss ko o magtatago? Pagkatapos kasi ng nangyari kagabi ay naiilang na ako sa tuwing iisipin kong magkikita kami ng boss ko.

Medyo na- ilang ako sa kanya dahil parang kasalanan na nakita ko siya sa ganoong postura. Napalunok ako ng maalala kung paano siya dumaing habang nasa loob ng babae. Shet ka Mavis!

Nakakahiya talaga ako sa ginawa ko. Kung kumatok ba naman kasi ako edi sana walang problema ngayon?

Tumatawag kaya siya?

Bigla ay naitanong ko. Posible kayang balatan niya ako ng buhay dahil sa ginawa ko? Paano kung sisantihin niya ako!? Naiisip ko palang ang mukha niya habang pinapagalitan ako ay napapapikit na ako. Daig pa kasi niya ang dragon na nambubuga ng apoy sa tuwing galit. Susmaryosep!

Dahil sa sobrang, hindi ko maintindihan kung na- cu- curios ba ako o sadyang wala lang. Bakit ba trip ko lang. Binuksan ko ang cellphone ko't tiningnan kung tumatawag ba siya sa akin.

Sa gulat ko ay halos maitapon ko ang cellphone na hawak.

110 missed calls? 150 unread messages!? What in the world?!

Tibay niya naman. Ani ng isip ko. Sinong mag- aakalang ang masungit at antipatiko kong amo ay mag- te- text sa akin ng ganito.

Binasa ko ang huli niyang text dahil nga alam niyo naman tamad ang protagonist ganun talaga.

Look I'm sorry sa nakita mo. Just be professional and forget what happened.

Kahit sa text lang ay ramdam ko ang lamig sa kaniya. Ewan ko ba riyan sa boss ko. Gwapo naman, mayaman, habulin ng babae, malakas ang sex appeal pero parang hindi kuntento sa buhay.

Sabagay, people have different principles. Maaring para sa akin ay kasiyahan na ang mabuhay ng isa pang araw marahil sa iba ay hindi. Minsan kasi may mga bagay tayong hinihiling na mapa- sa- atin pero pinagkakait 'yong ibigay ng diyos dahil alam niyang may iba pang bagay na mas deserve natin. It's not about what we want, it was all about what gods plan.

Kaya nga ang hirap manghusga lalo na kung 'yong huhusgahan mo ay hindi mo talaga kilala. It's not a good thing to judge someone you don't know too well. Pwede kasing nagkamali lang yung tao. There is nothing's wrong having a mistake. Hindi tayo perpekto kaya hindi tayo pwedeng manghusga sa ibang taong depekto. Masamang manghusga lalo na kung hindi ka naman perpekto.

Because there is no such a thing like PERFECT, even the robots has imperfections.

Pero hindi ko naman talaga masisisi ang mga tao. Kagaya ng sabi ko walang taong perpekto lahat tayo may depekto, darating talaga tayo dun sa mga oras na huhusga at huhusga tayo sa ibang tao. Kagaya ko. Mapanghusga rin ako, e.

Sa sobrang kapal ng mukha ko (Pero mas makapal yung mukha mo. Ahihi chars.) Minsan wala rin  akong pake kung may nahuhusgahan akong ibang tao. Pero talagang ganun ang buhay. Hindi natin alam minsan may nasasaktan na pala tayo dahil lang sa panghuhusga natin.

Pero dahil makapal nga talagang tunay ang mukha ko 'No comment' nalang. Hihi. Kayo na humusga. Taas ang dalawang paa sabay sabi ng ugh! kung sang- ayon ka sa sinasabi ko.

“Hindi mapigil ang bugso ng aking puso...

Sa tuwing ako'y papalapit sayo...

Maaari bang hingin ang iyong kamay?...

Hawakan mo't 'wag mong bitawan...”

Umalingaw- ngaw ang nakakabighaning tinig ng bokolista ng bandang December Avenue. Napaka sarap niyong pakinggan. Ang mabagal niyong tono ay nakakahumaling. Kahit ang masasakit niyong liriko ay talagang binabago ng ganda at marahang sonota ng kanta.

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon