Love by mistake

199 3 0
                                    


Nagising ako dahil sa isang hiningang nangingiliti sa aking pisngi. Unti unti kong imunulat ang aking mata. Umaga na! Medyo inaantok na ako pero dahil sanay ang body clock kong gumising sa kaparehong oras kaya hindi na ako makabalik sa pagtulog. Ilang sandali akong tumitig sa kisame bago natauhan. Shit!

Mabilis akong napaingon sa tabi ko. Katabi ko parin si Ezra! At tulog na tulog ang damuho! Wala sa sarili akongg napangiti ng mapagmasdan ko ng malapitan ang kanyang mukha. Malinis 'yon. Tangging ang makapal na kilay niya lamang ang nagpapagulo pero hindi ko rin namang matawag na sagabal 'yon dahil mas lalo siyang gumuguwapo sa makapal niyang kilay. Lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Pinag-aralan ko lalo ang mukha niya.

Sa likod ng talukap ng mga mata niya nahihimlay ang nanlilisik at itim na itim niyang mga mata. Tumaas ang kamay ko para haplusin ang manipis niyang ilong at bumaba iyon sa hugis pusong pulang pula niyang labi. Napangiti ako ng marinig ang mahinang tunog na ginagawa niya habang natutulog. Bumibilis ang puso ko habang nakatitig sa kanya habang natutulog siya. Mukha siyang modelo. Napaka perpekto ng itsura niya at walang maipipintas. Nakakaninggit na nakakainis. Kahit yata anong anggulo ang tingnan ko gwapo parin siya.

"I love you." Nanlaki ang mata ko nang bigla ay magsalita si Ezra. Nalaglag ang panga ako at para akong nag-yelo. Tumibok ng napaka-lakas ang puso ko, walang tigil, walang pagod. Naramdaman ko ang pagpilipit ng tyan ko sa sobrang kilig sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Sobra sa inaakala kong damdamin ang naibibigay niya sa akin. Para akong mauutas sa sobrang lakas ng pagmamahal ko sa kanya. Ewan ko ba, wala pa mang kami ay ganito na ako sa kanya paano pa kaya kung maging kami na? Baka maihi na ako kapag nag I love you siya -with label.

"Good morning." Ganting bulong ko, bahagyang namumula at halos mamilipit sa sobrang kilig na nadarama.

Nagmulat siya ng mga mata. Agad na tumuon sa akin ang nanlilisik niyang mga mata. Bahagya akong napanguso.

"I said I love you." Ulit niya. Napabungisngis ako sa inis sa tono niya.

"I love you--" Naudlot ang pagtugon ko ng may sumigaw sa kaharap naming bahay. Si Mang Totoy na naman.

"Hoy, umaga na. Parang awa niyo na! Mag-agahan muna kayo! Aga aga naglalandian." Sigaw ni Mang Totoy sa harap ng apartment ko. Bitter niya!

Nagkahalakhakan kami ni Ezra. Parehas na nanliit ang mga mata sa maliit na dahilan. Gusto kong manatili rito. Kung saan ang panaginip ay malayang natutupad. Gusto ko rito kung saan wala akong pinoproblema. Yung siya lang ayos na ako. Gusto kong manatili sa ganito, na kahit ang bagabag ay hindi ko na maiisip pa dahil siya lang sapat na. Sana tumagal. Kahit walang label, basta tumagal.

Napatili ako ng biglang kumubabaw sa akin si Ezra. Tinampal ko ang braso niya sa gulat. Agad naman siyang napahalakhak at lumapat ang labi sa aking pisngi. Ang init ng kanyang halik sa aking pisngi ay umabot sa kailaliman ng laman ko at tila kinuryente ang mga bagay bagay na napapaibabaw roon. Napangiti ako. Pisngi palang ay kilig na kilig na ako paano pa kaya kung sa labi na mismo at hindi lang basta dampi? Baka sumabog na ako sa sobrang kilig.

"Good morning, babi. I love you." Aniya saka humalik ulit sa pisngi ko at tumayo sa paanan ko. Nagtataka ko siyang pinagmasdan ngunit agad na nawala sa kanya ang atensyon ko dahil napansin ko na naman ang suot niya. Napahalakhak ako dahilan para mapasimangot siya.

"I really have this gut feeling na kaya mo pinasuot 'to sa akin ay para pagtawanan ako." Lukot ang mukha aniya. Lalo akong napahalakhak.

"You're cute." Sabi ko. Agad na namula ang mataba niyang pisngi at dali daling tumungo.

Nakanguso siyang naglakad papalapit sa akin bago bigaan akong kinarga. Napahiyaw ako sa gulat, humalakhak naman siya. Ako naman ang ngumuso at nalukot ang mukha. Dinala niya ako sa kusina at ipinatong sa island counter bago hinalikan sa pisngi at tumalikod saka nagluto. Nangingiti kong pinagmasdan ang likod niya. Malapad ang balikat niya at halos pumutok ang braso ng sout niyang pang-itaas na pajamas dahil sa ma-muscle niyang braso. Lalo pa akong napangiti ng bumaba ang paningin ko sa pwet niya. Humalakhak ako nang mapansing may kalakihan iyon at mas lalo pang nadepina dahil sikip ang pajamas na suot niya. Yung hati mga mars!

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon