Love by mistake

167 7 0
                                    

A/N; Sorry sa late update hehe... bale two chapter ang maipo-post ko ngayon. Isa ngayon and isa mamaya. At kapag sinipag meron ulit bukas siguro mga lima ngayong week at ewan ko na sa susunod HAHA BTW enjoy reading!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I was so worn out when I left the office with much paperwork. Nakakapagod ang buong araw ko ngayon, simula umaga hanggang hapon wala akong ginawa kundi gumawa ng appointment, mag-basa ng report at  umattend sa mga meeting sa iba't ibang branch ng GMall. Isa pa sa mga ikinasakit ng cells ko ay si Ezra na pinuno ng maraming white roses ang loob ng cubicle ko, halos mag-mukhang dagat ng puting rosas ang cubicle ko dahil sa ginawa ng lalaking iyon. Aminado naman ako na medyo nakakakilig ang ginawa niya ngunit medyo nakakainis rin dahil hirap na hirap akong lumabas sa cubicle ko sa tuwing may papapirmahan akong papeles sa kanya.

Nag-inat inat muna ako ng maka-labas sa lobby ng kompanya. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa sobrang stress at sobrang sakit ng likod at katawan ko na animong bugbog sarado. Masakit rin ang paa kong nagkaroon ng paltos dahil pabalik-balik ako sa iba't ibang sulok ng kompanya.

Isang hagikhik ang nagpatigil sa pag-iinat inat ko. Mabilis akong napabaling sa kung sino ang humagikhik at nag-init ang ulo ko ng mapag-sino 'yon. Masama ang mukhang pinukol ko ng tingin si Ezra na ngiting-ngiti habang pinapanood ako sa pag-iinat. Ang kalahati sa akin ay nahihiya dahil nakita niya ako sa ganoong ayos ngunit mas lamang ang kalahating inis na nararamdaman ko sa kanya dahil nakukuha niya pa akong tawanan samantalang nakikita naman niya kung gaano ako kapagod.

Manhid ang animal!

Nakita kong ibinuga niya ang kulay grey na usok na nanggagaling sa sigarilyong hinihithit niya. Napangiw ako sa nasaksihan. Ayoko talaga sa lalaking naninigarilyo, knowing the risk that he might get to that smokey thing, I feel so disgusted. Muli pa siyang humithit ng sigaryo saka iyon itinapon at tinapakan.

"What?" Inosenteng tanong niya sa akin.

"You do realize that smoking is dangerous, yeah?" Malditang ani ko 'saka siya inirapan at nilampasan.

"Hey, babi, what did I do?!" Sigaw niya ng malampasan ko. Hindi ko siya nilingon kahit ang gwapo gwapo niya sa pagkakasandal sa itim niyang mercedes.

"I don't like seeing someone smoking in front of me." Malamig na sabi ko ng hindi manlang siya nililingon.

Simula ng makilala ko si Ezra ay alam ko nang naninigariyo siya. Of course I know that. Uma-umaga kong itinatapon ang upos ng sigariyo na nakatambak sa ashtray na nakapatong lagi sa lamesa niya. Nakakapagtakang napapansin ko iyon ngayon, noon kasi ay kahit makita ko siyang manigarilyo sa harap ko ay wala talaga akong pakialam pero ngayon nag-iba bigla. Bigla kong napansin. Bigla kong pinansin. Alam kong masamang pakialaman ang buhay ng iba pero ewan ko ba, ngayon ay parang ayaw ko na mapasama siya. Nakakalito!

"Okay, fine. I'll stop smoking, is t okay now? Hmm?"

Hindi ako umimik dahil drain na drain na talaga ang energy ko dahil sa dami kong trinabaho ngayong araw at sa tingin ko ay lalagnatin yata ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Narinig ko ang mga yabag niya sa likod ko. Maya maya ay tumigil iyon at may biglang yumakap sa akin mula sa likod! Ipinatong niya ang baba sa balikat ko dahil masyado siyang matangkad ay kinailangan niya pang-magadjust para umabot ang baba niya sa balikat ko.

"You're that tired, huh?" Bulong niya. Nanindig ang balahibo ko sa kakaibang kiliti ang bumalot sa sistema ko dahil sa ginawa niyang pagbulong. Medyo binaklas ko ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko dahil hindi ako kumportable sa posisyon naming dalawa lalo na at nasa public place kami. Nakakahiya!

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon