Love by mistake

116 0 0
                                    

Warning! Medyo SPG. Sexual! Kung sensitive ka antay ka nalang ulit ng update HAHA

Sorry for my late updates. I've been struggling with writing because of my busy schedule and my modules. Ewan ko kung kailan matatapos to HAHA. Pinagsisiksikan ko na nga lang yung pagsusulat sa vacant time ko. Pls. Understand! And thank you all for supporting and reading my stories. I promise to keep it up lalo na sa mga nag vo vote. Magtutuloy tuloy din ang update ko. Bantay lang kayo HAHA

------------------------------------------------------------

“Wake up sleepy head”

Boses iyon ni Ezra na nakagisnan ko. Kanina pa ako gising pero hindi ko iminulat ang mata ko dahil pakiramdam ko ay antok na antok pa rin ako. Kung wala ang lalaking ito na ngayon ay paulit-ulit na humahalik sa sa sentido ko ay wala akong balak na bumangon. Wala ako sa mood pumasok pero dahil lunes ngayon ay kailangan kong tiisin ang antok.

Kakamulat ko palang ay mukha na niya ang sumalubong sa bagong gising kong paningin. Matiim ko siyang pinagmasdan.

Nakakahangang kahit sa umaga ay wala paring pinagbago ang mukha niya. Sa katunayan nga ay mas lalo pa siyang gumuwapo sa paningin ko. Mukha siyang prinsipe kahit pa nga ang gulo gulo na ng kulot niyang buhok.

“Matunaw.” Biro pa niya.

“Arte,” Pigil ang ngising ani ko.

“I love you” Si Ezra.

“Good morning,” Sabi ko dahilan ng paghaba ng nguso niya.

“I said I love you.” Nagsalubong ang kilay niya at hindi mahulaan kung naiinis ba o nang-aasar lang din.

“me too.” sagot ko na mas lalong nakapag-pasalubong ng kilay niya.

“damn it!” naiinis sa aniya. Napahalakhak ako nang makita ang reaksyon niya para siyang batang hindi nabigyan ng gustong candy, napaka-arte.

“Para lang bata, Ezra.” Natatawang pansin ko sa ugali niya. Tiningnan niya ako ng masama saka kinubabawan. Bagaman nagulat ay hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makatili.

“Why? Beacause I'm your baby?” Nakangising balik na panunudyo niya habang nilalapit ang mukha sa mukha ko.

“asa,” I scoffed.

Nandilim ang sadyang madilim niyang mga mata at mabilis na bumaba ang labi sa tapat ng labi ko. Gahibla na lang ang layo no'n pero halatang wala siyang balak na paghinangin ang aming mga labi. Sinubukan ko siyang tudyuin sa pamamagitan ng lalong paglapit ng labi ko sa labi niya pero ako rin ang napipikon dahil inismiran niya lang ako habang inilayo ang labi niya sa akin. Sadyang balak niyang kuhanin iyon sa tamang panahon, nakakahangang nakakapikon. Sa aming dalawa ay parang siya ang babae at ako ang lalaking sabik sa pagkakapat ng mga labi namin na parang manyakis. Yuck Mavis wala kang pride!

“Alis!” Lalo lang siyang ngumisi bago lumapat ang labi sa sentido ko pero masasabi kong kakaiba ang halik niya ngayon kaysa noong mga nauna. Kung noon ay kilig ang nararamdaman ko ngayon ay pinaghalong kilig at kiliti lalo na nang bumaba ang halik niya sa pandinig ko hanggang sa makarating sa panga ko at bumaba sa leeg ko. Hindi ko inaasahan ang tunog na manggagaling sa bibig ko ng bumaba ang halik niya sa collarbone ko. Kasabay ng tunog ay ang paglabas ng dila niya at paglapat niyon sa balat ko.

Kumuyom ang kamao ko kasabay ng hindi maipaliwanag na sensansyong lumulukob sa buo kong pagkatao. Halos mapasabunot ako sa buhok niya nang laglandasin niya ang dila sa kahabaan ng nakalitaw kong buto. Sunod sunod ang laglabas ng kakaibang tunog na nanggagaling sa bibig ko. Sa kahihiyan ay sinubukan kong takpan ang bibig ko ngunit hindi 'yon naging sapat dahil nakakatakas rin ang munting mga daing.

“S-shit, E-Ezra! Hmp!” Lalo akong napahiyaw nang kagatin niya at sipsipin ang balat ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pinagpapawisan ako at nagpapabiling biling ang ulo at animo'y hindi kumportable sa pagkakahiga. Habol ko ang hininga ko bagaman hindi naman ako tumakbo. Nanunuyo ang lalamunan ko kahit na mahina lang ang lumalabas na tinig mula sa bibig ko.

Bumaba ang kamay ni Ezra sa bewang ko at pinisil ng pinisil ang lamang naroon na parang ganoong paraan niya pinipigilan ang sarili sa paglabag sa ipinangako niya. Napaawang ang labi ko nang sa wakas ay tumigil na siya. Ramdam ko ang init ng katawan ko, pati narin ang pagtulo ng pawis ko, kahit ang mabilis na pintig ng puso ko ay alam na alam ko.

Kapos ang hininga at kagat ang labing tumitig ako kay Ezra. Nakita kong panay ang paglunok niya at gaya ko ay habol rin ang hininga na para bang sabay kaming tumakbo ng malayong dalawa.

Kakaiba ang kislap ng mata niya, tila nangungusap bagamat humihingi ng tawad.

“I'm sorry... I dig in deep too much,” Malalim ang boses na aniya na kahit na habol parin ang hininga hindi parin nawawala ang ganda at baritono ng boses niya.

Wala akong masabi, naghahalo ang hiya at kiliti sa kaibuturan ko. Nag-iinit ang pisngi ko at paliramdam ko ay nag-aapoy sa init ang katawan ko.

“Shhh, don't be embarassed it's my fault.” Hinalikan niya ang noo ko bago umupo sa tabi ko para haplusin ang mukha ko. Hindi pa siya naliligo pero dikit na dikit pa rin sa katawan niya ang mabango niyang pabango.

Bigla akong napabangon nang maalalang ni hindi pa ako nakakapag-toothbrush at hilamos!

Dali dali akong pumasok sa banyo at doon nag sepilyo at nanghilamos. Kingina Mavis kinaya mo yun? 'Di ka na nahiya talagang umungol ka pa!

Sinampal sampal ko ang sarili ko habang nakaharap sa salamin na nakasabit sa lababo sa loob ng banyo.

“Dude, napaka-hangal mo naman 'di ka manlang nag-time-freeze para mag sepilyo at maghilamos bago ka umungol ng umungol! Tanga tanga ka talaga, Mav. Toothbrush muna bago landi, ha? Hakdog.”

Napalingon ako sa pinto at akmang bubuksan 'yon nang pumasok na naman sa isip ko kung paano ako umungol. Nainuntog ko ang noo ko sa pader dahil sa kahihiyan.

“Paano ako ngayon haharap sa jowa ko pagkatapos kong umungol ng mabaho ang hininga?” Nag-wall-ing wall-ing pa ako dahil sa sobrang kahihiyan.

“Psh. Okay lang yun boyfriend mo naman, sis.” Lumingon ulit ako sa pinto at naiuntog na naman sa pader ang ulo ko nang hindi ko talaga kinayang buksan.

“Hindi ko talaga kaya! Mamatay ako sa kahihiyan!” Naiiyak kong sigaw sa sarili kong repleksiyon.

Nangatngat ko ang kuko ko nang kumatok na si Ezra sa pinto. This is it buksan mo na! Umasta na naman akong bubuksan pero hindi ko talaga magawa.

“Arrrgggghhhhh! Nakakahiya!” Pero masarap!

“Babi? You okay in there?” Sigaw ni Ezra sa labas. Lumunok muna ako ng lumunok bago nagsalita.

“A-ah okay naman ako... okay naman ako,” 'Di ako okay! Paano ako magiging okay eh bad breath nga ako nung umungol ako? Tang'ina!

“You sure?” Paninigurado ni Ezra.

“Uhhhh, Oo, o-okay lang ako. Okay pa 'ko...” Napapapikit kong sagot.

“Ah, okay. Come out now we need to eat we're two minutes late, babi.” Nanginig ako sa sinabi niya. Putang'ina puyat na nga ako 'tas umungol pa ako ng 'di pa nakakapag-sepilyo tapos ngayon naman late na 'ko sa trabaho! Napaka-gandang araw!

Kahit nag-iinit ang mukha pinilit ko ang sarili kong lumabas ng banyo. Sumalubong kaagad sa akin si Ezra na naka pajama at maganda ang  ngiti. Nagbaba ako ng tingin nang hindi ko kinayang makipagtitigan sa kanya. Naalala ko ulit, e!

“Why my babi's cheek were flaming red?Are you sick? Hmmm?” Napangiwi ako nang mapansin ni Ezra ang namumula kong pisngi. Anong sick? Nahihiya ako gago!

“Ulol.” pagmumura ko sa kanya. Alam kong alam niya ang dahilan ng pamumula ko. Kaya niya lang naman ako tinatanong dahil gusto niya lang mang-asar. Gago siya!

Humalakhak si Ezra. Sabi na nga ba. Gago talaga. Sumama ang mukha ko at lalong namula ang pisngi.

Napalunok ako nang bigla siyang lumapit sa 'kin. Para akong napaso lalo na nang inilapit niya ang bibig sa tainga ko at marahang bumulong.

“I like what I tasted earlier,” Dinilaan niya ang gilid ng tainga ko na nakapag-panginig sa akin ng husto. “... makes me wanna taste more of you later.”

Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko ay matutumba ako sa pagkakaupo ko. Kung mainit na ang pakiramdam ko kanina lalo pa akong nag-init ngayong narinig ang sinabi niya. Ilang beses akong lumunok hanggang sa pakiramdam ko ay natuyuan na ako ng laway.

Sunod sunod ang naging pagsubo ko lalo na nang marinig ko ang nanunudyong halakhak ni  Ezra. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin habang siya naman ay inismiran lang ako at dinilaan ang gilid ng labi bago 'yon kinagat. Lalong namula ang dati na niyang mapupulang labi.

“Hmm... you want a kiss?” Hindi ko inaasahang sasabihin niya. Sa sobrang hiya ay napatayo ako at dire-diretso sa banyo para maligo. Kahit na matagal na akong nasa loob at nagbubuhos rinig na rinig ko pa rin ang baritonong pagtawa niya.

Tang'ina!

Nakatitig ako sa kanya habang gumagalaw ang braso niya habang minamaneho ang pajero niya. He look so clean in his white v neck t shirt hindi niya sinuot ang coat at sinampay lang 'yon sa likod ng kanyang upuan. Habang ang mahaba at kulot niya buhok ay naka-lugar at paulit-ulit niya hinahawi dahil natatakpan ang mata niya habang nagmamaneho.

Napahalakhak ako. Tinulungan ko siyang ayusin ang buhok niya. Hinagip ko ang mahaba niyang buhok at pinagsiklop 'yon. Kumuha ako ng pangpusod at hinigpitan ang buhok niya. Nakangiti na siya ng mag angat ako ng tingin. Ngayon ko lang napansin na hindi nadala ang lahat sa pagtali. May kaunting naligaw pero hindi 'yon naging sagabal para pumangit ang gwapong mukha ni Ezra.

“Ang pangit mo,” Kabaligtaran ng iniisip ko ang sinabi ko.

Nawala ang ngisi niya at napalitan 'yon ng ngiwi. Itinabi niya ang pajero tsaka ako nilingon.

“Ba't ka huminto?”

“Accident.” tipid na sagot niya. Lumapit ang mukha niya sa akin. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Napalunok ako. Tang'ina Mavis!

Napapikit ako ng halos maglapat na ang labi namin. Pero tang'ina ako rin ang napahiya. Sa tagal kong hinintay ang labi niya hihilahin niya lang pala ang seat belt na nakalimutan kong ikabit kanina. Nakita ko ang pagkurba ng ngisi niya. Nag-init ang pisngi ko at dangling napaiwas ng tingin. Nakakahiya!

“You forgot to wear your seat belt.” nagpipigil na aniya. Ngumuso ako.

Muli niya pinatunog ang pajero at minamaneho 'yon patungo sa pamilyar na daan ng kompanya niya. Tuktok ang mata niya sa daan samantalang kung saan saan ako tumitingin para lang maiwasan ang nanunudyong hanging bumabalot sa amin.

“Ano ba?!” Napipikang sigaw ko sa kanya.

Inosente niya akong nilingon. Tsaka tatawa tawang nag-iwas ng tingin. Lalong nalukot ang mukha ko.

“Bwisit ka!” Hinampas ko ang braso niya. Sumimangot ako saka humalukipkip. Pasimple namang nagtakip ng bibig si Ezra. He's definitely enjoying this one! Hindi ko siya kinausap hanggang makarating kami sa parking lot ng building niya.

Maayos niyang pinaparada ang sasakyan sa pajero. Pagkaparada at walang pasabi na akong natanggal ng seat belt at bumaba. Naririnig kong tinatawag niya ang aking pangalan pero dahil sa inis ay hindi ko siya nilingon. Manigas ka!

Agad na bumati si Manong guard na lalaking lalaking nagbabantay sa entrance ng building. Sus para 'di ko kilala. Dire-diretso ako sa elevator. Umabot pa si Ezra kaya makasabay kaming umakyat sa fourteenth floor. Paulit-ulit na hinuhuli ni Ezra ang kamay ko pero mabilis ako at naitatago ko na 'yon bago niya pa mahagip.

“Babi...” Malambing na bulong niya. Naglakad siya papalapit lalo sa akin. Niyapos niya kaagad ang bewang ko at paulit-ulit na hinalikan ang sentido ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong madarang sa kalandian niya at nagtagumpay ako.

Tumunog ang elevator hudyat ng pagdating namin sa aming designated floors. Dali dali akong lumabas at naglakad papunta sa cubicle ko. Panay ang tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin.

Hindi ako natuloy sa pagpasok sa loob ng cubicle ko.

“Mavis!”

Isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Kunot noo kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Halos matumba ako ng mapagtanto kung sino ang matangkad na lalaking nakatayo isang dipa ang layo sa akin.

“Bitch!”

Sabay kaming napasigaw at sinalubong ang isa't isa ng mahigpit na yakap. Mangiyak ngiyak ako habang yakap si Raijan. Napahalakhak naman ang siya nang kumalas. Pinahid niya ang ilang butil ng luhang nalaglag sa mga mata ko.

“'Musta? Lalo kang pumangit, ah!”

“Ulol!” Nagyakap ulit kami ni Raijan. Tumalon talon pa kami dahil sa sobrang kasiyahan. Naputol lang ang aming pagyayakapan nang may tumikhim. Sabay naming nilingon si Ezra na nakataas ang kilay at madilim ang mukha.

Mabilis kaming nagtulakan ni Raijan. Naglakad ako palapit kay Ezra. Si Raijan ay inayos ang suot na coat at hinagod ang buhok niyang naka-under cut ang gupit. May suot siya kulay itim na long sleeve polo shirt at itim ring coat at slacks pati sapatos niya ay makitab na itim.

Dahil sa maitim niyang suot lumilitaw ang maputi niyang kulay at mamula mula niyang pisngi at labi. Gwapong gwapo.

“Sino siya?” Malamig na tanong ni Ezra. Sinilip ko ang mukha niya. Madilim iyon at salubong na salubong ang makapal na kilay.

“Uh, si Raijan La...” Hindi ako natuloy dahil si Raijan na mismo ang lumapit kay Ezra. Hinila niya ang braso ko dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. He extended his arms and offered a shake hand to Ezra.

“I'm Raijan La...” Napahiyaw ako nang biglang umigting ang panga ni Ezra kasabay ng pag igkas ng kanyang kamao. Tumalsik si Raijan. Dumudugo ang kanyang labi ng mag angat ng tingin. There's no trace of his friendly mood, coldness is now visible on his aura.

“I didn't ask you so don't bother answering!” Natatagis any bagang na sigaw ni Ezra. Naestatwa ako. Hindi ako makakilos para madaluhan si Raijan o kaya naman ay pigilan si Ezra. Para akong nanonood ng live boxing at kasalukuyang nakatumba ang isang manlalaro.

Tumayo si Raijan. Marahan niyang pinagpagan ang sarili. Bagaman may halong panunudyo hindi nababakas sa kanyang mukha ang pagbibiro. Kilala ko si Raijan. I know his limits. Hindi siya pumapatol kahit na saktan pa siya. Mahaba ang pasensya niya at matindi ang pagtitimpi. Inuna niyang umintindi kaysa magalit. He's the type of person who always choose to be rationale than to be irrational. He can endure. Alam niya kung paano mag paraya para sa iba. Parehas siya kung mag desisyon.

“Dude, I think you're thinking--” Muling tumalsik si Raijan. Nang muli siyang tumayo ay pinahiran na niya ang dugo sa labi niya. Napangiwi ako.

“Ezra!” tawag pansin ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Nilapitan niya si Raijan at kinuwelyohan.

“Ezra!”

Nawawalan na ako ng pag asa. Masyado siyang galit para pansinin ang girlfriend niya. Sira ulo!

“Babi!” Agad niya akong nilingon. Wala ng bakas ng galit ang mukha niya. Nakangiti pa ang damuho na parang walang nangyari. Tuluyan niyang tinalikuran ang nakalagmak na si Raijan at naglalambing na niyakap ako.

“Hmmm,” inosente niyang ungol nang makita ang matalim kong tingin. Gumapang papalapit sa akin si Raijan at nang makalapit ay kumapit sa binti ko para makatayo. Agad na sinipa ni Ezra ang kamay ni Raijan sa binti ko.

“Mav, tulong...” ungot ni Raijan. Muling sinipa ni Ezra ang kamay ni Raijan. Titingnan ko sana siya nang pinilit niyang ibinalik ang paningin ko sa kaniya.

“Do you need something? Hmmm?” Sinamaan ko ng tingin si Ezra. Piningot ko siya't hinila papasok sa opisina niya. Marahas ko siyang itinulak paupo sa swivel chair. Tinaasan ko siya ng kilay at tsaka ako humalukipkip.

“Go on work your ass, boyfriend.” Utos ko sa kanya. Nalukot ang mukha ni Ezra. Nakasimangot niyang inabot ang isa sa mga nakapatas na folder at nag umpisa nang basahin 'yon.

Matiim ko siyang tinitigan habang nagtatrabaho. Siya yung nakasimangot na lalong gumagwapo. Kailan kaya magiging pangit ang kurimaw na 'to? Parang ang unfair naman kasi. Ako mismo alam ko kapag nag ta trabaho ako mukha akong nalulong sa droga sa sobrang stress samantalang ganyan yung mukha niya habang nag ta trabaho. Parang naliligo lang. tsk.

Ilang minuto akong nakatayo lang sa harap niya bago ako pumunta na sa cubicle ko at nag umpisa nang magtrabaho. Inuna ko munang gawin ang mga appointment ni Ezra para bukas. Mabilis ko naman 'yong natapos at sinunod ko na kaagad ang mga papeles na sadyang dinadaan muna sa akin bago kay Ezra para masala ang mga hindi naman kailangang mga reports at kung ano ano pang burloloy na alam ng mga negosyante.

Stress!

Nag angat ako ng tingin ng may tumikhim sa harap ko. Nakita ko si Ezra na naka sandal sa pinto ng cubicle ko at diretsong naka titig sa akin. Nag iwas ako ng tingin nang maasiwa. Naglakad siya papalapit sa akin. Habang ako naman ay nililigpit ang kalat sa lamesa ko. Nang muli ko siyang tingnan ay mahaba na ang nguso niya. Napakunot ako.

“What?”

“I'm starting to get jealous to your work.” Nakangusong sinabi niya. Naguluhan ako. Kailan pa naging dahilan ng isang mortal ang pagseselos sa trabaho? Adik na yata 'to, e. “Imagine you left me,” Tinuro niya ang sarili. “your boyfriend in my office for your work? Ha!”

Napangiwi ako sa tinuran niya. Sira ulo na talaga. Umiling iling ako at tumulala nalang. Napa tsk naman si Ezra bago naglapag ng tatlong patong na stainless lunch box. Isa isa niya itong binuklat. Kaagad na maglaway ang bagang ko ng makita ang nakahain sa harap ko. Sa unang lunch box nakalagay ang kanin na siksik sa loob ng lunch box. Sa pangalawa nakalagay ang fried chicken na amoy na amoy ang sarsa. At sa pangatlo nakalagay ang sisig na maraming sili. Napalunok ako ng maamoy ang masarap na aroma ng pagkain. It looks so delicious! Damn!

“Thank your hot boyfriend who's always worried about your well being and always bought you food because you were too lazy to eat your lunch.” sermon ni Ezra habang naghahain. Nagpatong siya ng dalawang makaharap na marmol na plato na hindi ko alam kung saan galing at pares ng kutsara at tinidor pati baso. Hindi ko pinakinggan ang sermon niya tungkol sa hindi ko daw pagkain ng tanghalian dahil sa katamaran. I just focus on the food in front of me that's making me salivate.

Nilagyan ni Ezra ng kanin ang pinggan ko habang tuloy parin sa pagsesermon. Gusto ko mang makinig ay hindi na rin ako nag abala dahil nagugutom na ako sa amoy ng pagkain. Dali dali akong sumubo kahit hindi pa tapos sa pagsasalin ng ulam si Ezra sa pinggan ko. Hindi ko na pinansin ang reklamo ni Ezra at sunod sunod na sumubo.

Umupo si Ezra sa visitors chair. Sumandok siya ng kanin at kumain. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Raijan. May bitbit siyang kulay puting lunch box. Isa lang 'yon pero malaki. Nakangiti siyang lumapit sa lamesa ko at nakangiting tiningnan ang mga nakahain roon. Hindi inaasahang tatabigin niya ang mga pagkaing nakahain roon at ilalagay ang malaking lunch box na dala niya.

Naestatwa ako sa ginawa niya. What was that for?

“Hay! Let's eat. I cook lunch for you, Mav.” Nakangiting sinabi niya. Napilitan akong ngumisi rin bago nilingon si Ezra. Umiigting ang kanya panga at kuyom ang mga kamao. He keeps on looking at Raijan and secretly glaring the guy.

Napailing ako bago sumilip sa dalang baunan ni Raijan. The big lunch box was divided into three parts. Ang sa isa ay may lamang kalderobo na binudburan ng maraming sili. Ang sa isa ay manggang may bagoong at ang sa isa ay kanin. Dali dali akong sumandok ng ulam niya't bagoong. Excited ko 'yong tinikman. Napapikit ako sa sarap nang malasahan sa pamilyar na luto niya.

“Ang sarap!” Nanlalaki ang matang bulaslas ko. Humalakhak si Raijan at sumenyas na tumuloy sa pagkain. Magana ang bawat subo ko. Sa gilid ng mata ko nakita ko ang pag-ismir ni Raijan kay Ezra. Napailing nalang ako at tumuloy sa pagkain.

“How are you, Mav? It's been five years.” Biglang tanong ni Raijan. Napalunok ako.

“Yeah, it's been a long time...” Patigil ako sa pagsubo. Naging dahan dahan na rin ang pagnguya ko. Bigla, nawalan ako ng gana. “well, I guess I’m okay now. I find what I've been finding since toddler. I face my own demons and walk at the right path alone...”

“Well, are you happy?” Sa tanong ni Raijan napalingon ako kay Ezra na kunot na kunot ang noo at walang maintindihan sa pinag-uusapan namin ni Raijan. A smile made a way in to my lips. Looking at my man I feel so blessed.

“Yes, I am.” Malapad ang ngiting sinabi ko habang nakatitig kay Ezra. Nilingon niya ako. Nanlaki ang mata niya nang makita ang ngiti ko. Hindi inaasahang ngingiti rin siya habang nakatingin sa akin.

“Good. I guess so... you look so happier.” Napalunok ako nang marinig ang pait sa boses ni Raijan. Nanlaki ang mata ko. Nilingon ko siya. Hindi ko natagalan ang lungkot sa mata niya kaya tumungo ako't tahimik na kumain ulit.

Wala nang magsalita sa amin. Tanging ang pagnguya at pagsandok lang ng pagkain namin ang naririnig ko. Sobra pa sa awkward ng sitwasyon namin.

“It keeps me remember, back to the time when we're still together...” Biglang sabi ni Raijan. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nanigas ako sa kinauupuan na parang binuhusan ng malamig na yelo. “When you're still young and mine... when you're still stubborn and a crybaby... when I was only the one you want to be with... when you always want to be with me and only me.”

Sa gulat ko ay halos mailaglag ko ang kutsarang hawak ko. “Look at you now, a grown up strong and independent woman and not a crying baby who always wants to be with Raijan.” Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ko at mas lalong lumapad ang ngisi. “You don't need me now,”

Sa simpleng salita niya lang ay nag-init na kaagad ang mata ko. Raijan...

-Emd of chapter-

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon