Love by mistake

196 6 0
                                    

Hindi ko maintindihan ang mga pagbabagong nagaganap sa paligid ko. Pakiramdam ko palagi ay may mali ngunit wala naman akong makitang kahit ano. Parang normal lang ang pero hindi talaga para sa akin. Sobrang gulo ng sitwasyon ngunit parang ako lamang ang apektado. Nakakalito ang kumilos ng mga tao ngunit parang ako lang ang nakakapansin. Nawiwindang ba ang utak ko dahil sa sobrang daming lamang niyon. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip pero kahit na halos mahati na 'yon ay wala parin akong nakukuhang sagot. Maraming tanong na wala akong naisagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Kung O-oo ba ako o hi-hindi, kung magbibigay ba ako ng rason o hindi. Nakapa komplikado ng lahat sa akin. Ang utak ko ay natutuyo at ang enerhiya ko ay nauubos.

Gaddens! Nauubos yung utak ko!

"Delievery for Ms. Maria Maviell Saphronia "Mavis" Monte Alegre!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Kasalukuyan kaming nag-chi-chikahan ng mga ka-trabaho ko ngayon dahil wala pa ang sinapian kong boss.

Napakunot ang noo ko ng malingunan ang isang delivery guy na kasalukuyang nakatayo sa may entrada ng opisina namin at may hawak na isang bungkos na puting rosas. 

"Maria tawag ka!" Tinapik ako ni Nicholas sa balikat. Nakataas ang kilay ko siyang tiningnan.

"Alam ko." Inirapan ko si Nicholas na bumelat lang sa akin. Epal!

"Ako yun!" Tumingin sa akin si Manong delivery guy at lumapit sa akin.

"I.D po for confirmation." Nakangiting sabi ng delivery guy. Labas na labas ang malalalim niyang biloy na ikinatili ng mga kababaihang nasa likod ko. Omay gulay! Like ko yung dimples ni kuya!

Pinakita ko sa kanya yung company I.D ko. Ngumiti siya ulit. May gass!! Ang cute niya!

"Ahm eto po." Inabot niya sa akin yung isang bungkos ng bulaklak at may pinapirmahan. Pumirma ako roon at binalik sa kanya.

"Thank you ma'am. Have a good day." Tuamango siya at tumango rin ako. Hayun na naman yung shining smile niya na nakapagpatili sa mga kababaihan sa likod ko. Sus! Ang cute!

Pagka-alis ni Kuyang delivery guy lumakas ang tilian ng mga ka-trabaho kong babae sumali na rin pati ang mga bakla kahit ako ay nakisali na rin. Halos ipupukpok ko sa ulo ni  Angelo ang hawak kong bouquet ng white roses sa sobrang tili. My gash bakit ba naman kasi ganun ka-gwapo ang lalaking yon? Nabiyayaan talaga ng wagas gaddens!

"Mavis kanino galing yan?" Tanong ni Jerry kapagkuwan matapos ang tilian. Napatingin ako sa bulaklak na medyo nagkagutay-gutay na.

"Ewan ko." Nagkibit balikat ako at inayos ang pagkakapatas ang bulaklak. Tinusok tusok ni Marites ang pisngi ko.

"Yiee. Nagdadalaga na siya." Sinamaan ko siya ng tingin. Sino kaya ang sabog na nagpadala sa akin ng bulaklak na ito? Sabog ba siya? Isa ako sa mga tipo ng babaeng ayaw sa mga bagay bagay na katulad nito. Unlike other girls I like flowers only for gardens not for gifts. Kaya sino ang bangag na nagbigay sa akin nito? Pfft! Pero it's okay lang naman. Ako na nga ang binigyan ako pa mag- iinarte?

"NANDYAN NA SI SIR!!" Kanya kanya kaming takbo ng marinig ang boses ni Manong Guard na baklang baklang sumigaw. "Ahyy dalian niyo!"

Mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng cubicle ko at  'sinarado iyon.

"Yung CCTV delete niyo!" Narinig ko pang sigaw nila sa labas ako naman ay umupo na sa swivel chair at kunwaring nag- umpisa nang mag-trabaho. Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto ng cubicle ko.

Pinag-buksan ko ang kumatok at sa tingin ko ay na-i-drop ko ang perfect jaw ko ng makita kung sino ang kumatok. Si Boss! He is in his normal office attire with black Italian shoes. Ngunit hindi katulad noon ay nakangiti na siya ngayon. Halos pumikit narin ang brown shining eyes niya sa sobrang pag-ngiti. Sa kilos niya ngayon ay nahihiwagaan na ako ngunit ang mas lalong nakakapag-taka ay ang pag- katok niya sa pinto ng cubicle ko. Usually ako palagi ang pumupunta sa kanya o kaya naman kung may gusto siyang sabihin ay ginagamit niya ang intercom sa cubicle ko na nakakonekta sa opisina niya, madalas naman ay cellphone ang ginagamit niya kaya nakakapag- taka ang mga bagong kinikilos niya. Pero dahil ako si Mavis na walang pake edi wow nalang.

Nakangiting lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Halos hindi ako huminga ng lumapat ang malambot niyang labi sa aking pisngi lalo na nang maamoy ang mabango niyang pabango. Natulala ako at hindi nakagalaw. Ano ba ang nangyayari? Nagsimba ba si Satanas at biglang naging ganito?

Pigil ang hininga ko habang naka tayo sa harap niya. Tulala at wala sa sarili. Dinama ng kanyang palad ang aking pisngi. Laglag ang pangang nag-angat ako ng tingin sa kanya. Maaliwalas ang mukha niya at walang kahit na anong parte ang madilim roon. Hindi katulad noon na palaging walang emosyon o sarkastiko ang kanyang tingin. Hindi katulad noon na mahal ang mga ngiti nito at mabibilang sa kamay kung ilang beses lamang 'yon nagaganap. Hindi katulad noon na kung bigyan niya ng distansya ang pag-itan namin ay parang may nakakahawang sakit ako. Ngayon ibang iba na ang 'boss' kong kasama ko. Ano ba ang nangyayari? Bakit ba siya ganito? Ano bang trip niya? Bangag ba siya?

Nahihiwagaan ako sa mga kilos niya. Kinikilabutan ako sa tuwing ngumingiti siya. Naninindig ang balahibo ko sa bawat pag-dikit ng balat niya sa akin. Parang may mali pero wala talaga akong makitang mali. Parang hindi normal pero wala talaga akong makitang hindi normal. Gulong gulo na ako pero wala akong lakas ng loob para mag-tanong. 'Just go with the flow' ika nga. Hahayaan ko na lamang siguro ang mga ganitong bagay. Siguro ay ako lamang ang nag- iisip ng mga ganitong bagay. Siguro ay ang isip ko lamang ang nagpapa-windang sa sitwasyon. Siguro ganito lamang ang boss kong ito dahil good mood.

Pero kahit good mood siya hindi ka niya hinahalikan! Ani ng maliit na tinig sa akin.

Hindi good mood lang siya. Wag ka nang epal sumasakit lang ang brain ko. Sagot ko sa isip ko.

"Did you get the flowers?" Malambing niyang tanong. Eh? Nag drugs ba to?

"Oo, maganda. Gwapo rin yung nag- deliver." Hindi ko napigilan ang sarili kong impit na mapatili ng maalala ang cute na dimples ng delivery guy. Gaddens!

"Psh," Rinig kong siring niya. "Bulaklak daw yung maganda pero yung delivery guy yung nagustuhan. tsk." Hindi ko na-gets yung sinabi niya. Ang labo kasi parang siya tapos ang laki pa ng boses niya hindi ko maintindihan. Curse his voice not my ears it's his fault. Tinalikuran niya na ako at walang imik na nagtungo sa opisina niyang malapit lang sa cubicle ko. Anyare dun? Sabog ba yang si boss o bangag? Psh! Hay ewan! Ang gulo niya!

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon