Love by mistake

137 8 3
                                    

"Because with you... I finally found the harmony inside my tumultuous world. You win the battle between the monsters who eat up the good in me. I love you, my love. Let's not be apart." I cried at what he said.



Ngayon ko lang naisip na wala akong pinagsisisihan sa pagsagot ko sa kanya. He's worth it. More than worth it. I realize that you should trust the man who you would love, because real man never breaks your trust. A real man would never tear you inside and out. I may not able to see how deep his love, but I deeply can feel it. Just by the warmth of his hugs and its tight were telling me that my man loves me. I don't care about other people thinks. I just want to love my man to my greatest.



Hindi bumitaw si Ezra sa yakap niya sakin. He stayed hugging me warm and tight even when were inside the elevator. Nagsilabasan ang ibang mga kasabay naming pumasok sa elevator at ang iba naman ay tingin ng tingin sa amin sabay magbubulungan. And Ezra being Ezra, he glared at them.



Natatawa ko nalang na tinampal ang braso niyang nakayakap sa beywang ko. Gumalaw ang panga niya sabay bulong sa aking tenga.


"Alam kong maganda ka pero hindi ako papayag na pati babae nililingon ka. Tang'ina, Mavis ba't ganyan ka kasi kaganda?" Parang naiinis na sabi niya.


Humalakhak ako at hindi na siya pinansin. Humaba ang nguso niya. Kinuskos niya ang ilong sa pisngi ko. Panay ang tampal ko sa balikat niya dahil nakikiliti ako at nahihiya rin. Panay kasi ang ubo ng mga kababaihang kasama naming sa loob ng elevator. Panay naman ang irap ni Ezra sa mga babae. Sa aming dalawa parang siya iyong babaeng nagseselos sa kapwa niya babae dahil tingin sila ng tingin sa boyfriend niya. Yun nga lang lalaki si Ezra at nagseselos siya sa babae dahil tinitingnan ng mga ito ang girlfriend niya.


"Ang ganda kasi ng girlfriend ko. 'Yan tuloy pati babae kaagaw ko." Aniya ni Ezra pagka-labas namin sa elevator.



Napailing nalang ako sa kilig. Pakiramdam ko gusto ko nang isuka ang alak na nainom ko kanina dahil sa sobrang kilig ko. Gusto kong gumulong gulong sa sobrang kilig ngunit pinigilan ko ang sarili ko at nagkunwaring maayos habang kasama si Ezra. Tumuntong kami sa harap ng pinto ng kanyang condo at doon lang ako ulit nagkahuwisyo. Natigilan ako.



Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa pinto. Naalala ko nung araw na kinidnap niya ako at itinali sa itaas ng Eiffel tower sa Paris, France para lang yayain akong makipag-date sa kanya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Sinong mag-a-akala na ang isang Ezra Del Galvante ay mangi-ngidnap ng babae para lang yayain itong makipag-date. A for effort siya dun pero ang babaeng niyaya niya ay halos atakihin sa puso dahil sa sobrang takot. Siraulong lalaki 'to. Pero kahit muntik na akong atakihin sa puso hindi ko parin maiwasan ang kiligin. Sometimes, Ezra was too clueless. Palagi siyang nagmumukhang baguhan. Though, hindi lingid sa kaalaman kong maraming lumipas na babae sa buhay niya pero iba parin yung pakiramdam ko. He's like a naïve boy who doesn't know what he's doing. Ang cute pero minsan ay nakaka frustrate.



"I know that smile." Ezra said, his voice was cold.



Napahalakhak ako at kinatok ang pintuan sabay lingon sa kanya. Dahil nasa likod ko siya kanina hindi ko napansin ang labi niya. Tumama agad iyon sa noo ko. Inilagay niya ang parehas na braso sa magkabilang gilid ko na parang ako ay ikinukulong. Niyakap ko ang braso ko sa beywang niya habang nakangiti at ipinipikit ang mata. Nisubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Paulit-ulit niyang dinampian ng halik ang aking noo saka pa niya binuksan ang pinto ng pakiramdam niya ay makakatulog na ako sabay buhat sa akin. Binuhat niya ako patungo sa silid niya at nihiga roon.



Inilagay niya ako sa ilalim ng makapal niyang kumot habang ang kamay niya ay nakasiklop sa kamay ko. Hindi siya umalis roon hanggang sa makatulog ako. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang kamay naming magkasiklop at pabulong na kumakanta.

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon