Love by mistake

249 9 0
                                    


Lumipas ang segundo, minuto, oras, araw at linggo na parang lumilipad ako sa hangin. Trabaho dito, trabaho doon. Papeles rito, papeles roon. Reports dito, reports doon. Presentation dito, presentation doon. Ganiyan lumipas ang isang linggo ko.

Kung hindi laptop ay 'sandamakmak na papeles ang kaharap ko. May mga oras na tsismisan ang trabaho ko pero madalas talaga ay trabaho.

Kami naman ng boss ko ay... well maliban sa iwasan namin ng tingin at propesyonal naming pag-uusap ay wala na kaming iba pang engkwentro. Kung may kailangan siya ay i-te-text niya sa akin. Kung may itatanong naman ako sa kaniya (na madalas ay hindi ko ginagawa) ako naman ang nag-ti-text. Para kaming robot dalawa na talagang ginawa lamang para sa gawain ng opisina. Kaya nga nagtataka ako ngayon kung bakit narito ako ngayon sa harap niya sa ilalim ng matalim niyang titig at nangingilatis na tingin.

Kapansin pansin ang pag- tingin niya ng paulit- ulit sa bewang ko ngunit hindi ko narin pinansin. Malay ko ba kung doon nga siya nakatingin.

"So as I was saying..." Hindi ko na naintindihan pa ang mga sunod niyang sinabi dahil tinangay na ng hangin ang aking isip. Naglakbay 'yon sa kung saan saan at nagpalaboy-laboy sa mga nakakalubog isip na pangyayari.

Naputol ang makamundo kong pag- iisip ng makarinig na malakas na kalampag. Mula sa pagkakatulala sa makintab na dulo ng suot kong sapatos nag-angat ako ng tingin sa aking harap. Nasalubong ng 'taka kong mga mata ang mga matatalim na mata ng aking amo. Patay na naman!

"Do you want your job? If you don't feel free to put your resignation letter first thing tomorrow Ms. Monte Alegre. Efficient na secretary ang Kailangan ko at Hindi ang tanga- tangang katulad mo. So if you want to keep your job wake- up from your fucking-daydream and face reality." Mahabang sermon sa akin ng boss ko. Napatungo ako dahil sa kahihiyan at mahina na lamang na sinabing,

"Sorry po..."

"Alam mo kung hindi mo kayang mag- trabaho ng maayos mabuti pang mag- resign ka nalang sa kompanya ko at mag-apply ka nalang bilang prosti riyan sa 9th club tutal bagay ka naman dun." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi mapigilang manginig ng buong katawan ko dahil sa sakit ng mga sinabi niya.

Hindi pa Mavis! Kaya mo pa 'yan. Okay lang 'yan. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na okay lang ang mga sinabi niya. Okay lang ako. Hindi ako nasaktan sa mga sinabi niya pero pinipilit ko lamang ang sarili ko sa wala.

"Bagay ka namang maging pok-pok." Tumawa siya ng nakakainsulto na mas lalong nakapag- panginig sa akin. Huminga ako ng malalim at matapang na sinalubong ang kaniyang nanunuyang tingin.

"Kung wala na po kayong sasabihing iba aalis na ako..." Mababang boses na ani ko. Sobra na ang pagkapahiyang nararamdaman ko parang gusto ko na lang umalis at magpakalayo- layo. But no! I won't do it! Kaya ko ito. Salita lang 'yon hindi ako apektado. 'Saka ampanget-panget niya para mag-pa-apekto ako. Tss. Kung mukha akong pok-pok siya kamukha ni Satanas. 

"Leave." Malamig niyang sabi. Tahimik akong umalis sa private office niya at napasandal sa pinto noon. Ipinikit ko ang mga mata ko at tinakpan ang mata ko. Sobrang sakit ng puso ko dahil sa mga narinig mula sa kaniya. The murmurs are right. He is a ruthless existing devil. Naniniwala na talaga akong hindi lang masama ang ugali niya masahol pa siya sa hayop. He's too ruthless and much for being a bastard asshole jerk. And if ever I'll gonna fall in love with him (as if that's gonna happen ) that would be my biggest mistake because falling in love with a man like him is a much more torture.

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon