Love by mistake

174 2 19
                                    

A/N; Hindi ako nakapag-update dahil sa weather weather kong signal kaya sorry naman HAHA Hindi ko yata magagawa ang 5 chap tulad ng sinabi ko pero ewan lang din HAHA. SPG; Medyo lang naman mga brad di naman pa naman hard and rough to siguro next week HAHA yan spoiler na!

*Enjoy reading! XOXO!*

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Meryenda ang pilit kong pinang-aliw sa sarili ko sa isang linggong umiiwas ako kay Ezra. Iniisip kong baka sa pamamagitan ng pagkain ay baka makakalimutan ko si Ezra, pero nakakapikon rin pala ang mga baka sakali at siguro lalo na kung  alam ko naman sa sarili ko na nagloloko lang ako. Walang ibang paraann para makalimutan ko si Ezra ng ganun kadali. Siguro sumobra ang pagmamahal ko kaya ganito. I love his too much that I didn't expect that I might get destroyed. Inuna ko ang puso ko kesa sa utak. Hindi ko natimbang ng maayos.

Siguro masyado kong sineryoso ang mga pinapakita at sinasabi niya kaya heto at wasak ako. Kahit saang angulo tingnan ay hindi manlang kami nakapasok sa ugnayang mutual understanding dahil mag-kaiba kami ng pagkakaintindi sa isa't isa. Siya, para sa kanya ay gusto niya ako samantalang ako ay mahal siya. Mag-kaiba iyon. Malayo ang ibig sabihin sa isa't isa pero tanga nga siguro ako kung bakit ba naman kasi nahulog ang loob ko sa kanya kung gayong alam ko naman simula umpisa na malayo ang ibig sabihin ng 'gusto' sa 'mahal' pero hindi ko parin pinigilan ang sarili kong mahulog sa kanya kaya heto ako ngayon at kinakailangan pang umiwas sa kanya para lang masabing nag-mo-move on ako sa kanya. Move on na kahit anong gawin ko ay siya parin ang hinahanap hanap ko. Move-on na kahit iniiwasan ko siya ay hinahanap hanap ko parin ang presensya niya. Move-on na alam kong niloloko ko lang ang sarili ko dahil alam ko namang walang gamot na makakapag-patigil sa akin sa pagmamahal sa kanya.

Mahirap nga pala talagang mag-move on lalo na kung sa umpisa pa lang ay alam ko nang hindi naman naging kami. Hindi niya ako niligawan, hindi kami nagkaintindihan at mas lalong hindi kami nagmahalan. Wala, sweet lang siya pero walang ibig sabihin iyon. Gusto niya ako pero hindi katulad ng pagkakaintindi ng iba sa salitang gusto. The like he meant is maybe for friendship. Siguro nakikita niyang beastfriend material ako kaya niya nasabi yun.

"Mavis, papirmahan 'to kay Mr. Del Galvante. Urgent lang." Nagising ang lutang kong utak dahil sa nagmamadaling si Mina na secretary ng head ng marketing department.

Binasa ko muna ang data na pinapapirmahan niya sa bigboss at ng makitang urget nga iyon ay dali dali akong tumayo at nag-tungo sa opisina ng bigboss. Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahang binuksan ang pinto ng opisina ni Ezra. Agad na bumulaga sa akin ang basag na statuette na sigurado akong libo ang halaga. Napabuntong hininga ako. He always do this for five consecutive days now. Palagi siyang nagwawala at palagi akong naglilinis ng mga basag na mga furniture at figurines tuwing umga kung kailan wala pa siya.

Tuluyan kong binuksan ang pinto at agad na hinanap ng aking mata si Ezra. Magulo ang loob ng opisina niya. Para iyong nadaanan ng limang bagyo sa sobrang gulo. Basag ang laptop, wala sa ayos ang mga paintings at maraming basag na bubog at nakakalat ang maraming coupon bond. Napabuntong hininga na naman ako bago napakamot sa noo. Hindi ko alam kung ano ang problema niya pero sa nakikita ko ay malaki, malaki ang problema niya. Baka nasisiraan na ng ulo or what.

Nakita ko si Ezra na naka-upo sa isang sulok ng opisina niya at nakatungo sa tuhod niya. He looks so vulnerable to look at. May pula rin ang kaliwang kamay niya na sigurado akong nahiwa dahil sa mga babasaging bagay na binabasag niya. Lukot na lukot rin ang suot niyang polo at magulo ang may kahabaan niyang buhok. He's a mess. Really mess. Ano kayang nangyari?

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Dahil naka-heels ako lalo pa akong nag-dahan dahan para hindi niya marinig ang paglapit ko sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya umupo ako sa paa ko at marahang sinilip ang mukha niya. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil naka-subsob 'yon sa tuhod niya. Humugot ako ng malalim na hininga. Ilang araw kong kinundisyon ang puso't utak ko para rito. Kailangan kong maging pormal. Kailangan naming bumalik sa dati dahil alam kong sa aming dalawa ako palagi ang higit na masasaktan.

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon