Love by mistake

69 1 0
                                    


Kinabukasan, pinalipat na kaagad ako ni Ezra sa condo niya. Pumayag naman kaagad ako dahil engage na rin naman kami at kaunting araw na lang ang bibilangin at ikakasal na. Nasa lobby ako dahil pinaiwanan ako ni Ezra. Sabi niya ay maalikabok daw kaya dito lang muna ako. Pabalik-balik ang tingin ko sa kaharap na elevator habang naka-upo sa sofa sa lobby. Naiinip na ako sa tagal nilang bumaba.

Kasama namin sa paglilipat si Nicholas na dumaan lang para sa chismis. Ewan ko ba sa lalaking 'yun at kalalaking tao ay napaka-chismoso. Daig pa babae kung maka-chismis.

"Moving in I see." Ani ng babaeng boses.

Umangat ang kilay ko nang makilala ang babae. Siya 'yung babae dun sa resort at yung babae sa opisina ni Ezra.. Lalong tumaas ang kilay ko. Sa kislap palang ng mata niya ay sigurado na akong hindi siya narito para i-congratulate ako at si Ezra. It's a gut feeling na may gagawin siya laban sa aming dalawa ng fiancé ko.

Kalmado ko siyang sinagot pero pinapakiramdaman ko ng mabuti ang mga galaw niya. Nangangamoy malansa. Lalo na dun sa ngiti niya. Parang may halong pang-aasar. Tumiim ang bagang ko. Hindi ako nagpahalatang may napapansin ako. I'll let her see me as blind at clueless, dahil gusto kong malaman ang totoong pakay nila.

"Mm, yung fiancé ko kasi," Maarte kong hinawi ang buhok ko. "He wants me at his place." Ngumisi ako.

The woman's lips curved. Parang may nakakatawa sa sinabi ko. Then her eyes flickered aghast. She throws a laugh and flipped her hair. Nakita ko sa kislap ng mata niya ang pang-aasar na napansin ko. She was mocking me on something I don't discern. Ano kaya ang bagay na 'yon? Lalo ko siyang pinagmasdan. Tinaas niya ang kamay at tinakip 'yun sa bibig niya. I saw something strange. Bakit may singsing siyang kaparehas ng sa'kin?

"Well, I didn't ask." She smiled contemptuously.

Tinapatan ko ang ngisi niya sabay tayo. I flipped my hair, sa paraang kaiinisan niya. I held my head up and stand with class. "Just saying, I guess."

At nabura ang ngisi niya.

"Who would have known, Ezra will marry a mare secretary, Just. Like. You. I've been with him for too long, I didn't see this coming. Sigurado ka ba talagang mahal ka niya?"

"Just like you have said, you've been with him for a long time now, why can't you tell the answer? Sigurado ka bang kilala mo siya?" I said with class dripping in my words.

Napalitan ng galit ang kakapiranggot na pang-aasar sa mukha niya. Walang class. Hindi pala magaling sumagot mayabang lang. Tumaas ang kilay niya at tinaliman ako ng tingin. Lalo akong ngumisi dahil nakikita kong gagawa na siya ng eksena. Wala talagang class. 'Di na nahiya.

"You! Gold digging slut!" Sa galit niya.

I smirked with class. "Don't tell me napikon ka agad? C'mon it's just a simple chit-chat we are not yet even reaching the peak of conversation. Grabe ka naman."

She glares while I smirk. "Bulok."

"You were just a toy for Ezra! 'Di siya seryoso sa'yo! You'll see niloloko ka lang niya! At ikaw itong tatanga-tangang lumalapit parin sa kanya. Hala sige! Lose yourself! Lose yourself until you go crazy. Makikita mo at iiwan ka rin niya. It was all for a bet after all."

Nag-igting ang bagang ko sa narinig sa kanya. May kaunti sa aking naniwala sa kanya pero lahat ng iyon ay nawala nang marinig ko ang malakas na tibok ng puso ko nang maalala ang mukha ni Ezra. No, I trust my man. Alam kong gago siya noon pero nagbago na siya ngayon. He wasn't that asshole boss from five years ago, that was just his cover-up pero hindi siya ganun. He's my Ezra now. My man. My babi.

Love by mistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon