12

6 1 0
                                    

Kabanata 12

Kinabukasan, nagising nalang ako kasama si Drian. Rinig na rinig ko ang pagclick ng camera kaya dahan dahan kong nimulat ang mata ko. Ngumiti ako ng nakita si Mommy hawak ang camera.

"Good morning po"

"Ayyy! Gising kana pala hehehe. Good morning anak" masuyo niyang sabi. Napatingin ako kay Drian na ngayon ay tulog na tulog pa. Napuyat kasi kami sa kakakwento ng kung ano-ano.

"Drian.. wake up" marahan kong tinapik.

"Ako na ang gigising sa kanya Drianna. Mag ayos kana."

Umalis ako sa kama. "Anong oras na po ba?" Kinuha ko ang aking cellphone at nanlaki ang mata ko ng nakitang may apat na message si Terrence.

Terrence:

Brooke Kate, I heard from Red that you're not coming today? Diba kakasabi ko lang may practice ngayon?

Terrence:

Wala ka sa dorm mo? Where are you? I'll pick you up.

Terrence:

Where the hell are you Brooke Kate!

Terrence:

Brooke Kate Rosales! Answer the damn call!

Napalunok ako ng nabasa ang kanyang mensahi. Nakita ko din ang mga missed call niya kaya agad ako kinabahan. Bahala na nga! Babawi nalang ako sa susunod.

"Mommy, it's already 8 am. Bakit ngayon niyo lang kami ginising?"

"May meeting kasi ang Kuya mo, sandali lang. Mamayang alas diyes tapos na 'yon kaya maghanda kana." tumango lang ako tsaka dumiretso sa banyo. Medyo natagalan ako kasi nawiwili ako sa mga body skin care na nilagay ni Mommy dito. Sobrang dami!

Ilang minuto ang lumipas, lumabas ako ng banyo nawala ng tao sa kwarto. Dumiretso ako sa walking closet para mag hanap ng masusuot. Kailangan kami makarating sa lunch. My parent's resort is not really far from here. Sa pagkakaalam ko isang oras at kalahating minuto lang ang tagal.

Since it's a lunch date, siguro mag dress nalang ako? I'm sure Drian will wear something classy, knowing her. I choose blue puff longsleeve dress and a cute 2inch white heels. I also wear a single necklace and pearl earrings.

"Drianna? Are you done?" I heard Drian's voice from my door.

"Yes! Lalabas na!"

"Lalabas ka because?" She said and we both laughed as I went out.

Nagulat ako ng nakita kung ano ang suot ni Drian. We're both wearing longsleeve puff dress pero ang pinagkaiba lang ay kulay black na may pearls ang sleeve at 2inches white heels din siya.

"Oh my god! Totoo talaga 'yong sinabi nilang may konesyon ang magkambal no?! Look at us! Omg! Omg! Mommy!"

Natawa ako sa reaksyon niya at tinawag pa talaga si Mommy. Iniwan niya ako at tumakbo papunta sa dining area. Nakangiti akong sumunod sa kanya at nakita ko sila Mommy, Daddy at Kuya Drake.

"Woah, you look good together.." daddy said as Drian sat beside me. "Manang mana kayo ng mommy niyo"

"Of course! You're too inlove with me that's why hahaha!" Mom said. "Tayo muna kayo anak. Kukuhanan ko kayo ng picture." excited niyang sabi. Wala kaming nagawa ni Drian kaya tumayo napang kami.

Ilang minuto din bago kami natapos sa kakapicture dahil nagpa picture kaming lima. A family picture. Matagal ko na itong pangarap, ang may family picture. Dati kasi, picture ni Nanay Fely at sila Riza ang kasama ko pero ngayon iba na.

Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon