19

6 2 0
                                    

Kabanata 19

Masaya ako sa araw na 'yon dahil doon ko natantong kahit anong kasamaan ni Terrence ay gusto ko parin siya. Kahit masakit ang salitang sinabi niya tungkol sa'kin ay okay lang dahil naintindahan ko naman siya. Hindi niya ako kilala at alam ko din concern siya sa kapatid ko kahit hindi ko naman nakikitang magkasama sila alam kong may pinagsamahan din sila.

They're schoolmates since nursery until now! Kaya hindi malabong wala silang pinagsamahan. Mabait si Terrence sa loob at ganon din si Drian kaya kahit hindi nagpapansinan ay may natitira pading pag aalala nila sa isa't isa. Tsaka, naalala ko noong una kong nakita si Terrence. He said that I should stop following and obsessing about him.  But he just said that because he thought that I was Drian!

Oh my gosh! Hindi kaya?

Napalunok ako sa naiisip. Huwag naman ganon nuh? Kahit hindi pa napapatunayan ayaw kong mag away kami ni Drian dahil lang kay Terrence! Drian is not just my twin sister but also my best friend.

Naiiling ako dahil ayaw kong isipin. Hanggat maari kung totoo ang hinala ko. Mas mabuting hindi ko nalang ipilit ang sarili ko sa lalaking 'yon. Tsaka hindi ko pa naman mahal si Terrence, kaya ko pa siyang iparaya.

Natawa ako sa sariling naisip. Gago ano? Wala namang kami. Paraya my ass, ano 'to? Paubaya by Moira? Gagi!

"Ohh you're here na pala" napaangat ako ng tingin at nakita ko si Drian nakatayo sa gilid ng gate. "I was waiting for you" she added while looking at my back. Napalunok ako.

Terrence dropped me off dahil ginabi kasi kami kakausap at kain namin. Hindi kami bumalik sa school pagkatapos ng lunch dahil malapit na ang laban at pahinga nalang kaming lahat. Buti nalang talaga vacant ako sa hapon para sa araw na ito!

"Hello Drian! Sorry hindi na kasi ako bumalik sa school hehe" lumapit ako sa kanya at agad kumapit sa kanyang braso.

"Ahhh.. si Terrence ba ang nag hatid sa'yo?" tumango ako sa tanong niya. Hindi ko mapigilan ang sariling hindi siya obserbahan. Sa ekspresyon palang niya alam kong nasasaktan siya at pilit tinatago sa'kin.

May relasyon ba silang dapat itago?

Bumulis ang tibok ng aking puso sa naisip. Bakit ganon? Bakit ang sakit? Wala nalang pahayag si Terrence tungkol sa'min pero alam kong kahit kunti may naramdaman siya. Hindi naman siya didikit sa'kin kung wala diba?

Nawalan ako ng gana at agad inalis ang pagkahawak ng kamay ko sa mga braso niya. "Oo ngapala, nandyan na si Daddy at Mommy. Kanina pa sila naghihintay sa'yo" ngumiti ako tsaka tumango.

Kung totoo man ang hinala ko dapat ko ng iwasan si Terrence. Kapatid at kaibigan ko si Drian, ayokong lalaki ang dalihan para magkasiraan kami.

"Drianna..." si Mommy nang nakitang papasok ako ng bahay. Nag aantay pala sila sa sala. Ngumiti ako sa kanya at patakbong lumapit.

"Mama.." yumakap at humalik ako sa pisngi niya bago bumaling kay Daddy na nasa tabi lang ni Mommy. "Dad..." ginawa ko din sa kanya ang ginawa ko kay Mommy.

"How's your day anak?" tanong ni Mommy habang nakaupo sa sofa.

"Okay naman po.."

Tumango siya. "By the way, I already talk to your school about you... being a Vergara-Sanford so you can introduce yourself as Drianna... if you want" ani Daddy habang nagbabasa ng dyaryo.

"Ahh opo nabanggit po ni Sir Manalo. Thank you po"

Maharang hinaplos ni Mommy ang aking buhok habang ako ay nakaupo sa tabi niya at si Drian naman ay nakatayo sa likod ni Mommy.

"Dalawang linggo pa bago makuha ang resulta ng DNA test kaya enjoy ka lang ha? Anak ka namin Drianna" nakangiti niya sabi tsaka bumaling kay Drian.

"Drian, how are you? Okay naba ang pag lipat mo ng course?" sasagot na sana si Drian pero naunahan siya ni Daddy.

Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon