01

48 12 0
                                    

Kabanata 1

Cebu City, Central Visayas

"Kate! Bumangon kana! Kailangan na natin mag-madali! Mali-late na tayo!" napabangon ako ng wala sa oras ng narinig ko ang sigaw ni Riza at nagmadaling tinignan ang oras.

Teka, nakatulog pala ako? Maaga ako gumising at naligo. Humiga lang uli ako pero tuluyan pala akong nakatulog sa kakahintay sa oras. Bukod sa kanila at Nanay Fely, sobrang excited ako ngayon.

"Isa! Kate, buksan mo ang pinto, hindi lang sayo ang kwarto nato!" sigaw mula sa labas, pero hindi na si Riza kundi si Zane. Napakamot ako sa ulo.

"Oo na po" I said while walking towards the door "Tch, gising na po ako kanina pa, kaya lang nakatulog ulit ako" sabi ko nang nabuksan ko na ang pinto.

"Enough of your excuses Brooke Kate! Mali-late na tayo sa mismong graduation natin! Nako! Bahala ka dyan, sayang 'yong mga awards mo"

Yes, we're graduating in senior high school. Hindi ko maiwasang mapangiti. Finally we will graduate together. Hindi naging madali ang pag-aaral namin kaya nagpapasalamat akong natapos narin namin. Well, kung wala lang talaga ang K to 12 ay baka second year college na kami but since naabutan kami. Nagtiis kami sa buhay senior high.

"Bakit ngayon ninyo lang ako ginising? Anong oras naba?" inis kong sigaw sa kanila at pumasok ulit at kinuha 'yong damit na nakasampay sa cabinet. Hindi ko na kailangan maligo, kasi nakaligo na ako. Sinanay kasi kami ni Nanay Fely na, pagkagising ay maliligo agad.

"Hihintayin ka lang namin" sabi ni Riza sabay upo sa kama niya, at sumunod naman si Zane.

"Hoy! Nandito lang pala kayo! Iniwan niyo ako kay Oliver!" napatingin kaming lahat sa kakadating lang. Si Valeri.

"Ayaw ayaw pa! Eh gusto naman" bulong ni Riza. Napangisi ako.

Nagkakilala kami dito sa bahay ampunan, yes ulila na kami, sabi ni Nanay Felly nakita niya lang daw ako sa labas ng pinto. Then si Riza, Zane, at Valeri. 2 months old pa lang ay iniwan na sila dito, gaya ko iniwan sa labas ng gate, ang pagkakaiba lang ay nauuna sila bago ako. I'm 1 month old at that time, they just left me at very young age, masakit pero may magagawa ba ako? Besides alam ko namang may dahilan ang tunay kong magulang. Wala naman sigurong magulang na gusto maulila sa kanilang anak. Pero minsan talaga, hindi ko maiwasang magalit, sino ba naman ang hindi diba? Minsan galit ako sa kanila dahil iniwan nila ako sa ganong edad, minsan sa sarili ko kasi nagagalit ako sa maliit na rason. Maliit ba 'yon?

"Tulala ka na naman Kate. We have to move, may sasabihin pa si Nanay Fely" Zane said as she putting makeup on her face.

Trizane is beautiful. She has this sky blue eyes. Medyo malaki ang kanyang mukha pero maganda parin. She have a very long hair. Natural straight 'yon at sa tingin ko, may lahing koreana si Zane dahil may pagka intsik ang kanyang mata. Matangos ang kanyang ilong, makapal ang kilay at natural mapupulang labi.

Simula nong ulila na kami, si Nanay Fely ang tumayong Nanay namin. Kahit nag iisa lang siya, pakiramdam ko maswerte at masaya naman kami dahil may Nanay Fely kami sa buhay namin. She adopted us, she give her all love, care and attention. That's why I really want to graduate in college at maging successful para naman masuklian ko paghihirap ni Nanay Fely para sa'min.

"Okayy poooo"

-

Kumapit ako sa braso ni Riza habang dala dala ang toga. Mamaya pa kasi namin ito susuotin dahil magmumukha kaming tanga kapag sinuot namin agad. Habang naglalakad pababa ay nagsalita si Valeri.

"Kinabahan ako Kate, kanina kasi nakita ko si Nanay Fely na may kausap sa telepono tapos habang kinausap ni Nanay yung nasa telepono, malungkot siya ang mga mata. Ano kaya yun?" ani niya, bihira lang malungkot si Nanay Fely, never ko siya nakikitang malungkot. Mahal niya kasi kami at ilang ulit niyang sinabi samin na kami ang kanyang kaligayahan.

Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon