03

29 11 0
                                    

Kabanata 3

"So ikaw pala ang sinasabi nila"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. It was like I'm looking at myself in the mirror. Buhok at mata lang ata ang magkaiba sa amin. Mas maputi siya kesa sa'kin, at kasing tangkad ko rin siya.

Kinabahan ako ng lumapit siya sa'kin. Akala ko may gagawin siyang masama sa'kin kaya halos napaatras ako ng kunti.

"Kyaaaa! Hindi ko akalain may kamukha ako" Tumatalon pa siya. Napatingin ako kay Kendall ng nagtataka pero tumango lang siya habang nakangiti. "Woah, ganda mo po"

"Tsk mas maganda ka sa akin hehehe" nahihiya kong sabi. Grabe naman babaeng 'to, napaka friendly.

"Nako! Para tayong magkapatid! Halika lunch tayoooo!" Agad naman ako napatingin kay Kendall at humingi ng tulong pero ang gaga ngumisi lang sa'kin.

"Sige, Drian at Kate. Una na ako" sabi niya sabay talikod. Pipigilan ko na sana siya pero hinawakan na ako ni Drian sa braso.

Napanguso ako ng natanaw si Kendall paunting unti lumayo sa'min. Napabaling ako kay Drian na ngayon ay nakatingin sa akin habang ngumingiti. "She's Kendall right? I've always seen her but we're not that close." sabi niya habang sinusundan ng tingin si Kendall.

"Kate pala pangalan mo? Kate sorry kung feeling close ako ah?" dagdag pa niya. Bakit ang gaan ng loob ko sa kanya? It feels like I'm home...

"Hindi ka naman FC. Sadyang Friendly ka lang. So lunch na tayo? Gutom narin ako eh" sabi ko sa kanya saka hinawakan ang tyan ko. Tumango siya sabay hawak sa aking braso. I tried myself not to feel awkward. Ngayon lang talaga kami nagkita! I heard a lot of things about her.

"Pwede makipagkaibigan?" Nagulat ako sa sinabi niya. Tsk, kailangan pa ba yun? Friendly naman ako. Talaga Brooke?

"Kailangan pa ba 'yon? Of course we can friends."

"Oo ba!" she happily said "Alam mo Kate. This is my first time to have friends here in PHA. 'Yong best friend ko kasi nasa ibang school kaya wala akong masyadong kaibigan dito. Kung sinuswerte nga naman! Magkamukha pa tayo, kaya lang mas mahaba lang ang buhok mo"

"Ahh oo nga. I loved my hair long. Simula pa ata high school ang buhok ko kaya sobrang haba na." gusto ko talaga mahaba ang buhok kaya natatakot akong mabored eh baka kasi maisipan kong gupitin ang buhok ko. Mahirap na.

Nagkwentuhan lang kami habang papuntang canteen. Nang nakarating na kami agad kami nakakuha ng mauupuan. May inutusan si Drian na bibili ng pagkain namin. Hindi naman sa tamad siya. Gusto niya lang na makasama ako.

"Pwede ba kitang tawaging Katie or Brookie?" tumango lang ako. Wala namang kaso sa akin kung anong tawag niya sa akin. Maganda naman ang pangalan ko, walang halong pangit gaya ng may ari haha.

"So paano ka napadpad dito sa PHA?"

Napatawa ako. "Galing ako sa cebu, doon ako lumaki. Kaya lang naman ako napadpad dito dahil nakapasa ako sa entrance exam at full scholarship dito sa PHA kasama mga kaibagan ko."

"C-cebu?" tumango ako. "T-talaga? Wow naman hehe" nag iwas siya ng tingin. "Hindi pa ako nakakapunta doon. My parents won't let me" malungkoy niya sabi habang nakanguso. "Maganda ba doon?"

"Oo, sobrang dami kang magagala doon lalo kung labas ng cebu province" mas lalo siyang ngumuso.

"I want to go there."

"Pupunta tayo doon kapag summer at payagan ka ng parents mo. So ikaw ba?"

"Well, dito na talaga ako sa PHA mula kindergarten paiba iba ngalang ng campus. Nakakasawa nga eh pero ayos lang, wala eh loyal tayo."

Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon