Kabanata 27
All my life, I've been in the dark. Simula noong naintindan ko ang sitwasyon ko sa bahay amponan ay doon ako nawalan ng pag-asa sa buhay ko. I was three when I looked for my parents but they didn't showed up. Nanay Fely explained me properly and make me understand the situation.
I was five when I realized that my parents left me and I had no one. I was bullied in orphanage because my family abandoned me, lalo na 'yong nambubully sa'kin ay 'yong kinukuha lang din ng kanilang pamilya. Hindi naging madali sa'kin ang buhay ko sa bahay amponan.
Halos hindi ako nagsasalita at mailap ako sa mga tao. I was six years old when I started to communicate with others. Riza approached me first and she's well known girl in orphanage because she has a unique beauty. Sa totoo lang parang recruit lang ako Riza dahil kilala na sila ni Zane at Val noon. Mas una silang nagkakilala. Kahit kilala ko naman sila ay hindi ako nakighalubilo. Like what I've said. I'm silent and hard to approach.
Simula noong naging kaibigan ko ang tatlo. Sila ang nagpalakas sa'kin, sila ang nagbigay ng ilaw sa buhay kong puno ng kadiliman. I don't know who I am. I don't know about my parents, nothing but when I knew these three girls, they gave me a reason to be a better person, to be a better version of myself.
And seeing my real family happily cheering my name in the crowd makes me wonder why did God give me this perfect family?
Hawak hawak ni Mommy at Daddy ang banner na may pangalan ko habang si Drian at Kuya naman ay hawak ang banner ng PHA na may pangalan ng banda namin. Gusto kong maiyak sa nakikita ko.
Sulit pala ang lahat ng paghihirap ko, sulit pala ang sakit na naramdaman ko noon. Kung paulit ulit man ang sakit at pag hihirap na 'yon ay paulit ulit ko din pipiliin kung ganito ang kapalit.
"Goodluck to us." rinig kong sabi ni Terrence kaya napabaling ako sa kanya. He's wearing plain white sleeveless shirt and black blazer on it. His pants is also black. Bagay na bagay sa kanya ang magulo niyang buhok.
"Ah sure win 'to pare. May goodluck kiss kasi si Kent mula sa fiancée niya HAHAHA." kantyaw ni Nathan kay Kent na ngayon ay nakangising binatukan si Nathan.
"Chismoso mong tangina ka."
Napangiti ako habang pinagmamasadan sila. Today is the quarter finals and semi finals, mas lalong maraming nanuod ngayon kumpara noong una. Halos mas maraming taga PHA ngayon dahil siguro wala ng pasok dahil malapit na ang sportfest.
Nag-aasaran lang sila sa harap ko habang nakangiti. Hindi ko namalayang umupo na pala si Tristan sa tabi at tinakpan ang mababa kong skirt ng blazer niya kagaya kay Terrence.
"Your skirt is too short." he huskily said like he just woke up.
Agad ako nag-iwas ng tingin sa kanya. "I-ito ang pinili ng stylist natin."
"Yeah but you can refuse."
Gusto kong umirap sa inasta niya. Simula noong pag-uusap namin ay mas lalo siyang napalapit sa'kin. Kahit mga bandmates namin ay nakapansin din, mabuti nalang hindi sila nag salita tungkol doon. Mas maalaga din siya sa'kin at hindi ko itatangging hindi ko nagustohan ang mga 'yon
Gusto ko siya pero ayokong magpadalos dalos. Time matters, you can't love the person, you just met. Pero sa loob ng maliit napanahon, napaamo niya ang puso ko.
Dahil siguro marupok ako sa mga gwapo?
Tsaka natatakot din ako, baka infatuation lang 'to, natatakot akong mag sawa ako at mag sawa din siya.
"PHA standby, you are next." anunsyo ng staff sa Skyhigh.
Inalis ko blazer ni Tristan at binigay 'yon sa kanya. Nakasimangot niyang kinuha 'yon at sinuot. Nakangisi akong tinalikuran siya at pumunta sa entrance ng stage.
BINABASA MO ANG
Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)
RomantizmFirst Installment of COMPOSTELLA, Never Lose You Losing someone is a greatest fear of Brooke Kate, a girl who left behind by her family. Her young mind learned that she doesn't have a parents and cause her a trauma of losing someone. As she finishe...