23

4 0 0
                                    

Kabanata 23

Hindi ko alam kung anong naramdaman ko ngayon. Sabay kaming napabuntong hininga ni Drian habang nakatingin kay Kendall na ngayon ay nahihiyang ngumiti sa'min.

Masama ko siyang tinignan at alam kong ganon din si Drian. Hindi naman ako galit na siya ang girlfriend ni Kuya Drake, pero sana sinabi niya sa'min diba? She's our friend!

"So, you're Kendall Suarez right? A Suarez, sounds familiar... diba hon?" si Mommy.

Tumango naman si Daddy at sinubuan niya nang pagkain si Mommy. Ginawa niya talagang katulong si Daddy. "Are you somehow related to Edward Suarez and Lou Suarez?"

Nakatingin lang ako kay Kendall kung anong magiging reaksyon niya. Tumingin muna siya kay Kuya Drake, at nang nakitang ngumiti lang si Kuya sa kanya ay agad siyang bumaling sa'min. "They are my parents po"

"Ohh... Akala ko si Kylie lang ang anak niya? Sabi niya pa nag-iisa niya 'yong anak ah?"

"Dad.." suway ni Drake kay Daddy.

Nagulat ako sa sinabi ni Daddy. Wala akong alam sa pamilya ni Kendall at hindi ko akalain may problema siya sa pamilya niya. Hindi din kasi siya nagku kwento sa'min tungkol sa pamilya niya. She always look so happy and grateful.

Sinuway agad ni Kendall si Kuya. "Hey, it's okay"

"Oh, I'm so sorry. I didn't mean to offend you dear. 'Yon lang talaga ang sinabi ng Dad at Mom mo every time we're having a business gathering and I'm sorry."

Ngumiti si Kendall kay Daddy. "Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Daddy sa inyo but I'm their biological daughter too. Siguro, nagkamali lang po kayo.."

"Yeah baka nga. I'm sorry for my attitude."

"Hon.." my Mom stopped Dad from asking. Dahil alam kong masakit 'yon para kay Kendall.

"No, it's okay po Ma'am"

"Oh dear, just call me Tita or Mommy"

"You should call me Tito or Daddy too. Do as you please."

"Sige po, Tita at Tito."

Nag usap sila tungkol sa business. Tahimik akong kumakain. Hindi naman kasi ako mahilig sa pinag-uusapan nila. Yes, I'm taking business ads but I really don't like it. Pinasa ko lang ang first sem para hindi masayang ang taon. Besides, scholarship lang ako kaya kailangan kong i-maintain ang grades ko or else mawawala ako sa scholarships.

"Ahh, so you're just first year college hija? Saan ka ba nag aaral?"

I saw how Kendall drink her wine classily. "I currently studying in PHA, taking business ads Tita"

My Mom looked so shocked. "Oh, my two girls are studying in PHA and taking business ads too. Do you know her girls?"

"Yes mommy... but I guess she got amnesia because the last time I checked, we're friends." laglag ang panga ko sa sinabi ni Drian. Oh gosh, here comes the hidden bitchy!

"Drian..." agad ko siyang sinuway. Gagu, gusto pa ata ng gulo. Okay naman sa'kin si Kendall, kaya lang ewan ko kay Drian.

"Oh, is that so? Hehe..." napakamot pa si Mommy sa kanya leeg at naiilang timingin sa'min. "Well, ahm let's just start what's the purpose of this dinner."

"Drianna won in her first performance with us. I know, we didn't bond too much because you're busy and so am I, but I want you to know that even you're gone too long. I still love you so much, kahit buong buhay mo wala kami sa tabi mo, unang iyak, unang tinawag mo, unang lakad mo, hindi ka namin nagabayan pero simula ngayon. Gagabayan kita hanggat sa maubos ako handa kami buohin ka ng pagmamahal ng walang hanggan." namumuno ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Mommy. She become my weakness, isang salita lang niya tungkol sa'kin, nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan din siya sa pagkawala ko.

Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon