16

8 2 0
                                    

Kabanata 16

Dahan dahan kong kinuha ang bag ko ng natapos na kami sa practice. Medyo madami ako ginawang adjustment dahil naiilang ako kay Tristan. Well, he's good, really good but I just can't get along his vibe. Tahimik siya pero nagsasalita naman kapag tinatanong o kakausapin mo.

"Saan ka uuwi ngayon Kate? Kila Drian?" bulong ni Kent. Nakikichesmes na naman ang mukong.

Tumango ako. "Oo, susundiin kami." ayokong mag sinungaling sa kanila at deserve naman nilang malaman kung sino talaga ako kahit wala pang kasiguradohan.

"Totoo ba talagang kapatid ka ni Drian?"

Tumango ulit ako. "Oo, nitong buwan ko lang din nalaman."

"Grabe bigatin ka talaga no? Akalain mo nga naman pinagpala ka talaga hahaha" tumatawa pa siya. Walang kahit anong insulto ang naramdaman ko sa sinabi niya. Kahit medyo naiilang, alam ko kung anong point niya. Tsismoso lang talaga siya.

"Mayaman ka din"

Ngumisi siya "Oo mayaman ako Kate hehehe... reto mo naman ako kay Zane oh"

Laglag panga ko dahil sa sinabi niya bago napailing. Kaya naman pala sipsip ang isang 'to dahil hindi talaga siya naki tsismis sa issue ko.

Hahays napaka user ng gago. "Asa ka" binelatan ko siya bago lumabas ng quarter.

"Sge na Kate!!" natawa ako dahil rinig na rinig ko ang boses niya paglabas ko.

Mabuti nalang at alas sais ng natapos ang practice namin kaya walang masyadong estudyante sa campus. Dahil first week ng klase after midterm, maagang pinatos ang klase at tsaka malapit nadin ang Battle of the Bands kaya siguro medyo luwag ang classes ngayon. Hindi lang naman ang Battle of the Bands ang mauuna sa kompetisyon kaya siguro itong mga estudyanteng nasa school pa ay ito ang lalaban next week.

Tahimik akong tumulak sa parking lot at nadatnan ko si Kuya Drake nakasandal sa kotse niya habang hawak hawak ang cellphone. Kunot noo akong napatitig sa Kuya ko.

"Kuya.."

Nag angat siya ng tingin, nang nakita ako ay agad siyang lumapit sa akin at hinalikan sa noo. "Ako ang susundo sa inyo ngayon dahil may inaasikaso si mommy at daddy." tumango nalang ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto pero bago ako makapasok sa kotse ay tinanong ko siya kung saan si Drian.

"Tapos na din. Papunta siya dito."

"Ahh" pumasok ako sa kotse ng tahimik. Sinirado niya ito bago pumasok sa kotse para doon nalang maghintay.

"Nakapag enroll na kayo?" tumango ako sa tanong niya.

"Opo Kuya, hindi naman masyadong mahaba ang pili since late enrolle naman kami."

Hindi kami masyadong close ni Kuya Drake pero ginagawa naman niya ang lahat para hindi ako makaramdam ng ilang at takot sa kanya. He's not sweet by words but by actions. Seryoso at strikto siyang tao pero kapag kami naman ang kasama niya mawawala ang ganon side niya.

Ilang minuto din kami naghintay bago dumating si Drian habang hinihingal sumakay sa frontseat. "Gosh! Ilang minuto kayo naghintay? I'm so sorry, may pinasa pa kasi ako sa Dean"

"It's fine Drian."

"Hi Kate! Grabe nakakapagod!" tumawa ako.

"Hello, pahinga ka nalang pag uwi natin."

Nakarating kami ng bahay na nagtataka dahil sobrang tahimik ng living room. Hahays bata pa naman si Mommy at Daddy sana magka baby ulit sila no? Nang may maingay naman dito sa bahay. Sobrang tahimik at awkward pa din kasi kahit may kunting adjustment na.

Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon