26

5 1 0
                                    

Kabanata 26

Halos hindi ako makatulog sa kakaisip kung anong mangyayari kapag nag-usap kami. Kahit anong pilit kong matulog ng maaga, maraming pumapasok sa isipan ko kung anong mangyayari s apag-uusap namn. Muntik pa akong maiwan ni Drian, mabuti nalang at ginising ako ng mga katulong dito. 

"Hon, dahan dahan naman.." napatingin ako kay Daddy ng suwayin niya si Mommy na ngayon ay kumain ng agahan.

"G-gutom pa ako.."

"Oo, kakain ka ng marami pero dahan dahan naman.... oh ito tubig." pinainom ni Daddy ni Mommy. Nagtinginan kami ni Drian at sabay napailing.

Habang tumatagal, mas lalong napapansin ang pag umbok ng tiyan ni Mommy. Nanaba din siya ng kaunti dahil walang araw at oras siyang hindi kumain ng kung ano-ano. Hindi naman siya pinagbawalan ni Daddy kaya lang ay halos puniin ni Mommy ang kanyang bibig kaya nagagalit si Daddy.

Seeing my parents happily inlove after so many years makes me wonder if my marriage life would be like them. Alam kong hindi naging perpekto ang kanilang buhay mag-asawa pero pinili nilang manatili sa isa't isa.

Meron bang ganon?

Kasi ako, kapag nasaktan ako. Mas pipiliin kong hindi ipaglaban dahil alam kong walang papatunguhan kundi masaktan lang namin ang isa't isa. Kung ipaglaban ko man, siguro dahil mahal na mahal ko siya.

What am I thinking like this? Masyado pa akong bata para pag isipan ang ganyang bagay. Tsaka siguro matagal na rin ako walang ka relasyon. My last relationship is with Keana, my ex-girlfriend.

Really Kate? After you make out your bandmate?

Napangiwi ako dahil namiss ko bigla ang dati kong pangalan. Kailangan ko ng sanayin ang sarili para hindi ako mabigla kasi alam ko simula ngayon wala ng tatawag sa'kin ng Brooke Kate Rosales.

"Hindi ako pupunta ng classroom, wala din namang kwenta kasi walang teacher'ng papasok. Hatid nalang kita sa quarter niyo."

Tahimik akong tumango sa kanya. Ayoko rin mag isang pumunta doon dahil kinakabahan talaga ako sa pag-uusapan namin ni Tristan. Pareho kaming natukson pero ewan ko ba, talagang may something.

Anong something? Something na kalandian?

Nakahinga ako ng malugaw nang nakitang nasa sala silang lahat. Mukhang nag memeeting. Napatingin ako sa kinaruruonan ni  Tristan at sumalubong sa'kin ang malamig niyang tingin, tamad siyang nakasandal sa couch. Agad akong umiwas at bumaling sa mga kasama namin.

"Hello.."

"Good morning Drianna! Kanina ka pa namin pinag-uusapan HAHAHAHA—ARAY! Nakakarami kana ha!" sabi ni Kent ng binatukan siya Tristan. Napailing nalang ako bago lumapit sa kanila.

Nakatayo lang ako sa likod ni Terrence na ngayon ay seryosong pinagmamasdan kami. Kumuha ako ng upuan at doon nalang umupo. Ayokong tumabi kay Tristan dahil 'yon nalang ang natitirang bakanti.

"Tomorrow will be quarter finals. Alam mo na ba ang gagawin mo?" sabi ni Terrence at bumaling sa'kin. Tumango ako. "Good, hindi tayo mag papractice ngayon para makapagpahinga ka."

"Sana ol magpapahinga" si Nathan

"Kahapon pa siya nag papahinga ah? Pagod yarn?" nag init bigla ang dalawa kong pisngi at pilit pinanatili ang seryosong mukha.

"Inggit yarn?" sabi ko at umirap.

Narinig ko pang nagtawanan sila ni Nathan at nag apiran pa. Mga gonggong talaga, walang magawa sa buhay.

"Amoy zonrox ang kwarto, alam mo ba? Hmm?" mas lalo ako nag iwas ng tingin.

"Arrgg, huwag ganon pre!" si Nathan at tumawa.

Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon