08

18 7 0
                                    

Kabanata 8

"OH HI KUYA DRAKE" Napatingin ako kay Drian ng bigla siyang sumigaw.

Nagsimula na akong kabahan ah. Para akong ikakasal at nagmamanhikan.

"Hi, little sis" sabi ni Sir Drake ng nakababa siya ng kotse niya pero hindi siya lumapit samin ni Drian.

"Hi Kate, we meet again. Glad that you accepted our invitation." nakangiti niyang sabi.

Nahihiya akong ngumiti kay Sir Drake "Good evening Sir Drake. Wala naman pong rason na tatanggihan ko ang alok niyo. Grasya na 'yung lumapit sa'kin" natatawang sabi ko.

"Drop the 'Sir' we're not in the coffee shop and you're not working"

Tipid akong ngumiti sa kanila. "Sa backseat kana umupo Brooke." it's kinda weird when someone call me Brooke, it's like a broke you know?

Nauna akong pumasok sa sasakyan ni Sir Drake, may pinag usapan pa silang dalawa kaya nag hintay muna ako sa loob. Nilabas ko ang aking cellphone saka nag selfie. Wala trip ko lang, nabored ako eh.

Maya maya pa ay pumasok na din sila at agad pinaandar ni Sir Dake ang sasakyan. Walang nagsalita sa amin at napapansin ako pasimpleng sulyap ni Sir Drake mula sa rear-view mirror, hindi ko nalang pinansin dahil wala lang iyon sa akin.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Weird, makikipag meet lang naman ako sa parents ni Drian pero ewan talaga. Iba ang pakiramdam ko ngayon parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating kami sa bahay nila Drian. Ang alam ko lang ay pumasok kami sa isang skina at parang subdivision iyon at maya maya pa ay huminto kami sa kulay gintong gate. Tanaw na tanaw ko ang laki ng gate mula dito sa loob ng kotse. Grabe ang laki naman nito, tss paano na kaya kapag 'yung nasa loob na? Jusq!

Pinagbuksan kami ng gate pero nagulat ako ng wala namang taong bumukas non, automatic pala siya. Huminto kami sa malaking garahe nila.

"Hey, baba na tayo?" sabi ni Drian habang inaayos ang kanyang mukha, hindi pa niya tinanggal ang kanyang seatbelt.

"Ah? Eh? Okay" sabi ko sabay tango saka lumabas na din.

Halos sampung minuto ako nag hintay sa kanilang lumabas, mukhang may pinag-usapan pa sila kaya natagalan. Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan.

"Hey, what's wrong?" Drian asked when she stepped out of the car.

"Kasi.. Kasi.. E-ewan ko" nauutal kong sabi "Drian, wag mo akong iwan ah" tinawanan niya lang ako at pabirong hinampas ang braso ko.

"Ewann sa'yo Kate, hindi ka naman kakainin ng parents ko" mas lalo siyang tumawa kaya nag iwas ako ng tingin.

"Hindi naman sa ganon.. E-ewan ko ba pero kinakabahan talaga ako eh"

"Pumasok na tayo" sulpot ni Sir Drake nakakalabas lang ng kotse.

Naglakad kami papunta sa malaking pinto nila. Grabe ang yaman talaga nila saka hindi na talaga ako magtataka kung anong makikita ko sa loob.

"Mom? Dad? We're here!" Sigaw ni Sir Drake ng nakapasok kami sa bahay nila. Hindi komaiwasang ilibot ang aking tingin sa buong bahay.

Grabeee, ang yaman talaga nila Drian! Ang ganda ng bahay nila! May chandelier sa gitna ng sala at sa tingin ko may third floor. Hayy, siguro ang ganda ng buhay niya nuh?

Samantalang ako? Parang pinagkait sa'kin ang pagkikita namin ng pamilya ko o sa nanay ko man lang. Parang pinagkait sa'kin maging masaya.

"Mga anak, nandito kami sa dining area ng mommy mo. Punta na kayo dito para sabay tayong kumain! " para akong binuhusan ng malamig na tubi dahil sa narinig kong boses.

Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon