05

22 8 0
                                    

Kabanata 5

Paulit ulit nag eecho ang boses ni sir Drake sa utak ko. Grabe, hindi ko akalain may ganito kapoging kapatid si Drian. Tamihik lang kasi 'yon pero kung close kayo, sobrang ingay. Tsaka wala din binanggit ni Drian tungkol sa kapatid niya.

"Ahhh, kaya pala magkahawig din tayo ng kaunti. Kamukhang mukha ko kasi si Drian." sabi ko sa kanya. Tumawa siya at umupo ulit sa kanya upuan.

"Yeah, kaya nga akala ko ikaw ang makulit kong kapatid. Do you know my little sister?" tumango ako.

"Oo naman po. Nagkakilala kami noong first day, napagkamalan ako ng mga schoolmates namin na ako siya." ngumiti lang ito habang nakatitig sa akin kaya agad akong na conscious.

"Anyway, can I ask you a question?" Drake asked, I just nodded my head as a sign of agreement.

"Where do you live? And where are you came from?"

"I live in PHA's Dorm, full scholarship ako. But before that, I lived in Cebu." he frowned, kakabahan na sana ako dahil baka magulat din siya but iba ang nangyari. Agad niyang inalis ang pagtataka sa kanyang mukha at pinalitan ng isang ngiti.

"How old are you?" he asked again.

"I'm 19, turning 20 po" he just nodded his head before standing up. "Wala po kayo itatanong Sir Drake?" I added but he just shook his head.

"Bring that tomorrow to me" he said and slightly handled me the folder "You can put it on my table if I'm not here" tumango lang ako at ngumiti.

"Pasensya na po, hindi ko nadala ang ibang requirements. Galing kasi ako sa eskwelahan at nadaanan ko lang ang shop ninyo, sakto naman naghahanap ako ng part time job kaya dumiretso nalang ako"

"That's not a problem, just bring the requirements. Nasa papel na iyang ang kailangan mong dalhin." mas lalo akong napangiti. Walang isang pitik na hindi sila magkapatid ni Drian. Sobrang bait, pinalaki siguro ng maayos sa kanilang mga magulang.

Sana ol..

"See you tomorrow, kung maabotan man kita" nakangiti akong tumango sa kanya at nag bow.

"Thank you again sir" I widely smiled. Hindi ko alam kung gaano ako kasaya ngayon. There's something in my heart, I feel so happy and relieved.

"You can go now" hindi ko alam kung ilang beses ako nagpasalamat.

Woah, ang bait ko naman ngayon. Panay ang pagpapasalamat at may bow pa. Choss, pera na kasi ito, kailangan ko ng pangbili sa shopee o kaya sa shein.

Yayaman ang shopee dahil sa'kin..

"Bye po Sir! Ingat po kayo sa pag uwi niyo!" nakangiting paalam ko.

"Yes, you too" tumalikod ako sa kanya at naglakad paalis. Isasara ko nasana ang pinto ng kanya opisina ng may narinig ako. May kausap agad siya sa telepono niya.

"Mr. Yanai. I have a favor to asked"

Hindi ko nalang iyon pinansin at tuluyang sinira ang pinto. Nang nakarating ako sa baba ay sinalubong agad ako ni Dane.

"Ano? Kamusta? Pasok ba?"

I smiled and showed her the papel that I was holding. "Yes, babalik ako bukas para isubmit ang mga requirements" she giggled.

"Mabuti naman at may kasama na ako dito. Mga lalaki kasi ang ibang kasamahan natin" tumingin siya sa paligid kaya napatingin ako.

Tama siya, may isang lalaki taga buhat ng mga deliver, isang chief at isang waiter. Malaki ang shop at marami rami din dumalo dito para mag-aral kaya sobrang tahimik, isang mahinang kanta lang pumapalibot dito. Parang ginawa talaga ito para dito mag-aral ang mga estudyante.

Never Lose You (COMPOSTELLA SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon